Six : Meet Hephaestus

2.7K 75 0
                                    


Nawala na si Bella. Pero kahit papaano nakapag-iwan naman siya ng makakapagpasaya kay Freyr—ang bunga ng kanilang pagmamahalan. Nagkaroon sila ng twins na opposite sex at nandito rin pala sa camp half-blood nakatira.

"Dad! " tawag ng isang babae kay Freyr at pagkalapit ay nagkiss siya sa cheeks nito.


"Ah, by the way, this is Leigh my daughter. Leigh, she's Crixpien. Your mother's sister. "


"Hi Aunty. " nagwave siya sa akin at nagsmile.


"Just call me Crixpien. " I insisted.


"Leigh! " tawag ng isang lalaki na lumapit sa amin. "Hi Dad. " baling niya kay Freyr.


"That's it ? Just 'Hi' ? " biro ni Freyr pero hindi halatang nagbibiro siya.


"Hey Dad. What's up? How's your quest? " pag-uulit ni Lawrence na medyo natatawa.

"It was great. " sagot ni Freyr.

Napatingin sa akin si Lawrence at pinag-aralan ang mukha ko.

"Dad, sino siya? " tanong nito.


"Mom's sister. " pagsagot ni Leigh.

"Hi Aunty." bati ni Lawrence sa akin.

"Just call her Crixpien. " nasabi ni Leigh sa kambal niya.


"Okay. You guys go to your cabin, we'll talk later. " utos ni Freyr sa mga anak at umalis na ito.


"Bye Crixpien ! See you later! " baling sa akin nung kambal at nagwave ako sa kanila.

Aww. Nakakatuwa naman silang pagmasdan. Mukhang sobrang close nila sa isa't-isa. Kambal sila pero hindi sila magkamukha. Nakuha ni Leigh ang features ni Bella, samantalang si Lawrence ay kay Freyr.


"Saang cabin sila? " baling ko kay Freyr.

"Ah, sa Hermes cabin. Doon pinapatuloy ang mga campers na walang cabin ang magulang. " nagsmile siya at tumango ako.

"Twenty five years old na sila, pero kung kumilos parang mga teenager pa rin. " dugtong ni Freyr na napapailing habang nakatingin sa kambal na nagbabanggaan pa ng balikat habang naglalakad palayo.

"Twenty five years old? Sabi mo twenty five years na rin nang mawala si Bella, di ba? " tanong ko at tumango siya.

"Baby pa sila nang mawala si Bella. "


Parang ako lang noon eh. Ni hindi ko man lang din nakilala noon ang Mom ko.


"Bago ko pala malimutan, gusto kang makausap ni Trevor. Puntahan ko muna yung kambal ko. " tinapik niya ako sa balikat. "Mabuti naman at nagkita ulit tayo. Welcome back. " nginitian niya ako saka umalis.


Kinacareer na niya ang pagiging tatay ah.


"Natalo natin ang Poseidon's cabin! Haha! " sabi ng ilang campers na tuwang tuwa na mukhang galing sa climbing walls, dahil mukha silang mga pagod pero mahahalata namang nag-enjoy sa mga ginawa.


Madalas silang magpaligsahan dito kapag walang mga quest, minsan naman pumupunta sa amphitheater at pinapanuod ang ilang play na ginagawa ng Aphrodite's at Hera's cabin. Hindi nakakasawang manatili dito sa camp dahil palaging may pinagkakaabalahang gawain.


"Sa susunod, Ares' cabin naman ang tatalunin natin! " dagdag pa ng ilang kasamahan niya.



Naglakad na ako papunta sa cabin ni Zeus para puntahan si Trevor pero nakasalubong ko agad siya kasama si Throy.


Child Of Hades Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon