Kung magReply si JP kay Tine, itutuloy niya ang pagiging addict kay JP, at kung hindi titigil na siya. Nagreply kaya si JP? Tayo na at alamin natin ….
Nagtweet si Tine kay JP …..
(SENDING TWEET)
(TWEET SENT)
After a few seconds, tiningnan niya ang interactions niya at nagulat siya dahil nagReply si JP sa kanya.
“Kailangan pa pala, dumating sa point na ganito eh.
Kung kailan naman pasuko na ako sayo, binigyan mo pa ako ng dahilan para magpatuloy” sabi ni Tine habang kinikilig.
“Ui! Miss! I miss you J” tweet ni JP sa kanya.
Napaisip si Tine, kung bakit ‘I miss you’ ang tweet back sa kanya ni JP. Dahil ba hindi siya nakasama sa mini party with JP o baka wrong tweet back lang. Kung ano pa man ang dahilan, masaya siya kasi nagReply na ulit si JP sa kanya.
Isang araw bigla na lang nagtext si Chah, ang kapitbahay ni JP, kay Tine.
“ui, sama ka samin ngayon. May ganap J” text ni Chah.
“Saan? Ano meron?” text back ni Tine.
“May lakad kami nila JP, sa Timog mamayang 6pm… Alam mo na…” reply ni Chah sa kanya.
Syempre, hindi pinalampas ni Tine ang pagkakataon na makasama si JP, kaya kahit may pasok siya kinabukasan ay pumunta pa din siya. Halos lahat ay nandoon na sa pagkikitaan nila nina JP, ang kulang na lang ay si Tine at JP. Text ng text si Tine kay Chah, dahil nahihiya siya kung mauuna pa si JP na dumating doon tapos siya ang pinakahuling dadating. Para naman kasing V.I.P siya pag nagkataon, grand entrance lang ang peg. Pagkadating ni Tine sa place sakto namang biglang dumating si JP.
“Magkasunod pa talaga kayo dumating ah…” tukso ni Chah sa kanila, napangiti na lamang si JP at Tine.
Pagkatapos nila mag-usap usap, kumain na sila at uminom ng kaunti. Bago umuwi, may isang babae na lumapit kay JP at nagtanong kung pwede siya akapin, pumayag naman ito. Parang nainggit si Tine kaya naman sinabi niya:
“JP, ako din paakap” sabay tawa si Tine.
Biglang pumusisyon si JP ng wide open arms at parang bang handang handa na siya akapin. Medyo nahiya pa si Tine at maya-maya pa ay umakap na siya dito, pero hindi niya ito maakap ng mahigpit kasi nahihiya siya. Parang halos ayaw na ni Tine matapos ang moment na iyon kasi, heaven ang feeling habang akap niya si JP.
“Crush pa ba ito? O love na?” tanong ni Tine sa isip niya.
-----------------
Follow the creator of the story on twitter: http://www.twitter.com/kriz_23
Blog: http://www.yuppielionheart.tumblr.com
Like/Follow on facebook: http://www.facebook.com/YuppieLionheart
http://www.facebook.com/bhiemhine23
BINABASA MO ANG
Star Collision
أدب الهواةAng kwentong ito ay tungkol sa isang babae na walang kahilig-hilig sa mga celebrities, ngunit magbabago ang lahat sa oras na dumating sa buhay niya ang isang tao na magpapabago ng ikot ng mundo niya. Alamin kung ano ang kayang gawin ng isang tagahan...