Chapter 5: Umbrella

50 0 0
                                    

Lumapit na si Cess kay JP dahil ayaw maniwala ni Tine. Hanggang sa paglapit nila napagtanto ni Tine na si JP nga iyon.

“Yan na ba yun? DI naman pala gwapo yan pero tara paPicture tayo …” sabi ng isang babae malapit kay JP.

Pagkadinig nina Tine at Cess sa sinabi ng babae, agad naman talagang nag-init ang ulo nila. Sa isip-isip ni Cess, di pala gwapo eh. Bakit kayo magpapaPicture? Grabe naman kayo makapagsalita akala mo kung sinong magaganda. Napataas naman ang kilay ni Tine sa babaeng nagsabi noon. Linapitan ni Tine si JP at saka sinabing

“JP! Picture tayo, mamaya ah kita kits” sabay ngiti si Tine.

Napangiti si JP pagkasabi ni Tine at para bang nagulat at sabay sabi ng “Mamaya? Kasama pala kayo. Mamaya kita kits wag kayo mawawala ah. Kwentuhan tayo.”

Tumango sina Cess at Tine sabay talikod para umalis.

“Ingat kayo! Maulan sa labas” biglang pahabol na sabi ni JP, napangiti sina Tine at Cess. Pagkatapos noon umalis na si JP para bumalik sa rehearsals.

 NagText si Tine kay Chah upang ipaalam na nakita na niya si JP ng personal, pero syempre hindi pa alam ni JP na siya pala ang ipapakilala ni Chah mamaya at siya din ang madalas nitong nakakapalitan ng tweet dahil ang icon ni Tine sa twitter ay walang mukha.

Lumipas ang ilang minuto, papaalis na sina Tine at Cess sa building na iyon ng makita ni Cess si JP na papalabas ng building. Agad niyang sinenyasan si Tine na sabayan lumabas si JP.

“JP!” sigaw ni Cess, napatingin si JP at napangiti. Lumapit sina Tine at Cess sa kanya at sumabay sa paglalakad.

“Papunta ka na dun sa event?” tanong ni Tine kay JP.

“Oo eh.”  Sagot ni JP sabay ngiti.

“Sabay na kami sayo, doon din naman ang punta naming eh.”  Sabi ni Cess, napatingin si JP, sabay tango si Tine at napangiti si JP.

Tatawid na lang kasi sila sa kabilang kalsada at doon na ang pagaganapan ng event kaya naman pwede na talaga silang magsabay. Pagkalabas nila ng building, medyo parang aligaga si JP, napansin ito ni Tine at Cess.

“May payong ka ba? Gusto mo makisilong samin? Kasya naman tayong tatlo”  tanong ni Cess kay JP.

Napangiti si JP sabay sabi ng “Salamat ah” lumapit si Tine kay JP sabay bukas ng payong niya.

Sa isip-isip ni Tine may jacket naman si Cess eh, pwede sila na lang ni JP ang magkaShare sa payong. Sayang kasi ang moment.

“May iniintay ka pa ba?” tanong ni  Cess kay JP, dahil napansin niya na parang may hinahanap ito.

Umiling lamang si JP at tumingin kay Tine, napangiti si Tine at tumingin kay Cess na para bang gustong ipahiwatig na wag ka na magtanong tara na at tumawid. Nauna tumawid si Cess papunta sa pagaganapan ng event. Naiwan si JP at Tine dahil sila ang magkaShare sa payong, habang tumatawid sila biglang napasigaw si Cess dahil nakita niya ang isang rumaragasang sasakyan papunta kina Tine at JP.

Napatingin si Tine sa kanyang bandang kanan pagkarinig niya ng sigaw ni Cess, at pagkakita niya sa sasakyan alam niya na agad na maaring mahagip nito si JP. Habang si JP naman ay napatingin kay Cess, tila ba nagtataka kung ano ang meron at bigla na lamang ito sumigaw.

Malapit na malapit na ang rumaragasang sasakyan kina JP at Tine ng mga sandaling iyon, medyo mabagal sila tumawid dahil nga sa malakas na ulan ng araw na iyon. Nag-iingat sila upang hindi sila mesyado mabasa kahit na may payong sila, pero sa hindi inaasahan na sandali ay meron namang isang rumaragasang sasakyan na dumaan doon.

“JP!” sabi ni Tine, sabay hila kay JP paatras upang hindi ito mahagip ng sasakyan.

Nagulat si JP sa paghila sa kanya ni Tine, at nakita niya ang isang rumaragasng SUV na dumaan sa harap nila. Sa lakas ng pagkahila ni Tine kay JP, nawalan ng balance si JP at muntikan ng matumba. Pagkakita ni Tine kay JP na malapit ng matumba agad niya itong hinawakan sa braso at hinila pabalik sa kanya. At dahil doon, napalapit ng husto si JP sa kanya.

Habang si Cess ay nakatayo sa kabilang side ng kalsada siya ay kinikilig sa dalawa, dahil parang isang eksena sa teleserye ang nangyari. Si JP ay nakatayo sa harap ni Tine habang gulat na gulat sa nangyari at si Tine naman ay hawak hawak si JP sa braso at sobrang lapit nila sa isa’t isa habang nasa ilalim ng isang payong. Kung titingnan sa malayo kulang na lang ay iyong eksena na mag-aakapan sila. Medyo, malawak talaga ang imahinasyon ni Cess kaya kung ano-ano ang naiisip niya ng mga sandaling iyon.

-----------------

Follow the creator of the story on twitter: http://www.twitter.com/kriz_23

Blog: http://www.yuppielionheart.tumblr.com

Like on facebook: http://www.facebook.com/YuppieLionheart

Star CollisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon