Chapter 19: Friends

32 0 0
                                    

Makalipas ang isang taon, unti-unti ng dumadami ang projects ni Tine bilang isang model. Hindi na lang siya ngayon nalabas sa mga music videos, pati sa commercials ay nalabas na din siya. Pero hanggang ngayon hindi pa din natutupad ang pangarap niya, na makatrabaho si JP sa isang commercial shoot.

Matagal na ding hindi nagkakasama itong si Chah at si Tine kaya naman halos wala na siyang balita kay JP, naging busy na din kasi siya sa sarili niyang buhay. Malapit na siya dumating sa point na gusto na niyang sumuko kay JP, pakiramdam niya kasi walang patutunguhan lahat ng mga ginagawa niya.

Isang araw papauwi na si Tine mula sa kanyang shoot, papunta na siya sa parking lot ng may nakabanggaan siyang isang lalakeng nagmamadali papasok sa building. Nang magkabanggaan sila agad namang nagSorry ang lalake, medyo nainis si Tine sa lalake pero nung tiningnan niya ito bigla siyang nagulat dahil si JP ang lalake na nakabungguan niya. Balak niya pa sana ito kausapin pero dahil sa nagmamadali ito naglakad na lang siya ulit patungo sa parking lot. Habang naglalakad siya hindi niya napigilang mapangiti, kasi kung kalian naman papasuko na siya parang nabigyan ulit siya ng pag-asa na baka hindi naman mapunta sa wala lahat ng ginagawa niya.

Pagdating ni Tine sa lobby ng condo niya, nagulat siya sa nakita niya. Nandoon kasi si Quen sa lobby at hinihintay siya, nagdala pa ito ng mga regalo. Kaya naman nilapitan niya agad ito at kinausap.

“Quen, what are you doing here?

Akala ko ba nagkaintindihan na tayo na ititigil mo na ito?” sabi ni Tine.

“6 months ago, you dumped me…

I’m here to see my friend” sabi ni Quen, sabay ngiti at abot ng gift.

Quen ---“

Hindi natapos ang sasabihin ni Tine dahil biglang nagsalita si Quen at hinawakan siya nito sa kamay.

“Tine, hindi ko na ipagpipilitan na maging TAYO…

Ang mahala sa akin, maging OKAY TAYO….

Friends?” sabi ni Quen, sabay ngiti at nag wet ng lips.

Ngumiti si Tine, at tumango. Napangiti si Quen at inakap siya nito sa sobrang tuwa.

(BEEP BEEP)

Bumangon si Tine mula sa kanyang higaan at sinagot ang tawag sa kanyang cellphone. Hindi niya inaasahan ang tawag na iyon, sobra siyang natuwa dahil ang matagal na niyang inaantay mangyari ay matutupad na. Makakatrabaho na niya sa wakas si JP sa isang commercial shoot, hindi siya makapaniwala pero totoo ang lahat ng narinig niya kaya naman hindi na siya makapag-intay pa sa araw na isasagawa ang kanilang commercial shoot.

Noong araw na mismo ng shoot, maagang gumising itong si Tine sa sobrang excited niya ang aga niya tuloy nakarating sa location nila. Naupo muna si Tine sa isang upuan malapit sa puno, sa may field kasi ang location nila kung saan may malawak na soccer field at may mga puno at upuan sa gilid ng field. Maya-maya ay may sasakyan na pumarada sa harap ng kaniyang inuupuan, at ng lumabas ang driver nito napangiti si Tine, dahil si JP ang sakay ng sasakyan.

“Hi JP!” sabi ni Tine na puno ng energy, tumingin sa kaniya ito at ngumiti.

Naglakad lakad muna si JP sa location at ng magtagal na ay napagod na siya sa kakalakad kaya naman naisipan niya na bumalik na lang sa sasakyan, ng papasok na siya sa sasakyan niya, napansin niya bigla si Tine kaya naman naisipan niyang kausapin ito.

“Hi, kanina ka pa dito?” tanong ni JP, sabay tango si Tine.

Umupo bigla sa tabi ni Tine itong si JP at tinanggal ang shades niya sabay tinanong siya nito kung anong pangalan niya. Agad naman niyang sinabi ang pangalan niya kay JP, hindi na siya nagulat na hindi na alam ni JP ang pangalan niya, halos magdadalawang taon na nga naman din silang hindi nagkikita nito ni JP, pati sa cyber world ay hindi na rin sila nagkakaroon ng pagkakataon para magCommunicate. Naisipan niya na baka sa dami nga naman ng nakilala nito, sino ba naman siya para maalala ni JP. Sasabihin sana niya na siya yung nagligtas sa kaniya doon sa rumaragasang sasakyan two years ago, pero naisipan niya na wag na lang ito sabihin dahil baka kung ano pa ang isipin nitong si JP.

----------------------------------

Follow the creator of the story on twitter: http://www.twitter.com/kriz_23

Blog: http://www.yuppielionheart.tumblr.com

Like on facebook: http://www.facebook.com/YuppieLionheart

Follow on facebook:

http://www.facebook.com/bhiemhine23

Star CollisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon