H A D E S
Dahil ilang araw nang hindi bumabalik ang anak sa kanilang kaharian ay nakapagdesisyon na siyang pumunta sa above world - sa camp half-blood. Nababalot ng kadiliman ang paligid at tanging bonfire lamang na tila hindi humihina ang apoy ang nagsisilbing liwanag sa gitna ng lahat ng mga cabin. Pumunta siya sa Hades' cabin pero wala doon ang anak kaya napagdesisyunan niyang pumunta sa Lakehouse kung saan niya nakita noon ito. He was shocked when he saw her daughter with someone making love together. His body shakes because of anger while clenching his fists. Hindi niya gusto ang isang demigod para sa kanyang anak. Napatingin sa position niya ang dalawa pero mabilis siyang naglaho.
"AARGH!! HINDI PWEDE! HINDI PWEDE!! " nagwala siya sa underworld at lahat ng mga patay ay natahimik at nagsitago sa mga naglalakihang bato. Ang ilan naman ay nagsitalunan sa iba't-ibang ilog at may ilan ring nahimatay sa takot. Nag-echo sa buong underworld ang boses niya at pati lupa at pader ay nagsibitakan. Pati sina Norah ay nagtago na rin dahil sa takot at ganun din si Cerberus pati ang mga hellhound.
Lumipas naman ang ilang sandali at kumalma na siya.
"Norah?! "
"Master. " agad naman itong lumitaw sa harap niya at yumuko.
"Ihanda mo ang chariot ko. "
"Masusunod, master. "
Nagpunta siya sa Olympus para makita si Ares at nakita naman agad niya ito.
"Maligayang pagbabalik, aming kapatid! " sigaw ni Zeus at tumango lamang si Hades.
"Pumunta lang ako dito para kausapin si Ares. " tumingin sa kanya si Ares at nabigla dahil ito ang unang beses na kakausapin siya ni Hades matapos ang nakalipas na daang taon bago ang kanilang madugong pagtatalo. Pumunta silang dalawa sa labas ng Olympus at nagkaroon ng masinsinang pag-uusap.
"Matagal na siyang gusto ng anak ko, pero... may mahal na siyang iba. Ayaw ng anak kong guluhin ang buhay niya. " pagpapaliwanag ni Ares.
"Madali lang palambutin ang puso ng babae, at alam kong alam mo yun, Ares. "
"Pero iba siya sa lahat, baka nakakalimutan mo. "
"Alam ko yun. " he exhaled. "So... That's an agreement. "
"Deal. " at nagshake hands silang dalawa. "Ibang klase ka talaga, Hades. "
"Just like old times. "
C R I X P I E N
"Argh. "
"Napa'no yan? " tanong bigla ni Throy nang makita ang sugat ko sa left thigh na nagdudugo.
"Wala. Napasabit lang ako. " sabay tayo at suot ng jacket ko.
"Look at me. " inayos ko ang buhok ko at hindi siya pinansin. "I said look at me. " naupo ako sa tabi niya at tiningnan siya.
"Napasabit nga lang ako, okay? "
"You're lying. Sa'n mo ba talaga nakuha yan? " nagsigh na lang ako at tumalikod sa kanya.
"Nakalaban ko kagabi ang pumatay kay Victoria."
"Napatay mo ba siya? "
"Ewan ko. Pero sana buhay pa siya dahil kulang pa ang ginawa ko sa kanya. " tumayo na ako at tiningnan siya. "Pupunta muna ako sa underworld. "
BINABASA MO ANG
Child Of Hades
FantasyIlang taon ang lumipas bago nagbalik ang mga Olympian sa kanilang kaharian, pero kasabay nito ang pagbabalik ng mga Titans na pagsisimulan ulit ng isang malaking digmaan. Digmaan na magpapatunay kung sino ang totoong malakas at makapangyarihan at ku...