"Anong lunas? " napahinto siya sa paglakad at tumingin sa akin.
"Peres... "
"H'wag mong sabihin na wala. " umiiling kong sabi kahit alam kong wala talaga. Lahat ng mga patay na nakakainom ng tubig mula sa Lethe ay nabubura ang lahat ng alaala. The water will clean your mind, your memories will fade instantly and you'll never get it back anymore. But I think, Dad can get it back if he wants to.
"You're the only one who can help him. " naupo siya sa couch sa harap ko at sumandal.
"Pa'no? Eh lagi niyang kasama si Audrey na nagtuturo ng mali. "
"Why don't you kill her? "
"Papatayin ako ni Throy kapag ginawa ko yun. " sumandal ako at nagcross arm. Yeah, I believe Throy can kill me.
"He can't do that. "
"Yes he can. Papatayin na nga sana niya ako kanina eh. "
"Pero hindi natuloy dahil naramdaman niyang hindi niya dapat gawin yun-"
"Hindi natuloy dahil pinigilan siya ni Audrey. " napatingin siya sa akin dahil sa pagputol ko. "Dinidiktahan siya ng babaeng yun. "
"The only thing that fade away from him was just his memories. " sabay turo niya sa ulo niya. "But here ... " tinuro naman niya ang puso niya. "...nothing has changed. "
+++
Araw-araw kong nilalapitan si Throy magmula ng araw na yun. I want to talk to him but I can't. Nilalayuan niya rin ako kapag nilalapitan ko siya. I feel hopeless. And everytime na nakikita ko siyang kasama si Audrey, lalo akong nagiguilty sa ginawa ko. My heart breaks into million times over and over again.
One night, nakita kong mag-isa si Throy na nakaupo malapit sa shore ng lake. It's my chance to talk to him. Nilapitan ko siya at naupo sa tabi niya, pero tumayo siya para umalis.
"Wait. I just wanted to talk. " napatayo rin ako pero hindi niya ako nilingon.
"We have nothing to talk about. "
"Throy, please... let me talk to you. "
"I have to go. "
"Stay away from Audrey even in a single day. " napahinto siya sa paglakad at nilingon ako.
"Why would I? " seryoso siyang nakatitig sa akin na para bang tinutulak na ako palayo.
"Just stay away from her. Let your own mind remember everything. "
"Bakit ako makikinig sa'yo? "
"Dahil gusto kong bumalik ka na sa dati. " I missed the old you. Sa loob ko ay umiiyak na ako pero hindi ko yun ipinahalata sa kanya. Napahawak siya sa dibdib niya saka tumalikod ulit sa akin. "Subukan mong kausapin ang mga taong nasa paligid mo-"
"Shut up. " saka siya tuluyan na umalis.
Napaluhod ako at tahimik na umiyak. I don't think I can survive this. I think this will be the end of everything between me and him. Maybe this won't happen if I married William.
'Throy, please... come back to me. '
"Sil... " agad ko namang pinunasan ang pisngi ko ng marinig ko si Freyr sa likod.
BINABASA MO ANG
Child Of Hades
FantasyIlang taon ang lumipas bago nagbalik ang mga Olympian sa kanilang kaharian, pero kasabay nito ang pagbabalik ng mga Titans na pagsisimulan ulit ng isang malaking digmaan. Digmaan na magpapatunay kung sino ang totoong malakas at makapangyarihan at ku...