"Are you sure you really want to know this? " pagsisiguro ni Apollo.
"Yes, I am. "
"O-okay. " inilapat niya ang dalawa niyang index finger sa magkabila kong sintido saka huminga ng malalim.
I saw something flashed and then all of a sudden nakita ko si Bella. Nasa labas ng cabin ang mga demigod at ini-enjoy ang gabi sa pag-inom, pagkanta at pagsasayaw. Napansin ni Bella ang pares ng matang nakatingin sa kanya kaya naglakad lakad siya palayo pero kahit saan siya magpunta ay nakasunod ito sa kanya. Hindi ko masiguro kung lalaki ba siya o babae dahil sa suot niyang coat na may hood. Pumasok si Bella sa Hermes cabin pero sinundan pa rin siya nito at pagkapasok ay nilock ang mga pinto.
'Sino ka? Anong kailangan mo? ' nagpapanic na tanong ni Bella pero hindi siya sinagot nito. Tumakbo siya papuntang back door at sumigaw pero dahil malakas ang tugtog sa labas ay wala sa kanyang nakarinig. Nahawakan siya sa buhok at ibinato sa pintuan dahilan para bumagsak siya. 'Ano bang kailangan mo sakin?! '
'I have to kill you. ' inilabas niya ang hunting knife sa likuran niya at sinugod si Bella saka sinaksak sa puso. Sumuka naman agad siya ng dugo pero nagawa pang alisin ang hood ng sumaksak sa kanya.
'Argh... ' tumulo ang mga luha niya nang saksakin ulit at hinawakan sa mukha ang kaharap niya.
'I'm so sorry... but I have to do this. ' sinaksak niya ulit si Bella sa huling pagkakataon at bago pa ito nawalan ng buhay ay nakapagsalita pa siya.
'A-Anong... ka...sa...la...nan... ko sa'yo? ' tumayo ang pumatay sa kanya at muling isinuot ang hood saka iniwan si Bella na nakahandusay sa sahig at wala ng buhay.
Inalis ni Apollo ang daliri niya sa sintido ko at doon ako nagsimulang umiyak. Napahawak ako sa ulo ko at isinubsob ang sarili sa mesa.
"Kailan mo pa nalaman ang tungkol dun? "
"Crixpien... " hinawakan niya ako sa balikat.
"Kailan mo pa nalaman yun? "
"The day after the war. "
Napatayo naman ako at nagpunas ng mukha pero hinawakan niya ako sa braso.
"You'll kill him? " tiningnan ko siya sandali at nagpunas ulit ng mata.
"Hindi ko alam! At hindi ko alam kung bakit niya yun ginawa kay Bella! "
"Crix--"Bumalik ako sa bahay ni Marcus at dumating rin siya kasunod ko.
"Anong nakita mo? "
"Ang pagpatay kay Bella. " naupo ako sa couch at sinubsob sa mga palad ko ang mukha ko. Nagsimula na ulit akong umiyak at hindi ko mapigilan ang mga luha ko. Hindi ko matanggap. Hindi ko kayang matanggap na sa dinami-dami nang pwedeng pumatay kay Bella siya pa. I felt how my heart broke into pieces after seeing those things.
"Sabihin mo sakin kung sino. " naupo siya sa tabi ko at hinagod ang likod ko.
"I can't. " niyakap niya ako at hinayaang maging emosyonal. Ngayon lang ako umiyak ng ganito. Ang hindi mapigilan ang mga luha sa pagbagsak at kahit ayoko na ayaw pa rin nilang tumigil. Feeling ko sasabog na ako anytime.
Nagpaalam na lang ako kay Marcus na magpahinga na at hinatid niya ako sa kwarto ko. Hinihintay niyang mag-open ako sa kanya pero mukhang hindi ko kaya. Ayaw kong mapag-usapan ang nakita ko dahil para akong hinahagupit ng ilang ulit.
BINABASA MO ANG
Child Of Hades
FantasyIlang taon ang lumipas bago nagbalik ang mga Olympian sa kanilang kaharian, pero kasabay nito ang pagbabalik ng mga Titans na pagsisimulan ulit ng isang malaking digmaan. Digmaan na magpapatunay kung sino ang totoong malakas at makapangyarihan at ku...