Chapter 18: The Ball

23 0 0
                                    

Lumipas ang ilang buwan, at dumating na ang araw kung saan magaganap ang pinakamalaking event sa eskwelahan nina Tine, Telay at Mikay, ang university ball. Sa university ball, lahat ng estudyante ng university ay pumunpunta para makisaya. Once a year lang ito nangyayari, kaya naman pinaghahandaan talaga ito ng mga estudyante. Excited na sina Telay at Mikay para sa event na iyon, dahil syempre nandoon sina Paulo at David, iyon na ang chance nila para makasayaw ang mga crush nila. Habang si Tine naman ay walang kaInteres interes sa magaganap na ball, sa katunayan pupunta lang siya para samahan ang dalawa, sina Telay at Mikay, sa ball.

Dumating na ang araw ng U-Ball, pagkadating nina Tine, Telay at Mikay sa event, naka masks na ang mga nandoon dahil ang theme ng university ball this year ay Masquerade. Nasa auditorium sila noon, at halos lahat ng nandoon ay nakasuot ng magagarang gown, para kang nasa party ng mga royalties sa gara ng mga gowns na suot nila. Syempre hindi magpapahuli ang kasuotan nitong sina Mikay, Telay at Tine. Pagkatapos nila pumunta sa registration booth, pumasok na sila mismo sa loob ng pagaganapan ng event at sinuot na din nila ang kanilang mga masks. Classical music ang pinapatugtog sa party, kaya naman nung nagtagal ay unti-unti ng naBored itong sina Mikay at Telay, pero si Tine ay nag-eenjoy sa pakikinig nito, mahilig kasi siya sa classical music, sa katunayan ito ang pampatulog niya kapag hindi siya makatulog.

“Nandito na kaya sina Paulo at David?” tanong ni Mikay, napakibit balikat lamang si Telay.

“Ano ba sabi sa inyo? Pupunta ba daw sila?” tanong ni Tine, nagtinginan lamang sina Mikat at Telay.

Makalipas ang ilang minuto, may dalawang lalakeng lumapit kina Mikay at Telay na nakamaskara at niyaya silang magsayaw, napatingin ang dalawa kay Tine, kaya naman tumango lang ito na para bang hinahayaan silang makipagsayaw at huwag siyang intindihin, paano naman kasi kaText nitong si Tine si Quen.

Habang nasa dance floor sina Telay at Mikay, parehas silang napapaisip kung sino ba ang mga lalakeng kasayaw nila, hindi din kasi nila ito mabosesan kaya naman napapaisip na sila.

“Sino ka ba?” tanong ni Mikay, habang nakikipagsayaw.

“Ako, ako yung taong mamahalin mo.” Sabi ng Lalake, medyo naPresco-han itong si Mikay.

Habang sa kabilang side naman ng dance floor, kinakausap din ni Telay ang kaniyang lalakeng kasayaw dahil gusto niya malaman ang katauhan nito.

“Alam mo parang kilala kita eh…

Di ko lang alam kung sino ka…” sabi ni Telay, natawa ang lalakeng kasayaw niya.

“Parang kilala, pero hindi mo alam kung sino ako?

Eh di hindi mo talaga ako kilala…” sabi ng Lalake, napangiti si Telay.

“Eh, basta….” Sabi ni Telay.

“Ang presco mo…” sabi ni Mikay, natawa lamang ang lalake.

“Hindi ako presco ah…

Kung liligawan ba kita sasagutin mo ako?” tanong ng Lalake, nagulat si Mikay.

“Ang lakas naman ng loob mo itanong yan…

Ni hindi nga kita kilala eh..” sabi ni Mikay, na medyo nagtataray na.

“You know what I like you, do you like me too?” tanong ng Lalake kay Telay, napangiti ito.

“I don’t know, I don’t know you eh.” Sagot ni Telay, habang medyo nakakunot ang noo at napangiti ang lalake.

“Are you sure na you don’t know me?” parehas na linya ng mga lalakeng kasayaw nina Telay at Mikay.

Papatapos na noon ang sayaw, at bago matapos ang sayaw pinaikot ng dalawang lalake sina Telay at Mikay at ng matapos ang sayaw ay napakalapit nila sa katawan ng isa’t isa, halos isang kamay lang ang pagitan sa sobrang lapit. Unti-unting tinanggal ng mga lalakeng kasyaw nina Telay at Mikay ang maskara nila. Nagulat sina Mikay at Telay, dahil sina Paulo at David pala ang kasayaw nila.

“So ano? May pag-asa ba ako sayo?”

Parehas na tanong nina Paulo at David kay Telay at Mikay, habang magkaharap sila at napakalapit ng mga katawan at mukha nila sa isa’t isa, napahinga ng malalim sina Mikay at Telay at napatango na lamang.

Makalipas ang isang linggo, papauwi na noon sina Tine, Telay at Mikay ng may isang sasakyan na biglang pumarada sa harap nila. Nagulat ang tatlo, at maya-maya pa ay bigla nitong binaba ang bintana, nakita nila na isang gwapong binata na nakaShades ang driver nito at may flowers tabi ng upuan nito.

“Tine! Can we go out? I miss hanging out with you.” Sabi ni Quen.

Napangiti bigla sina Telay at Mikay at agad tinulak si Tine papunta sa pintuan ng kotse ni Quen, agad naman binuksan ni Quen ang sasakyan. Nagdadalawang isip pa si Tine kung sasama ba siya o hindi, pero nung nakita niya si Quen na biglang tinangal ang shades nito at tumingin sa kaniya, hindi na siya nakatanggi pa.

------------------------------------------------

Follow the creator of the story on twitter: http://www.twitter.com/kriz_23

Blog: http://www.yuppielionheart.tumblr.com

Like on facebook: http://www.facebook.com/YuppieLionheart

Follow on facebook:

http://www.facebook.com/bhiemhine23

Star CollisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon