Nine : Genius

2.1K 66 0
                                    


Malapit na ako sa kalahati ng climbing walls at yung iba ay malapit ng mareach yung tuktok. Marami rin ang nahuhulog dahil may nagsisipaan pa at nagsusuntukan. Kung kanina twenty kami lahat, ngayon ay fifteen na lang. Nalaglag kasi yung iba pero hindi pa naman sila patay. Durog lang siguro yung mga buto sa katawan pero hindi naman critical. May chance pa silang mabuhay dahil nandiyan din naman ang Apollo's cabin na magaling sa panggagamot.


Ingay lang ng mga campers sa baba ang naririnig ko at ang ilang pagdaing ng mga representative sa sakit ng katawan na nakukuha nila dahil sa suntukan dito sa taas. Napatingala ako sa lalaking nasa itaas ko na biglang hinigit nung lalaking medyo malapit sa akin kaya nalaglag ito. Tiningnan ko yung lalaking nalaglag na agad na tinulungang tumayo ng mga nasa ibaba.


"And now you're next. " napatingin ako sa lalaking humigit pababa dun sa lalaking nalaglag at naggrin siya sa akin.


"Say goodbye to the world. " dugtong pa niya na ikinairita ko.


One meter lang ang agwat namin at madali siyang nakalapit sa akin saka ako sinipa sa tiyan.


"Shit! " muntik na ako dun.


Sinubukan ulit akong sipain nung lalaking yun kaya lumipat ako sa right side ko at mabilis na humawak sa stick na nasa taas ko at umakyat ako.

"You're genius but you can't beat me. " he grinned. "I'll get you. " umakyat siya ulit palapit sa akin at binilisan ko pa ng akyat kahit masakit na yung mga braso at binti ko.

Argh. Hindi ko na kaya. Kung pwede lang sana magshadow travel ngayon nagawa ko na, pero sobrang pagod na ako kaya hindi ko yun magagamit. Lalo lang nun aagawin ang natitira ko pang stamina.


Napahawak ako ng mahigpit sa hinahawakan ko ngayon nang may humigit sa paa ko kaya umangat yung katawan ko.


"I got you. " he grinned.


"Shit. " tanging lumabas sa bibig ko.


Hinigit niya pa ako pababa at biglang bumigay yung isang stick na hinahawakan ko.


"Damn it. " humawak ako sa katabi kong stick at pinagsisipa ko yung kumag na nakahawak sa paa ko pero mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin at nakahawak na siya ngayon sa binti ko.


Oh No. Nagcacrack na yung mga stick na hinahawakan ko dahil sa bigat kaya humanap ulit ako ng ibang mahahawakan.


"Give up. " the guy said with sarcastic voice.


"For real, I don't give a fvck. " umakyat ulit ako pero halos lahat ata ng mahawakan ko ay nagcacrack na dahil sa bigat. At itong kumag ay nakaakap ng mahigpit sa binti ko.


"Are you going to hug my legs forever, you bastard?! What if magpalaglag kaya ako? I'm sure wala kang mapapala. "



"Of course bibitiwan na kita nun. "


"Really?! Do I have to call you 'Genius ' for that? "


"Yeah if you like. "


"Then you're going to die first. "


Bumitaw ako sa stick na hinahawakan ko kanina at dumiretso kami pababa ,pero napahawak ako sa ilang stick na malapit sa akin ng bumitiw siya, kaya siya lang ang naglanding sa baba.


"Argh. It was fvcking close. " nakahinga ako ng maluwag at nagsimula ulit umakyat.


Halos ten meters din ang ibinaba ko dahil sa kumag na yun. Karamihan sa mga stick na tinutungtungan at hinahawakan ko ngayon ay marurupok na. Sasampu na lang kaming natitira at halos magkakapantay na ang position namin.


Child Of Hades Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon