Ilang sandali naming pinagmasdan ang buwan at hinayaang mamayani ang saglit na katahimikan."Sayang hindi mo siya nakilala. " baling sa akin ni granny.
"Okay lang, kasi nakausap ko naman siya ng ilang sandali. "
"Huh? "
"Nasummon ko si Mom noon sa underworld. "
"No. She's not the one whom I talking about. " umiiling niyang sabi kaya napatingin ako sa kanya.
"Then who?"
"Marcus. " she glanced at me. "Your brother. "
Napaupo ako at hindi maalis ang tingin sa kanya. Hindi ako makapaniwalang may kapatid ako. All my life alam ko mag-isa lang akong anak ni Hades at Persephone. Maliban kay Bella na half blood sister ko, wala na akong kilalang kapatid.
"You're kidding me. "
"No I'm not. " umiiling niyang sagot. "He's four years older than you. "
"Huh? H-hindi ko alam na may kapatid pala ako. Hindi rin nabanggit yun ni Dad. And -wait. Half blood ba siya? "
"No. " she shook her head. "He's the first child of Hades and Persephone. "
So talagang kapatid ko siya. Pero asan siya? Bakit hindi ko siya nakilala? Bakit hindi man lang siya binanggit sa akin ni Dad?
"He died when he was four. Here in above world. Galit siya sa Dad mo that time kaya naglayas siya. We tried to find him... but what we found was only his clothes with blood and... his skeleton. "
"Pero akala ko ba hindi namamatay ang immortal? "
"Oo. Pero nakadepende lang yun kung gaano kabrutal ang pagpatay sa'yo. At... kung dun ka inatake sa weakness point mo. Kaya...kailangan mo pa rin mag-ingat." she sighed. "Isa pa, four years old lang siya nun, kaya hindi pa masyadong nadedevelop ang kapangyarihan at ability niya. "
"Pero bakit ni minsan hindi siya nabanggit ni Dad? " naiinis kong tanong. May kapatid pala ako pero bakit hindi niya man lang sinabi?
"I don't know. Maybe may rason kung bakit hindi niya sinasabi sa'yo. "
"You know... napakatahimik niya. Laging nakafocus sa mga bagay. Hanga nga ako sa kanya kasi... bata pa lang siya marunong na siya maghandle ng mga bagay. What more na lumaki pa siya. " dagdag niya. "Sayang at hindi mo ka niya naabutan. "
Hanggang sa mga sandaling ito ayaw pa rin mag-sink in sa utak ko ang mga ipinaalam ni granny. This revelation... tsk. Really confusing.
"We have to leave. This island will dissolve within a few minutes. " tumayo na siya kaya tumayo na rin ako. "Nawawala ang island na 'to during high tide at muling bumabalik kapag low tide. "
Lumabas na ako sa Lakehouse pero hindi ko na kasama si granny. Bumalik na ata siya sa Olympus.
WHOORF!
WHOORF!
Hinanap ko si Hugo at nakita ko siyang nakatingin kay Throy na nakatanaw sa lake. Hindi niya tinatahol si Throy dahil sa galit siya kundi para sabihing 'Hoy! Pansinin mo naman ako! ' .
WHOORF!
"Bakit ba kasi? " nilingon siya ni Throy at napatingin siya sa akin. "Hey. Kanina ka pa ba diyan? "
BINABASA MO ANG
Child Of Hades
FantasyIlang taon ang lumipas bago nagbalik ang mga Olympian sa kanilang kaharian, pero kasabay nito ang pagbabalik ng mga Titans na pagsisimulan ulit ng isang malaking digmaan. Digmaan na magpapatunay kung sino ang totoong malakas at makapangyarihan at ku...