Dahil nag-iisa lang naman ako at hindi pa nararamdaman ang antok ay kinuha ko ang book sa loob ng coat ko. Nababasa ko naman ang mga nakasulat dito na lumiliwanag dahil sa liwanag ng buwan. At kahit hindi ko naiintindihan ang nakasulat dito ay sinubukan ko ring basahin ang ilang sulat ng tahimik."O profeție trebuie să fie făcut. Nu poți schimba soarta și nici nu-l rupe. Trebuie să fii atent cu privire la deciziile cu excepția cazului în vă va duce la ceva ce vei regreta pentru totdeauna." parang nagbuhol ang dila ko sa pagbasa nun ah.
May ilang word naman akong naintindihan pero hindi sapat yun para matranslate ko ang buong paragraph. Si Dad naman kasi ang arte arte eh.
Binuklat ko ang ilang page at nagbasa ulit ng ilan.
"Renunțarea la decizia ta nu înseamnă că ești slab. Aceasta înseamnă că nu doriți să piardă pe cineva din cauza ta." bumuntong hininga ako sabay tiklop sa libro.
"This is shit! " I almost muttered. Kailangan ba talagang pag-isipin niya ako ng ganito? "Argh. "
Napahawak ako sa ulo ko at feeling ko'y bumigat ang atmosphere ng ilang sandali bago bumalik sa normal.
"Something's bothering you? " napatingin ako bigla sa nagsalita at nakita ko siyang nakatayo sa right side ko habang nakapamulsa.
Bakit hindi ko man lang naramdaman ang pagpunta niya dito?
Umiling na lang ako bilang sagot sa tanong niya. "Why are you still awake?"
"Hindi ba dapat ako ang nagtatanong niyan sa'yo? "
"Hindi ako makatulog. Ikaw? " tumingin ako sa kanya pero binawi ko din agad yun.
"I actually want to sleep but I can't. I often had a nightmare."
Napatingin ako sa kanya na ngayon ay nakatanaw sa buwan na nagrereflect sa lake.
"So I decided not to sleep. " he muttered. "Makakaya ko naman siguro. "
"Hays. Sira ulo. "
Lumapit siya sa akin at naupo sa right side ko hanggang mapansin niya yung libro at kinuha ito.
"Throy. " kukuhanin ko sana pero inilayo niya at nagsimulang magbuklat. "Ibigay mo sakin yan."
"Wait. Romanian 'to? " napalingon siya sa akin at napalayo ako dahil muntik na kaming magkiss.
"O-oo. Bakit? " kunot noo kong tanong.
"Tungkol ito sa pinaghalong prophecy at mystifying information about someone. " tumingin ulit siya sa libro.
"Naiintindihan mo? " tumango siya bilang sagot. Akala ko ba limot na niya ang Romanian?
"Akala ko hindi ko na maiintindihan ang ganitong language. "
"Try to translate this. " kinuha ko yung libro at binuklat dun sa page na binasa ko kanina. At trinanslate niya yung first paragraph.
"It says : A prophecy must be done. You can't change your fate nor break it. You have to be careful about your decisions unless it will lead you to something you'll regret... forever." he glanced at me.
"You think may something na ipinapahiwatig ang message na yan? " tanong ko.
"Possible. And perhaps, the message is for you. "
BINABASA MO ANG
Child Of Hades
FantasyIlang taon ang lumipas bago nagbalik ang mga Olympian sa kanilang kaharian, pero kasabay nito ang pagbabalik ng mga Titans na pagsisimulan ulit ng isang malaking digmaan. Digmaan na magpapatunay kung sino ang totoong malakas at makapangyarihan at ku...