Pagkatapos ng commercial shoot, oras na para umuwi. Masaya si Tine dahil sa wakas natupad na ang pangarap niya, pero at the same time malungkot siya. Kasi hindi yun ang inaasahan niyang mangyari, nagkatrabaho nga sila ni JP pero hindi naman sila nagkaroon ng time para magka-usap man lang ng sila lang kaya naman nalungkot siya, siguro mesyado lang siya naging idealistic at sa kasamaang palad hindi natupad ang inaasahan niya.
(Imagination)
Magkasama kami ni JP sa isang commercial shoot, at dahil doon magiging close kami. Kapag naging close kami mapapadalas ang paglabas naming dalawa, kapag nagtagal maDeDevelop siya sakin at pag nangyari yun, liligawan niya ako. Syempre konting pakipot, pero di ko papatagalin sasagutin ko din agad siya tapos magiging kami. And we’ll live happily ever after.
Habang naglalakad siya papunta kung saan nakaPark ang sasakyan niya, hindi niya napigilang matawa. Kasi yung iniisip niya na mangyayari sa kanila ni JP, nangyari sa kanila ni Quen. Naisp niya siguro may mga bagay talaga na kahit iyon ang gusto mo mangyari hindi nangyayari, kasi hindi yun ang dapat mangyari. Papasakay na siya sa sasakyan niya ng biglang may tumawag sa kaniya, at nilingon niya ito.
“Excuse me… Ikaw yung girl two years ago na nagligtas kay JP diba?” sabi ng Manager ni JP, na kakababa lang sa sasakyan.
Nagulat si Tine at napatango na lamang, hindi niya inaasahan na iyon ang sasabihin ng Manager ni JP. Si JP nga hindi na siya naaalala pero itong Manager niya natatandaan pa din siya. Nag-usap sila nito saglit, nagkamustahan at pagkatapos noon ay naghiwalay na din sila.
Makalipas ang ilang araw, nagpunta si JP sa isang fashion event dahil pinapunta siya ng kaniyang Manager doon. Pagkadating niya doon agad niyang binati ang kaniyang Manager, at habang nanunuod sila ng event biglang naalala ng Manager nito ang tungkol kay Tine.
“JP, nakita ko yung girl na nagligtas sayo
few days ago…” sabi ng Manager nito, napatingin bigla si JP at para bang nagulat.
“Where Tito?” tanong ni JP, napangiti ang Manager nito.
“Kasama mo siya sa commercial shoot…
Don’t you know?” sabi ng Manager nito, napaisip bigla si JP.
“Really? But...” sabi ni JP, habang nag-iisip.
“Si Tine, don’t you remember her?” sabi ng Manager nito, at nagulat si JP.
“Si Tine? Siya yun?” tanong ni JP, at tumango ang Manager nito.
After 3 months….
Malapit na ang birthday ni JP, at syempre mayroong magaganap na maliit na salo-salo na hinanda ni Chah pati na ang mga fans nitong si JP. Niyaya ni Chah si Tine sa event na iyon, pero pinili ni Tine na huwag sumama dahil mas kailangan niyang asikasuhin ang pag-aaral niya. Medyo nabawasan na din kasi ang kabaliwan niya kay JP kaya naman nagagawa na niyang palampasin ang mga ganitong pagkakataon.
Isang araw, may tumawag kay Tine. Inaalok siya nito ng isang TV role, ayaw sana ni Tine itong tanggapin pero nagpupumilit ang tumawag sa kaniya na bago niya ito tanggapin ay tingnan muna nito ang script, kaya naman nakipagkita ito sa isang restaurant. Pagdating niya sa restaurant, agad siyang hinatid ng waiter sa table niya. Nasa may balcony ng restaurant ang table niya, kung saan matatanaw mo ang dagat mula sa second floor ng restaurant at napakaRomantic ng view mula doon. Naisip ni Tine na maganda ang lugar na iyon para sa isang dinner date, ng maupo siya napansin niya na wala mesyadong tao sa may balcony area ng resto pero doon sa loob ay madaming tao. Makalipas ang ilang minuto hindi na napigilan ni Tine na magtanong kung bakit siya lang ang nandoon sa may balcony, at nagulat siya ng malamang nakaReserve sa kanila ng kakatagpuin niya ang buong balcony area kaya naman sila lang ang pwede doon sa area na iyon. Napaisip na si Tine na kung isang talent scout lang ang nag-aalok sa kaniya bakit kailangan pang ipaReserve ang isang part ng resto para sa kanila lang, kaya naman naisipan na niyang umalis. Papaalis na siya ng biglang tumugtog ang isang violinista, napatingin siya dito. At maya-maya pa ay may nagsalit, mula sa likuran niya.
“Aalis ka na agad?”
Napalingon si Tine sa nagsalita, at nagulat siya sa nakita niya.
“Inintay kita dumating sa birthday celebration ko,
pero nag-intay lang ako sa wala…
Akala ko pa naman makikita ko na yung savior ko.” Sabi ni JP, at dahan dahang lumapit sa kaniya.
Naguguluhan si Tine sa mga nangyayari, at napatingin sa paligid niya.
“Nandito ako para doon sa meeting
about dun sa TV role na inaalok sakin…
pero bakit ka nandito?” tanong ni Tine habang naguguluhan.
Napangiti si JP, at tumingin sa langit.
“Nandito ako para alukin ka ng isang role” sabi ni JP.
At doon na naisip ni Tine na si JP ang may kagagawan ng lahat ng iyon. Lumapit si JP kay Tine ng mas malapit pa, at hinawakan nito ang kanang kamay niya.
“Papayag ka ba maging leading lady ng buhay ko?” tanong ni JP, napalunok at napahinga ng malalim si Tine.
“May nakapagsabi sakin, minsan lang dadating sa buhay ko
ang isang taong tulad mo…. Kaya ayoko palampasin ang pagkakataong ito…” sabi ni JP, nakatingin lang sa kaniya si Tine at gulat na gulat.
(Flashback)
Usapan nina JP at Manager niya sa fashion event 3 months ago.
“Si Tine? Siya yun?” tanong ni JP, at tumango ang Manager nito.
“Yup, siya nga… Alam mo JP
she’s one of a kind, minsan lang dadating sa buhay mo
ang mga taong katulad niya…. She’s not just a fan…
She’s something…” sabi ng Manager nito at nagtaka si JP.
Kwinento ng Manager ni JP ang usapan nila ni Tine ng magkita ito sa pariking area after ng commercial shoot nila JP at Tine. Nabanggit pala ni Tine sa Manager ni JP ang tunay na dahilan kung bakit siya napasok sa trabaho na iyon, at natuwa ang Manager ni JP ng marinig ang kwento na iyon dahil hindi naman sa lahat ng pagkakataon makakatagpo ka ng taong katulad ni Tine. Kung iisipin nga naman kasi, nagawa nitong lumipat ng school para lang magkaroon ng pagkakataon na makita si JP, at pati ang modeling ay pinasok nito para lang magkaroon ng pagkakataon na makasama si JP.
(Back to present)
“Papayag ka ba na maging leading leady ng buhay ko??” tanong ulit ni JP.
“uhm… JP…” sabi ni Tine, at napatingin siya sa mga mata nito.
THE END!
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Minsan sa buhay, mga bagay tayong nagagawa kahit wala sa plano natin. Makasama lang ang taong nais nating makasama, gagawin natin ang lahat para lang makasama sila. Pero paano kung dumating sa point na ayaw mo na? Sawa ka na? Tutuloy ka pa ba? O susuko ka na lang?
Sabi nga nila “Kung may tiyaga, may nilaga” Pero minsan kahit anong tiyaga mo, wala talagang nangyayari eh, kasi hindi iyon ang dapat mangyari.
-------
A/N: Sa tingin niyo naging sila JP at Tine? Ipapaubaya ko na iyan sa mga malalawak niyong imagination kung ano ang nangyari :P
Story created: September 25, 2013
Story completed: October 28, 2013
--------------------------------------------------
Follow the creator of the story on twitter: http://www.twitter.com/kriz_23
Blog: http://www.yuppielionheart.tumblr.com
Like on facebook: http://www.facebook.com/YuppieLionheart
Follow on facebook:
http://www.facebook.com/bhiemhine23
BINABASA MO ANG
Star Collision
FanfictionAng kwentong ito ay tungkol sa isang babae na walang kahilig-hilig sa mga celebrities, ngunit magbabago ang lahat sa oras na dumating sa buhay niya ang isang tao na magpapabago ng ikot ng mundo niya. Alamin kung ano ang kayang gawin ng isang tagahan...