Twenty five : Mistress

1.5K 49 0
                                    



"Ikakasal ka na. Iimbitahan mo man lang ba ako? " dun ko nakilala na isa siyang babae.


"Anong kailangan mo sakin? "


"Hmm. Gusto ko lang mameet ang goddess of destruction. At malaman kung sinong mas malakas at karapat-dapat na tawaging anak ni Hades. " nakuha niya ang atensyon ko at nilingon ko siya. Anong sinabi ng babaeng 'to?

"I'm Katie .Daughter of Hades and Eris. " tinanggal niya ang hood at mask niya. Tumambad sa akin ang kulot na orange at mahaba niyang buhok. Magka-height lang din kami.Imposible. Imposibleng magkaanak si Dad sa iba.






'Now tell me! What are you doing there with that woman?! Do you think I wouldn't know that you're-'


'Persephone, STOP. Just... let me explain. '


'Explain? No! You don't have to. '


'Just listen to me! '




Nagflash back sa akin ang pangyayari na yun na nakita ko sa panaginip ko. Si Eris na Goddess of Discord nga siguro ang babaeng tinutukoy ni Mom. At ang naging dahilan kung bakit naglayas si Marcus. Bwisit.




"Oops. Nabigla ka ba? Sorry kung nag-assume ka na ikaw lang ang anak ni Hades hah? " pinigilan kong wag mainis sa tono ng pananalita niya.



"Ga'no mo na ako katagal kilala? "


"Since birth? Ganun na nga. Lahat ng ginawa mo... lahat ng nakasama mo... alam at kilala ko. " at ipinagmalaki pa niyang isa siyang dakilang stalker huh?



"Ano ba talagang pakay mo? "



"Hmm. May bagay lang akong gustong ipaalam sa'yo. Bagay na ikatutuwa mo ng husto. " sa kanya lang nakafocus ang atensyon ko at pinagmasdan ko ang mukha niya kung magsasabi siya ng totoo. "Tungkol ito sa... babaeng, may magkaibang mata. "




Magkaibang mata. Si Victoria! Siya lang ang kilala kong may ganung mata. Napansin ko ang pagbabago ng kulay ng isang mata niya. Kulay asul.

"WALANG HIYA KA. " napangiti siya sa reaction ko na parang natutuwa pa at kasabay nun ang pagbalik sa dating kulay ng isa niyang mata. "Anong atraso niya sa'yo para gawin mo yun sa kanya? " lumitaw naman bigla sa kamay ko si chadar.




"Pwede bang gusto ko lang? Gusto kong makuha ang mata niya. Ang kakayahan niyang makita ang past at future. "



"At nagtagumpay ka. " pinanlisikan ko siya ng mata. "Ngayon, masaya ka na? "



"Pwede na. "


"Bakit hindi ka na magdiwang? " naging seryoso ang mga titig niya sa akin pero nawala din yun kasabay ng pagbuntong hininga. "Ikaw din ba ang pumatay kay Bella? "


"Ahh... Yun bang sister mo kay Persephone? Yung isa pang mahina na hindi kayang protektahan ang sarili-?" inihampas ko sa kanya si chadar pero nadeflect niya ito ng sword niya.



"Sagutin mo ang tanong ko!"


"Argh. Of course not! I'm not a weak slayer. Isa pa, anong mapapala ko sa kanya? "



Hindi ko na napigilan ang sarili ko at inatake ko siya hanggang mapaatras na siya.




"Alam mo, mas mabuting tapusin na natin 'to. " umayos siya ng tayo at hinanda ang sarili sa pag-atake. "



Child Of Hades Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon