"Get out of here! " sigaw niya sabay hatak sa akin papunta sa Olympus. "You've saw people running out there but you didn't-" napahinto siya nang makita ako. "Crixpien? "
"Throy? " bulalas ko dahil ngayon ko lang din siya nakilala.
"You shouldn't be here. "
"I know but I have to. " tumigil ako sa pagtakbo at napatigil din siya.
"Pero-" idinikit ko ang index finger ko sa bibig niya para tumigil.
"I don't care if I haven't been recovered yet. But trust me... I'll survive as long as you're still alive. " saka ko inalis ang daliri ko. Sa ngayon, bumabalik ang courage ko na lumaban dahil nandito siya. Gumagaan ang pakiramdam ko kahit papaano. "Gaano pa kalayo ang Olympus? "
"Half kilometer. "
Nilingon ko ang tsunami na ilang metro na lang ang layo sa amin. Tsk. Hindi ako makapagshadow travel. Hindi rin kami aabot kung tatakbo.
Inihanda ko si chadar na lumubog sa lupa at hinawakan kong mabuti para panlaban sa pwersa. Napatingin naman sa akin si Throy na parang naisip ang naiisip ko. May inilabas siya sa bulsa ng jacket niya na rectangular na bagay at pinaikot-ikot sa kamay niya na biglang nag-evolve. Naging kasing laki namin ito at inilagay ni Throy sa direksyon ng tsunami. Nakatalikod ako dito habang si Throy ay kaharap ko at nakaextend ang mga braso na nakahawak sa bagay na ginawa niya. Naririnig ko na ang rumaragasang alon sa likod ko at pinapakiramdaman ko ang heartbeat ko na nagbabadyang tumalon anytime. Napatingala naman ako kay Throy na nakatingin sa akin at parang binabasa ang isip ko.
"Get ready. " sabi niya kaya hinigpitan ko ang hawak ko kay chadar.
Naramdaman ko ang malakas na impact ng tubig sa bagay sa likod ko pero nanatili itong nakatayo habang mahigpit na kinokontrol ni Throy. Nilamon na kami ng tubig pero ang maliit na espasyong meron kami ngayon ang nanatiling tulad ng kanina. Napatingin ako kay Throy na naliligo na sa pawis sa pagkontrol sa bagay sa likod ko para hindi kami madala ng tubig.
Naging kulay dugo ang tubig na nakikita ko sa paligid at nang mapatingin ako kay Throy ay naliligo na siya sa sariling dugo.
"Hindi pwede. " umiiling kong sabi.
"Are you okay? "
Tiningnan ko siya bigla na nakatingin sa akin na nag-aalala. Maayos siya at tulad kanina ay basa na siya ng pawis. Pinagmasdan kong mabuti ang tubig sa paligid na kulay asul.
"Y-yeah. " tumango ako. Teka ano yung nakita ko kanina? Tsk. Hallucination... Kainis. Yun ba ang disadvantage sa paggamit ko ng gamot na hundred years ago nang nagawa? Haisst! I felt the sudden pain and numbness of my body and the whirling vision. Bumabalik na ang panghihina ko. Kinuha ko ang isang syringe sa bulsa ng pants ko at isinaksak sa braso ko na nakita ni Throy na mukhang nagpapanic na kaya napaatras siya dahil nawalan ng concentration.
"Don't mind me. I'll be fine. " baling ko sa kanya na halos hindi ko na makita dahil sa blurry vision na kanina lang ay umiikot. Unti-unti akong nakaramdam ng lakas hanggang sa bumalik ang lahat ng lakas ko. Nagdisappear na si chadar at niyakap ko si Throy na ilang sandali na lang ay magcocollapse na at nakapagshadow travel ako sa Olympus kasama siya.
Magulo na sa Olympus dahil sa mga sugatang demigod at sigawan ng ilan na nagpapanic na.
"Okay ka lang? " sabay naming tanong.
"Oo. " sagot namin.
"Kailangan mo ng ambrosia. " tumakbo na ako para kumuha pero hinatak niya ako at...
BINABASA MO ANG
Child Of Hades
FantasyIlang taon ang lumipas bago nagbalik ang mga Olympian sa kanilang kaharian, pero kasabay nito ang pagbabalik ng mga Titans na pagsisimulan ulit ng isang malaking digmaan. Digmaan na magpapatunay kung sino ang totoong malakas at makapangyarihan at ku...