Proposal

14K 160 9
                                    

Akala ko magiging ok na lahat pero mali ako kasi mula nong nagising ako katabi siya ay she never let me get close to her again..
Di ko lang maintindihan kung bakit niya ako iniiwasan..Gayong mahal naman namin ang isat isa...
Halos araw araw ko nga siyang nakikita pero sa bawat araw na yun ay si Zack ang kasama niya...
Nagpaalam na nga siya na aalis na siya sa bahay pero ginawa ko lahat para manatili siya..
Oo ,pumayag siyang wag umalis pero hiniling niya sakin na wag na muna akong lumapit sa kanya..Tutol man ay ginawa ko ang hiniling niya.
Gusto ko kasi kahit papano ay maibsan yung takot ko na baka kinabukasan paggising ay iniwan na niya ako at sumama na siya kay Zack ..

At dumating na nga yung araw na kinatatakutan ko dahil paggising ko ay wala na siya sa tabi ko at sa buong bahay...Hinanap ko siya kong saan saan pero di ko siya nakita...At nang gumabi na ay don ko lang naisipang puntahan si Zack sa bahay niya, buong hapon ko siyang tinawagan pero di naman niya sinasagot ang phone niya kaya ginawa ko lahat para mahanap ang bahay ni Zack...So I decided na pumunta sa bahay ni Zack..At tama ako andito nga siya sa bahay ni Zack..

Buong araw ko siyang hinanap andito lang pala siya kasama si Zack,siguro wala na talaga akong karapatan sa kanya dahil di man lang niya naisipang magpaalam sakin....Lalapit na sana ako sa kanya pero napatigil ako ng biglang lumuhod sa kanyang harapan si Zack at naglabas na isang maliit na box na sa tingin ko ay singsing ang laman..

Tuluyang umagos ang mga luhang matagal ko nang pinipigilan nang tuluyang kunin ni Coreen ang singsing sa kamay ni Zack matapos niyang savihing Will you marry me?
Pinatayo niya si Zack at niyakap ng mahigpit.....

Ito yun eh..ito yung ayokong mangyari ,yung tuluyang bawiin ni Zack ang girlfriend niya na asawa ko...Ipaglaban ko man na akin siya pero wala itong magagawa dahil pareho pareho naming alam na Di sya si Coreen kundi si Lian na mahal si Zack.......

Nawala na lahat ng pag asa kong magiging maayos pa ang lahat samin habang pinagmamasdan ko siyang yakap si Zack ng umiiyak...Siguro talagang huli na ang mga pagsisi ko...
Mabigat man ang loob ko ay pinilit kong umalis ay hayaan na lamang siya kong saan siya masaya............

I love you......narinig kong savi ni Coreen bago ako makaalis....

Yan yung madalas na savihin sakin ni Coreen noon pero di ko man lang nagawang tugunan at paulit ulit na inilalabas sa tenga ko.......
...............

Coreen's POV

Maaga akong gumising dahil medyo malayo ang kinaroroonan ngayon ni Coleen at pupuntahan ko siya dahil pakikiusapan ko siyang balikan si Kier...Di ko na kaya ang sakit sa tuwing nakikita ko si Kier,Di ko na kayang iwasan at itaboy siya.....Galit ako sa kanya dahil kung kailan malapit na akong mawala don niya ipaparamdam ang pagmamahal niya sakin...

Halos maubos lahat ng luha ko para lang mapapayag si Coleen na balikan si Kier ..Though sobrang sakit isipin pero it's the right thing to do ....
Buti naiintindihan ni Coleen ang kalagayan ko at pumayag na balikan si Kier.Naisip ko na kung magkakabalikan sila ay mas magiging magaan sa loob ko ang pag alis ko.......

Pauwi na sana ako ng tumawag si Zack at itinanong kung nasaan ako dahil susunduin niya ako....Sinabi ko kung nasan ako at ilang sandali pa ay dumating siya and nagdrive papunta sa kanyang bahay....

Di mo pa ba ako ihahatid sa bahay ?tanong ko habang inaaalalayan niya akong pumasok at dinala ako sa favorite part ko ng bahay niya ,sa garden,...

Teka sandali lang toh...tugon niya habang may inaabot na bagay sa likod niya....

At nagulat nalang ako ng bigla siyang lumuhod sa harap ko at naglabas ng maliit na box...

Will you marry me?Napatakip ako sa bibig ko para pigilan ang sarili kong umiyak....Kasalan ko to eh...Ako na yata ang pinakamasamang babae sa buhay ni Zack para paasahin siyang mahal ko siya. Sa mga araw na sinusulit kong makasama siya ay di ko man lang nagawang sabihin sa kanya ang kalagayan ko.......

Di ko alam kong anong sasabihn kaya kinuha ko ang singsing at pinatayo sa para yakapin siya...Umiiyak ako habang yakap siya..I feel sorry kasi alam kong masasaktan siya sa sasabihin ko.....

I love you.......pero
Sorry ..Zack ..di ko matatanggap ang iyong proposal .....umiiyak kong savi at ibinalik sa kamay niya ang singsing...

Ha...Pero Lian...Akala ko ba mahal natin ang isat isa......malungkot niyang sabi.....
Si Kier ba ang dahilan ? Akala ko ba kaya nilalayuan mo siya dahil di mo na siya mahal???

No...hindi yan ang dahilan...nagdadalawang isip kong savi,di ko alam kong dapat ko bang sabihin sa kanya ang sakit ko....

Eh ano Lian?....medyo galit na may halong lungkot niyang sabi....

Kasi.......umiiyak na ako kahit di ko pa nasasabi sa kanya ang gusto kong sabihin....

Kasi ano???di makapag antay niyang sabi...

Kasi may Cancer ako at may taning na ang buhay ko.........Halatang nagulat siya sa sinabi ko at ilang minuto ding walang nagsalita samin...

Bakit? Lian?Bat di mo sinabi?tanong niya ng mabalik na siya sa sarili at niyakap ako habang umiiyak....

Ayokong...maging malungkot ka!! Dahil minsan na akong nawala at ayokong malaman mo na mawawala na naman ako ulit.......sabi ko at niyakap siya ng mahigpit..

Sana sinabi mo para sana nagamot ka.... at di sana lumala....

Malala na nang malaman ko ang sakit ko ........

Kaya ba iniiwasan mo si Kier??

Tumango ako at napaiyak ng maisip ko si Kier...

Ganoon mo ba talaga siya ka mahal...

OO...sagot ko kahit alam kong masasaktan siya...

Alam mo handa akong pakasalan at alagaaan ka !!Handa akong magsakripisyo para sayo just let me spend a life with you....

Inabot ko ang mukha niya at pinahid ang mga luhang pumapatak sa mga mata niya..

Please Zack...Don't do this!Please wag kang masasaktan pag nawala ako,at wag mi na akong mahalin ..Please mula ngayon simulan mo nang kalimutan ako.....I'm okay ..tanggap ko na ang kalagayan ko at bilang tulong sakin layuan mo na ako........pinilit kong ngumiti sa harap niya..

Di sya nagsalita at niyakap ako ng napakahigpit.......

Alam mo itigil na nga natin to...At ihatid mo na ako.........sabi ko para medyo gumaan ang pakiramdam ko....

Di na ulit nagsalita si Zack hanggang sa makaarating kami sa bahay namin ni Kier.....

Zack...pasok na ako.....Mag ingat ka sa pagmamaneho......

Cgeh goodnight...wala sa mood niyang sabi at agad na pinaharurot ang sasakyan niya .......

Pagpasok ko ay naabotan kong isinuot ni Kier ang singsing na hawak niya sa daliri ni Coleen...

Ngumiti ako kay Coleen ng magtagpo ang tingin namin..Buti at nakumbesi ko siyang balikan si Kier....
At mukhang di ako napansin ni Kier o baka nagpapanggap na di niya ako napansin kaya ipinagpatuloy ko ang pag akyat ko ng may luha sa mga mata.....

Gusto ko mang ayusin ang relasyon ay di pwede dahil so selfish of me naman kung pipilitin kong maging okay lahat kung sa sarili ko pa nga ay alam kong di na magiging maayos ang dapat ayusin dahil paubos na ang oras ko .Masaya akong lilisan kong makitang masaya si Kier sa piling ng babaeng mahal niya....

It's a good thing na di talaga ako si Coreen De Vera kundi si Lian Compuesto na akala ng lahat na patay na. Di na kailangan ng annulment para maikasal siya kay Coleen...

His Desperate WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon