"Napatay mo ba siya? "
"Hindi. Mahirap pa rin siyang kalaban. " reklamo ni Marcus na nagtanggal ng coat niya saka humiga sa couch.
"Sa tingin mo, pupuntahan niya tayo rito dahil sa ginawa natin? "
"Maybe yes, maybe not. It doesn't matter. "
Ilang araw na rin ang lumipas simula nang gabing yun. Hindi na rin namin napag-uusapan si Dad pero handa kami sa muli naming pagkikita. Dapat masaya na rin ako dahil naipaghiganti ko na si Victoria at Bella, pero hindi yun ang nararamdaman ko ngayon. What I feel now is emptiness. Parang may kulang pa rin sa akin. Nakilala ko naman na ang kapatid ko at ngayon kasama ko na siya. Isa pa maayos naman kami.
"You're so quite this past few days, something's bothering you? " tanong ni Marcus at pinuntahan niya ako sa terrace.
"Wala. " sagot ko habang umiiling.
"Thinking about him? "
"No. "
"Bakit hindi mo siya puntahan? Hinihintay ka niya. "
"Ayoko. "
"Peres..." napatingin ako sa kanya at kumunot ang noo ko.
"Peres? "
"Mom will be glad if I call you by the name she'd given to you. " binaling niya ang atensyon niya sa ibaba ng burol at bumuntong hininga. "Nakita ko kung pa'no siya nasaktan."
"Nasaktan din ako sa ginawa niya. "
"Nagsisi na siya di ba? Isa pa, pinagbayad mo na rin ang nag-utos sa kanya nun."
"Sa dinami-dami nang pwedeng utusan ni Eris bakit si Throy pa? "
"Dahil alam niyang ikagagalit mo yun. Gusto ka niyang masira. " lumapit siya sa akin at inakbayan ako. "Sige na, puntahan mo na siya dahil kung hindi... buburahin ko na siya sa buhay mo."
"Marcus?! " nagkibit balikat siya at pumasok sa loob.
Napaisip naman ako sandali at naisip kong tama si Marcus. Hindi naman talaga gusto ni Throy gawin yun eh. Pumunta na ako sa camp half-blood para makita si Throy. Maraming campers ang umaalis ngayon sakay ng mga van na Delphi strawberry Service ang nakasulat. Nagpapakain naman ng mga Pegasus ang ilang centaur kabilang si Lexus.
"Chiron! "
"Hey! Bakit ngayon lang kita nakita dito sa camp? "
"May inayos lang ako. Si Throy? "
"Hindi ko pa nakikita eh. "
"Alam na ba niya ang nangyari kay Throy? " patakbong bulong sa kanya ni Lexus.
"Anong nangyari sa kanya? " nagkatinginan naman sila nang bigla akong nagtanong.
"Ahh... Si Throy kasi... Halos gabi gabing kasama ang alak."
"Hindi siya umiinom. "
"Nagawa na niya. " malungkot na sabi ni Lexus at umalis din siya.
"Hahanapin ko muna siya, Chiron. " iniwan ko na siya at dumiretso ako sa Hephaestus' cabin pero sabi ng mga kapatid niya wala siya doon. Naisip ko namang puntahan ang Lakehouse dahil doon kami madalas na nagkikita.
"Sil. " nagulat naman ako sa biglang sulpot ni Freyr sa harap ko kaya kumabog ang dibdib ko. "H'wag mo munang puntahan si Throy. " hinawakan niya ang kamay ko at dinala niya ako sa shore ng lake.
BINABASA MO ANG
Child Of Hades
FantasyIlang taon ang lumipas bago nagbalik ang mga Olympian sa kanilang kaharian, pero kasabay nito ang pagbabalik ng mga Titans na pagsisimulan ulit ng isang malaking digmaan. Digmaan na magpapatunay kung sino ang totoong malakas at makapangyarihan at ku...