Nakabalik na ako sa kwarto ko nang biglang dumating si Dad. Naitago ko naman agad sa ilalim ng kumot ang libro na nakuha ko. Teka nga. Bakit ko ba itinatago 'to sa kanya? Hindi naman masama kung makita niya di ba?
"Kamusta na ang lagay mo? " tanong niya na lumapit sa akin.
"I-I'm fine. "
"Your wounds are still fresh. Hindi ka muna dapat nagkikikilos. " sabi niya habang pinagmamasdan ang mga sugat ko.
"Dad... Pwede bang magpadala ka ng maraming ambrosia para mabilis gumaling-"
"Masama kapag nasobrahan ang paggamit sa ambrosia. " tiningnan niya ako. "Teka nga, bakit ba gusto mo agad gumaling? "
"S-Syempre hindi ako sanay na ganito. Dad ayaw mo bang-"
"Ang sabihin mo gusto mong sumama sa laban. Sinabi ko na sayong hindi ka na aalis dito. Naiintindihan mo ba ako? " naiinis na naman niyang paliwanag.
"Pero Dad-"
"Stay here. " saka siya umalis.
Argh. Ayaw na niya talaga akong umalis dito.
Inilabas ko na ang libro at bumungad sa akin ang malaking pangalan ni Mnemosyne sa first page, at sa baba nun ay ang spouse, siblings at children niya. Sa second page ay ang information about sa kanya. Dito ko rin nalaman na may lugar din pala siya dito sa Underworld which is river of Lethe where once the souls drink the water from this river , they will forget everything happened in their past. They will forget who they are : their names, ages and everything. Kapangyarihan niya na kapag nahawakan ka ay malilimutan mo rin ang lahat? Pero wait. Hindi yun ang nangyari sa akin. Wala naman akong nakalimutan na kahit ano. Ipinakita niya lang ang... future.
Pinagpatuloy ko pa ang pagbabasa dahil nagkakaroon na ako ng hinala sa ginawa niya sa akin. Nagagawa niyang ipakita ang maling vision tungkol sa future sa kahit na sino? Napatigil ako bigla. So yung vision ko na ipinakita niya ay isa lang illusion? Hayyy. Nakahinga na ako nang maluwag kahit papaano. Muntikan na akong maniwala doon ah. Pero ang nakakatakot lang ay nagkaanak si Zeus sa kanya. Kakalabanin din kaya siya ni Zeus?
Itinago ko ulit ang libro ng may kumalabog. Gumalaw bigla yung apoy (greek fire) sa torch na parang may dumaan. Kung hangin lang yun, nakakatakot naman dahil walang hangin dito sa underworld liban na lang kung may fan ka. Lumitaw sa harap ko ang familiar na mukha habang nakatago sa likod niya ang mga kamay.
"Pa'no ka nakapunta dito? " umayos ako ng upo at napansin ko ang pagngiti niya.
"Sino ka ba talaga? "tanong ko ulit pero nakatingin lang siya sa akin.
Matagal niya akong tiningnan bago lumapit sa akin. Hindi ko masense kung masama ba siya o hindi at yun ang weird sa akin ngayon. Lahat ata ng nakakaharap ko kayang masense ang dark side nila, pero ang isang 'to... hindi ko makita at mabasa. Yun kaya ang epekto sa ginawa ni Mnemosyne sa akin? Nagulat na lang ako nang bigla siyang ngumiti at naglean forward. May inilagay siya sa loob ng kumot ko gamit ang isang kamay at inilapit niya ang mukha niya sa tenga ko saka bumulong.
"I'll look after you. " then he vanished in the dark.
Isa ata siyang baliw. Anong pinagsasasabi niya? Tiningnan ko yung inilagay niya sa loob ng kumot ko at natagpuan ko ang nakatuping papel. Napaisip muna ako bago buksan yun. Sino ba talaga siya para puntahan ako kahit dito sa underworld?
Sorry. I can't stay here with you.
Yun ang nabasa ko sa sulat at lalong nagulo ang isip ko tungkol sa pagkatao niya. Bakit siya nagso-sorry? Bakit hindi siya magpakilala ng maayos? Pero may parte sa utak ko na sumasang-ayon sa kutob ko. Na ang lalaking yun ay posibleng... si Marcus. Pero bakit -
BINABASA MO ANG
Child Of Hades
FantastikIlang taon ang lumipas bago nagbalik ang mga Olympian sa kanilang kaharian, pero kasabay nito ang pagbabalik ng mga Titans na pagsisimulan ulit ng isang malaking digmaan. Digmaan na magpapatunay kung sino ang totoong malakas at makapangyarihan at ku...