Isang araw, maagang pinauwi sina Tine sa kanilang eskwelahan.
Palabas na ng campus si Tine at ang kanyang mga kaibigan ng bigla nilang mapansin ang isang network van sa parking lot ng school nila. Nilapitan nila ito. Sa pag-aakala ni Tine na sina Quen ang naroon ulet, dali dali silang pumunta ng mga kaibigan niya. Pag dating nila dun, iba ang nakita nila.
Tiningnan muna nila panandalian kung ano ang meron at nang magsimula na umarte ang leading man ng ginagawang teleserye napa "WOW" sina Tine at ang kanyang mga kaibigan dahil sobrang gwapo ng actor. Biglang naisipan ng kaibigan ni Tine na magpakuha ng litrato sa actor para magkaroon sila ng remembrance ng natapos na ang taping at pasakay na ng sasakyan ang actor biglang naglakas loob si Tine na isigaw ang pangalan ng actor upang ito ay tumingin sa kanila. At nangyari naman ang inaasahan nila, kumaway pa nga at ngumiti. Todo kilig naman ang mga kaibigan ni Tine.
Lumipas ang ilang oras, bumalik ulet ang actor sa location site, at ito na ang pagkakataon upang makapagpakuha sila ng larawan kasama ang actor ngunit ng magpapakuha na sila ng larawan sa actor, biglang lumapit ang mga staff at pinalayo sila dito. Pero nagpumilit sila at pinagbigyan sila. Habang nagpapakuha sila ng larawan, napansin ni Tine na may mali. Pagkatapos nun, tiningnan nya ang cellphone niya at nakita nyang di gumana ang capture button, huli na ang lahat wala na ang actor nasa loob na ng set mismo. EPIC FAIL ang pagpapakuha nila ng litrato.
Yung ilang oras silang nag-intay para lang makapagpakuha ng picture sabay ang ending wala! Dahil palpak, kaya nag-antay ulit sila ng ilang oras. Habang nag-aantay sila nakipagkwentuhan ang bagong kilalang kaibigan ni Tine sa isang staff. Noon lang nagkakilala si Tine at Cess, dahil parehas silang nag-aantay ng pagkakataon makapagpalarawan sa actor at dahil mula naman sila sa iisang school madali silang nagkasundo.
"Ang hinahanap ko yung anak anakan niya sa teleserye" wika ni Cess.
Pero dahil sa di kilala iyon ni Tine, siya ay nagtaka kung sino yun, ng biglang binigay ni Cess ang twitter account ng Teen actor kay Tine, na nakuha ni Cess mula sa staff ng teleserye.
Maya maya pa, nagkaroon na ulit ng pagkakataon sina Tine upang makapagpalarawan. Nakiusap si Tine sa mga staff na payagan na sila, at ng pumayag ito. Biglang may sumingit kina Tine, at ng dahil dun di sila nakapagpakuha, Sumama ang loob niya pero buti na lang dahil nakausap nila ang asawa ng actor nung medyo maaga pa, siya ang nagsabi sa actor para makapagpalarawan sina Tine. At ng magpapakuha na sila ng larawan nagloko ang kanyang cellphone, kaya hindi na naman siya nakapagpakuha ng litrato buti na lang nakasingit si Tine sa picture na kinuhanan ni Cess. Kaya kahit papaano may larawan siya kahit singit lang.
Lumipas ang mga araw at nakita ni Tine mula sa facebook ni Cess ang larawan ng sinasabing anak anakan ng actor sa teleserye. Kahawig nito ang isang thai superstar na talaga namang hinahangaan ni Tine. Dahil doon tiningnan niya ang twitter account ng teenage actor, at nung nakita nya ito agad agad niyang pinindot ang follow button. Nakita niyang may mga tweets itong reneReply-an kaya sinubukan niyang magTweet dito. At umaasa siyang reply-an din siya ng binata tulad ng sa iba.
"Kapag ito di nagReply sa akin, i-Unfollow ko ito ..." wika ni Tine.
----
Follow the creator of the story on twitter: http://www.twitter.com/kriz_23
Blog: http://www.yuppielionheart.tumblr.com
Like on facebook: http://www.facebook.com/YuppieLionheart
BINABASA MO ANG
Star Collision
FanfictionAng kwentong ito ay tungkol sa isang babae na walang kahilig-hilig sa mga celebrities, ngunit magbabago ang lahat sa oras na dumating sa buhay niya ang isang tao na magpapabago ng ikot ng mundo niya. Alamin kung ano ang kayang gawin ng isang tagahan...