Chapter 13: Ako Na Lang Sana

192 0 0
                                    

Napansin ni Marlow ang kakaibang sweetness nina JP at Jea. Kaya naman nung isang beses na nakita niya ito na nagkukulitan sa set nila, nilapitan niya ang dalawa.

“Ang sweet ha, dati ni hindi kayo mapaglapit kapag off-cam

tapos ngayon kulang na lang langgamin kayo sa sweetness…” sarcastic na pagkakasabi ni Marlow.

Napatingin si JP at Jea sa kanya, napansin ni JP na parang hindi nagugustuhan ni Marlow ang pagiging close nilang dalawa kaya naman umalis si JP, kunwari may kukunin lang siya sa sasakyan pero ginawa niya iyon para makapag-usap ang dalawa.

“Marlow, what’s wrong with you?” tanong ni Jea, habang nakatingin ng parang naiinis sa kanya.

“What’s wrong? This is wrong…

Everything is wrong…” sabi ni Marlow, sabay upo sa tabi ni Jea at sumimangot.

“Huh? Di kita gets…” sabi ni Jea, sabay tingin kay Marlow habang nagtataka.

“Ano? Kayo na ba?

Di mo man lang sakin sinasabi….

Dati ako lang ang kakulitan mo, ngayon…

Itsapwera na ako…” sabi ni Marlow, napangiti si Jea.

“Ui, nagseselos ang bestfriend ko…

Wag kang mag-alala hindi pa kami…” sabi ni Jea, sabay napatingin ng masama si Marlow.

“So, nanliligaw na siya sayo?” tanong ni Marlow. Ngumiti si Jea, at parang kinilig.

“Hindi pa nuh, pero sana…

Malay mo diba…” sabi ni Jea.

“Bakit kasi hindi na lang ako eh….” Pabulong na sabi ni Marlow.

“Ano?” tanong ni Jea

“Wala, sabi ko nandito lang naman ako..

Bakit kailangan mo pa yung JP na yan?

Ako na bestfriend mo, laging nandito para sayo.

Handa kang pasayahin, at samahan sa lahat ng pagkakataon…” sabi ni Marlow.

“Marlow, alam ko yun.

BESTFRIEND KITA EH… Pero iba na kasi ngayon…

Sa tingin ko si JP na yung ‘the one’ dadating sa point na,

magkakaroon ka ng taong mamahalin mo….

Iba kasi yung love ng bestfriend, sa love ng special someone…” sabi ni Jea, sabay patong ng kamay sa balikat.

Tiningnan siya ni Marlow at para bang may gustong sabihin pero hindi na nito nagawa at umalis na lamang.

“Ganoon ba talaga siya kaManhid?

All this time, I’m right here beside her. Pero di ba niya nararamdaman na

I love her more than just a friend? A child hood friend? Bestfriend?” sabi ni Marlow, habang nag-iinom siya sa bar.

Lingid sa kaalaman ni Marlow, nasa tabi lang pala niya umiinom si JP.

“I knew it, you’re inlove with her…” sabi ni JP, napatingin si Marlow at nagulat ng makita niya si JP.

“JP…” yun lamang ang tanging nasabi ni Marlow sa sobrang gulat at ngumiti si JP sa kanya.

“Don’t worry, I won’t tell her the truth. Kaya pala ganoon ka na lang kainis kapag nakikita mo kami na nagkukulitan. At nung tinataboy ko pa siya dati, ganoon na lang kasama ang tingin mo sa akin. Now I understand, more than friends pala ang pagtingin mo sa kanya….” Sabi ni JP.

“Total, nandito ka na naman. Tatapatin na kita, ano ba talaga si Jea sa buhay mo?

May gusto ka na din ba sa kanya? O paasahin mo lang siya?

Kasi kung ganoon lang ang gagawin mo, mabuti pa layuan mo na siya. Para hindi na siya masaktan pa.” sabi ni Marlow.

“Si Jea, special siya. Sobrang special, kaya di ko kayang saktan siya….” Sabi ni JP, nanlaki ang mata ni Marlow.

“Kaya nga hindi ako gagawa ng anumang bagay na makakasakit sa kanya.

Alam mo Marlow, si Jea parang little sister ko na yun. Love team kami oo, siguro sa kanya

iniisip niya na pwede maging kami dahil nga doon. Pero hindi yun mangyayari, kaedad lang niya ang little sister ko, kaya hanggang dun lang ang pagtingin ko sa kanya…” dugtong ni JP.

2 years older kasi si JP kay Jea, kaya naman para kay JP si Jea ay parang isang nakababatang kapatid lamang. Hindi inaasahan ni Marlow na ganoon ang sasabihin ni JP sa kanya, nung una kasi iniisip niya na nagkakagusto na din si JP kay Jea, dahil sa lagi itong magkasama at naging close na sa isa’t isa. Kasi pwede naman maDevelop ang feelings ng isang tao, lalo na kung madalas mo kasama ang taong iyon. Minsan, di mo namamalayan unti-unti na palang nahuhulog ang loob mo sa taong palagi mong nakakasama.

---------------------

Follow the creator of the story on twitter: http://www.twitter.com/kriz_23

Blog: http://www.yuppielionheart.tumblr.com

Like on facebook: http://www.facebook.com/YuppieLionheart

Follow on facebook:

http://www.facebook.com/bhiemhine23

Star CollisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon