"Sa tingin mo buhay pa siya? Or sila?" tumingin siya sa akin at nagtanong.
"Sino?"
"Who killed Bella and Victoria. " tiningnan ko siya at nagkatinginan kami.
"Who knows? "
"If he's already dead, it's better ,'cause if not I'll find him. " binaling ko ang atensyon ko sa pasikat na araw. "He can run, but he can't hide. I can find him wherever he is. "
"I'm sure, natatakot na siya sa'yo. " may naramdaman akong sense of humor sa boses niya pero nanatiling normal ang facial expression niya.
"Kilala niya ba ako? " baling ko ulit sa kanya.
"Ewan. Pero kung kilala ka niya, dapat matakot na siya. " umisog siya palapit sa akin at inakbayan ako. "Pwede bang... Kalimutan mo muna ang mga bagay na 'yon? " napatingin ako sa kanya na tinititigan ako. "Kahit saglit lang. Alam mo, kailangan mo munang magfocus sa... alam mo na. " napangiti na lang siya at ganun din ako. "Nandito naman ako eh. "
"Sira ulo. " sumandal ako sa balikat niya habang parehas na pinapanuod ang sikat na araw.
May mga demigod na umaalis na ngayong araw para bumalik sa siyudad upang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. Hindi pa rin nila kinakalimutan ang mga bagay na may connection sa pagiging mortal nila. Isa sa mga katangian na gusto ko sa mga demigod rito ay ang 'disiplina' . Hindi nila ginagamit ang kapangyarihan nila sa walang kwentang mga bagay lalo na sa harap ng mga mortal para magpasikat. Though, madalas nilang gamitin ang kapangyarihan nila dito sa camp dahil ito lang ang lugar na pwedeng gamitin ang kapangyarihan ng walang takot at dapat ikabahala. Minsan nga lang sumusobra na.
Naglalakad ako papuntang cabin nang may mapansin akong nakamasid sa akin. Mga tingin na ngayon ko lang napansin. At presence na ngayon ko lang naramdaman. Bago siya. Yun ang pumasok sa isip ko. Never ko pa siyang na-meet. Pero anong ginagawa niya rito at bakit nasa akin ang mga tingin niya? Mabilis kong tiningnan ang pine tree sa right side ko at nahuli ko ang isang pares ng mata na nakamasid sa akin. It's an intense gold eyes. Hindi ko makita ang buong itsura niya dahil sa suot niyang hood at mask na tumatabon sa lower part ng mukha niya. Hindi ko na lang siya pinansin at tuluyang pumasok sa Hades' cabin. Nagkaroon pa ako ng oras makipag-usap ng matagal sa mga natirang demigod sa gitna ng mga cabin.
Lubog na ang araw nang tawagin ako ng isang demigod sa Aphrodite's cabin. Nakakapagtaka lang dahil hinigit niya ako papasok sa cabin nila at iniupo sa harap ng isang salamin na puno ng bulaklak ang gilid.
"W-wait. Rachel, ano bang ginagawa mo? " tumayo ako nang simulan niyang kutengtengen ang buhok ko.
"Aayusan kita. " nakangiti niyang sabi habang hawak ang gold na suklay.
"No. Hindi na kailangan. " tinungo ko na ang pintuan pero nilingon ko ulit siya na nakatingin din sa akin. "Bakit mo nga pala ako aayusan? "
"W-wala. Napansin ko kasing hindi ka mahilig mag-ayos. " for real?! Hindi ba yun halata? Grabeee naman hah? I brush my hair one hundred times kaya every time na nasa underworld ako. Hindi lang ako mahilig maglagay ng kung anu-anong kolorete sa buhok at mukha but I admit, mas maganda ako higit pa sa iniisip niyo. "Please... Hayaan mong ayusan kita. "
"H'wag na. Baka matalbugan ko pa kayo kapag nagkataon. " natawa naman siya at ang dalawang babae sa likod niya.
"Hindi namin alam na may sense of humor ka rin pala. Hihihi. " saka sila nagtawanan na parang kinikiliti kaya lumabas na ako ng cabin nila at nagpalakad lakad hangga't may malalakaran.
Wala pa akong balak magbalik sa underworld at hindi ko muna iniisip ang lugar na 'yon. Gusto ko munang mag-explore dito sa labas.
"Someone's watching you. " muntikan na akong maduwal sa pagsasalita ng isang lalaki. Nakatayo na pala siya sa tabi ko nang hindi ko namamalayan. Nakatago sa likod niya ang kanyang mga kamay habang nakatingin sa kawalan. Someone's watching you. Nagreplay sa ulo ko ang sinabi niya. Wait. Pa'no niya nalaman?
BINABASA MO ANG
Child Of Hades
FantasyIlang taon ang lumipas bago nagbalik ang mga Olympian sa kanilang kaharian, pero kasabay nito ang pagbabalik ng mga Titans na pagsisimulan ulit ng isang malaking digmaan. Digmaan na magpapatunay kung sino ang totoong malakas at makapangyarihan at ku...