Fifteen : I resign

1.5K 55 0
                                    

Bumalik ako sa underworld at nasalubong ko si Dad na mukhang bad mood. Pasensiya na pero ganun din ako. Pakiramdam ko ang dami-dami kong bagay na hindi alam na ipinagdadamot ni Dad sa akin ipaalam.

"Dad. "


"Kung may sasabihin o itatanong ka, h'wag muna ngayon. " pangunguna niya at nilampasan ako.

"Dad, may dapat ba akong malaman? "

"Sinabi ko na sa'yong wag muna ngayon di ba?! "


Tinungo niya ang trono niya habang nakasunod ako. Lumayo sa amin si Caesar at Hugo na nagtago at ayaw kaming makita.

"Dad, may kapatid ba ako? "


Napatigil siya sa paglakad at nilingon ako.


"Bakit ba ang kulit mo? "


Nagpatuloy na ulit siya sa paglakad hanggang marating ang trono niya.


"Dad, tinatanong kita. May kapatid ba ako o wala?! " naiinis kong sigaw at tumingin siya sa akin na nagbabaga ng itim ang mata sa galit.


"Kanino mo narinig yan? " nagtitimpi niyang tanong.


"Dad, please, sagutin mo 'ko. Meron ba o wala? "


"WALA. " halos bumitak ang lupa sa galit niyang boses.


"Bakit ba ayaw mong ipaalam na may kapatid ako?! Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin 'yon? "


"GET OUT OF MY SIGHT. " nagbabanta niyang utos at tumalikod na siya sa akin.


"Dad, bakit ba ayaw mo akong sagutin?"


"I SAID GET OUT OF MY SIGHT!"


Nagsimula nang bumitak ang tinutungtungan ko kaya nagshadow travel na ako sa kwarto ko.


"SHIT! " nabulalas ko at naupo na lang ako sa kama.



Alam kong mali ang ginawa ko. Alam kong dapat ay hindi ko dinagdagan ang pagkabad trip niya pero gusto kong malaman mula sa kanya ang nalaman ko kay granny. Bakit ba itinanggi niya? Bakit hindi siya umamin?


Biglang umilaw ang serpent bracelet na gold na suot ko. Binigay ito ni Hermes para malaman ko kung tinatawag nila ako, at ngayon ay mukhang ito na yun. Kung mission ito, ayoko na. Hindi ko na kailangang mag-aksaya ng panahon para sa walang kwentang mission.


Inalis ko yung bracelet sa kamay ko pero bigla akong kinagat ng serpent na patuloy pa rin sa pagliwanag, kaya hindi ko na rin natanggal.


Oww. Shiit! Fine! Pupunta na ako.


Tumigil na sa pagliwanag yung serpent at pumunta na ako sa Olympus. Nakaupo sa trono nila ang mga Olympian liban kay Poseidon na wala dito at parang may hinihintay silang dumating.


"Finally, you're here. " nasabi ni Zeus.


"Hindi nga sana ako pupunta kung hindi lang ako kinagat ng bwisit na 'to." sabay taas ng kaliwang kamay ko kung saan nakasuot pa rin yung serpent.


"Buti na lang pala. " nakangiting sabi ni Hermes.


"Will you please get this away from me? " baling ko kay Hermes.


"Pero bakit? Pa'no mo pa malalaman na kailangan ka? "


"I don't care. Just take your serpent off me. " pakiusap ko at bigla namang nawala yung serpent sa kamay ko. "Thanks. "


Child Of Hades Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon