Chapter 7: Cold Nights

42 0 0
                                    

Gabi na nakauwi sina Tine at Cess sa kanilang mga tahanan. Matutulog na si Tine ng tumawag si Alyssa sa kanya upang itanong ang nangyari sa kanyang lakad. Kweninto lahat ni Tine kay Alyssa, at dahil sa mga nalaman nito, syempre hindi nakaligtas sa pang-aasar si Tine.

“So? Si JP na ba ang bago mong prince charming? Paano na yung ex mo?” tanong ni Alyssa, na may pang-aasar

“Ano ka ba?! Ex na nga diba? Meaning over na kami.

At saka di naman talaga naging kami eh. M.U lang, EX ko siya, EX-CRUSH” sabi ni Tine

“Bitter? Eh bakit kapag binabanggit ko siya sayo ayaw mo pag-usapan?

Baka naging kayo? Secret nga lang, ikaw lang nakakalam!” sabi ni Alyssa, na may pang-iinis

“Hay naku! Kaya ayaw ko na siyang pag-usapan dahil NON-SENSE

naman na gawin natin syang topic. PAST IS PAST! Di na dapat pag-usapan pa.” sabi ni Tine.

“Past is past? Kung past na lang talaga siya sayo dapat

di ka nagkakaganyan kapag binabanggit ko siya sayo.

Saka diba kapag PAST ibig sabihin may HISTORY iyon?

Eh diba ang HISTORY binabalikan yan para matuto tayo sa mga pagkakamali?” sabi ni Alyssa.

“Oo nga, alam mo yung salitang MOVE ON?!

Ako nakapag MOVE ON na eh, ewan ko ba kayo parang di pa din maka GET OVER saming dalawa” sabi ni Tine kay Alyssa.

“Okay, fine! You win! Di na natin pag-uusapn yang EX MO

na pinagpalit ka sa bestfriend mong binabae” sabi ni Alyssa

“Wow! Di na pag-uusapan? Tapos may pag ganun?

Damn it! Wag mo na ipaalala sakin ah.

Oo, close na close na kami eh. Kulang na nga lang yung label na KAMI

pero wala eh, sino ba kasi mag-aakala na PAREHAS pala kami.

WE BOTH LOVE GUYS!” sabi ni Tine, sabay baba ng linya.

Napag-isip isip ni Tine ang mga sinabi ni Alyssa sa kanya, kung talaga nga namang nakapag move on na siya dapat hindi na siya naapektuhan kapag nababangit ang mga bagay na iyon sa kanya. Ilang buwan din siya nagmukmok para sa lalake na iyon, hindi lumalabas ng bahay, ayaw makipag-usap kahit sa cellphone, ayaw mag online. Talagang nilayo niya sa lahat ang sarili niya ng mga panahong nasaktan siya ng husto ng lalake na iyon. Nabago lang ang lahat ng dumating sa buhay niya si JP, naisip niya kung ito na ba ang katapusan ng mga malalamig na gabing nagdaan sa kanyang buhay. Si JP nga ba ang kasagutan para tuluyan niyang makalimutan ang ex niya?

Naisip niya na gayahin si Alyssa na ang mga ginugusto ay mga celebrities na lamang, dahil madalas ang gusto niya ay mga imposible niyang makamtam, mas binabaling na lamang niya ang atensyon sa mga iyon. Kung gugustuhin niya si JP, una pa lang alam niyang imposible maging sila, dahil magkaiba sila ng mundo. Artista si JP, at isang ordinaryong college student lamang siya,kaya malabo maging sila. Kung umpisa pa lang alam niya na ang katotohanan, eh di hindi na siya masasaktan tulad ng nangyari sa kanya dati.

---------------------

Follow the creator of the story on twitter: http://www.twitter.com/kriz_23

Blog: http://www.yuppielionheart.tumblr.com

Like on facebook: http://www.facebook.com/YuppieLionheart

Star CollisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon