Twenty eight: Worse

1.4K 37 1
                                    




"Hindi ko inaasahang susuwayin mo ako ng ganun dahil sa lalaking yun. "



"Master, umalis na sila. " biglang sulpot ni Norah pero hindi siya nilingon ni Dad.




"Mabuti kung ganun. " may lumitaw na latigo sa kamay niya at sa dulo nito ay may mga spikes na metal. "Dee! " lumitaw sa harap niya si Dee at yumuko ito. Si Dee ay isa sa mga zombie na binigyan niya ng karapatang magbantay sa dungeon at wala siyang ibang sinusunod dito kundi si Dad. Iniabot ni Dad kay Dee ang hawak niyang latigo at hindi ko na sila tiningnan pa. Alam ko na kung ano ang mangyayari ngayon. Hindi niya nga ako ikukulong sa dungeon pero ipapahagupit naman.



"ARGHH!! " napaluhod agad ako sa unang hagupit na yun.





"H'wag kang titigil hanggang hindi ko sinasabi. " utos ni Dad at lumapit siya sa akin.





"ARGHH! "




"Learn from your mistakes. "



"Just kill me! " ARGHH.




"Bakit ka ba nagkakaganyan? Hindi ko 'to gustong gawin pero dahil sa ginagawa mo—"




"Nagmahal ako. " doon na ulit tumulo ang mga luha ko at nanatili akong nakatungo habang nakaluhod. "Yun lang ang ginawa ko. At dahil dun parurusahan mo ko ng ganito? "



"My child... " may pagkaguilty sa boses niya at bumilis ang pagpatak ng mga luha ko.



"Don't call me your child. I hate to hear it. " napaubo ako ng dugo ng muli akong hagupitin ni Dee.



"Stop!" utos ni Dad kay Dee at tumigil naman ito sa paghagupit sa akin.




"Gaano na ba karami ang mga bagay na tinatago mo sakin? Ang tungkol sa kapatid ko, sa iba mong pamilya... Kailan pa sila rito nakatira? " iniangat ko ang ulo ko at tiningnan siya. "Hindi ba dapat ikaw ang nandito sa posisyon ko ngayon? At ako ang humahagupit sa likod mo dahil sa ginawa mo!" natahimik siya sandali at tumungo na lang ulit ako.




"Winawalang galang mo na talaga ako. Dee! " hinagupit na ulit ako ni Dee at ramdam ko ang paglubog ng mga spikes sa likod ko at ang paghugot nito. Hindi niya sinagot ang mga tanong ko.




"Si Eris ba? Si Eris ba ang dahilan kung bakit nawala si Marcus?! Ang babae na yun at ang anak niyang si Katie ay itinago mo ng matagal dito kasama ko?! "




"Tumigil ka! Hindi mo alam ang mga sinasabi mo! "




"Nakalaban ko si Katie! Sa kanya ko nalaman ang lahat!— ARGHH. " tiningnan ko siya ng masama. "Just kill me before you regret for giving me chance to get out of here!"



"You'll never get out of here. "




Tumigil sa paghagupit si Dee at hindi ko alam kung bakit dahil hindi pa naman siya inuutusan ni Dad na huminto.




"Handa ka talagang saktan siya masunod lang ang gusto mo? " ang boses na yun. Nandito siya. Hindi ko alam kung paano ako nakawala sa pagkakatali sa mga kadena pero ang alam ko tinulungan niya ako. Normal pa rin ang expression ni Dad at parang balewala lang sa kanya ang nangyari.



"You came back. "




"Yeah. But not for you. I came back to get my sister. " humarang siya sa unahan ko at hinarap niya si Dad. Ang lalaking 'to. Sabi ko na nga ba at siya si Marcus. Kaya pala hindi man lang ako nabahala kahit noong una ko pa lang siyang nakita.




Child Of Hades Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon