Chapter 4: Collision of Stars

117 0 2
  • Dedicated kay Princess Ludylyn Dionela
                                    

Dumating na ang araw ng event, medyo nagdadalawang isip pa din si Tine kung sasama ba siya o hindi. Hanggang sa nagText sa kanya si Cess. Nagpapasama si Cess, somewhere in Makati area, dahil makikipagkita siya kay Arjay. Si Arjay, ay isang actor na hindi sikat na nagmula sa angkan ng mga artista, madalas character actor lang ang ginagampanan niya. Nagkasundo si Cess at Tine na sabay na sila pumunta sa area, dahil magkalapit lang naman ang pagkikitaan nina Cess at Arjay doon sa place ng event with JP.

“Swerte mo naman, ililibre ka ni Arjay sa coffee shop nila.” Sabi ni Tine.

“Ganoon talaga, sabi ko kasi sa kanya patikimin naman niya ako ng special coffee nila eh.” Sabi ni Cess.

“Close kayo? Paano kayo nagkakilala?” pag-uusisa ni Tine.

“Medyo, pero di naman talaga. Kasi noong una sa twitter lang kami nagkakausap, tapos ayon nagtweet kasi ako na penge ng numbers nyo. Tapos nag send siya ng direct message sa akin. Nagulat nga ako kasi hindi ko akalain na ibibigay niya sa akin yung number niya eh. Eh ang hinihingi ko naman dun sa mga twitter fan base niya, yung mga head nun. Tapos ayon, nagtext ako sa kanya, hanggang sa hindi na lang kami basta magkaTwitter, magkaText na din, tapos ngayon nagkakatawagan na rin.” Sabi ni Cess.

“Text? Tawag? Taray! Kayo ba?” tanong ni Tine.

“Hindi ah, grabe ka naman. Medyo close lang talaga.” Sabi ni Cess, habang kinikilig-kilig pa.

“Naku! Baka mamaya malaman ko na lang na kayo na ah!” sabi ni Tine kay Cess, na may halong pang-aasar.

Pagkadating nina Cess at Tine sa may Makati area, naisip ni Cess na sumama na lang muna kay Tine dahil di pa nagteText si Arjay sa kanya. Maagang nakarating sina Tine sa pagaganapan ng event nina JP, at dahil doon wala pa din sa lugar si Chah, ang kapitbahay ni JP. Naisip nila na maglibot muna sa area hanggang sa nakita ni Cess ang isang talent office, ito ang opisina ng mga iba’t ibang talents sa industriya mapaTV, radio o sa fashion industry ay doon matatagpuan. Gusto ni Cess pumasok doon, ngunit nagdadalawang isip si Tine dahil baka hindi sila papasukin, wala naman kasi silang business dun sa loob. Pero mapilit si Cess, meron naman kasing coffee shop sa loob ng building kaya pwede nilang gawing palusot yun na iyon ang kanilang pakay sa loob ng building. Di nagtagal pa ay napapayag na ni Cess si Tine na pumasok sa loob ng building na iyon.

Habang papasok sina Tine at Cess sa loob, sa entrance ng building ay merong guard at dahil SOP (Standard Operating Procedure) na i-check lahat ng bags ng pumapasok doon, syempre hinarang sila ng guard para i-check ang bags nila. Habang tinitingnan ng guard ang bag ni Cess, biglang niyang sinabi

Kuya! May bomba diyan sa bag ko!” sabay Tawa si Cess, medyo kinabahan si Tine dahil alam niya na ipinagbabawal ang mga bomb jokes at pwede silang mahuli sa ginawa ni Cess. Sa isip-isip ni Tine, sira-ulo talaga si Cess puro kalokohan.

“Ay naku! Alam mo ba iha na bawal magbiro na may bomba kang dala? Pwede kitang ipahuli niyan” wika ng Guard kay Cess.

“Ay ganun ba?! Sorry kuya guard nagbibiro lang…”  sagot ni Cess habang natawa.

Nakapasok na sa loob ng building sina Cess at Tine, maya-maya pa di na natiis ni Tine na itanong kay Cess kung ano ba talaga ang ginagawa nila doon. At nalaman ni Tine na kaya pala gustong gusto ni Cess pumasok sa loob ng building dahil nagbabakasakali siya na may makitang TV personality o kaya mga model sa loob ng building. Maya-maya pa may dumaan na artista/singer ng isang banda, dali-dali tinawag ni Cess si Tine na nakatalikod at tinatanaw kung ano ba ang masarap order-in sa coffee shop.

“Tine! Yung vocalist ng sikat na banda oh!” wika ni Cess.

“Saan? Siya ba yan? Kahawig lang ata yan eh …”Tanong ni Tine.

Ayaw maniwala ni Tine kay Cess na iyon nga ang vocalist ng sikat na banda, hanggang sa dumaan  mismo sa harap niya ito at pagkalagpas nito sa kanya saka niya naRealize na tama nga si Cess. Maya-maya pa may mga babaeng lumapit sa vocalist para magpaPicture at syempre nakiPicture na din sila. Sayang naman kasi ang pagkakataon eh. Lumipas ang ilang minute may bago na naman silang nakitang mga celebrities, nakita nila ang isang sikat na radio DJ, tapos isang sikat na TV host, singer at ang actor na nagShooting sa school nila.

Kakalabas lang nina Tine at Cess sa coffee shop ng nakita nila ang actor, may kausap ito sa telepono ng mga panahong iyon. Lumapit si Tine at tumabi sa actor para magpaPicture, ngunit ang bagal ni Cess kumuha ng picture kaya di nakapagpakuha ng picture si Tine dahil dumating na ang bodyguards ng actor. Nanghinayang si Tine dahil sa pangalawang pagkakataon di na naman siya nakapagpakuha ng picture sa actor. Hanggang sa nakita ni Cess sa may bandang unahan ng lobby na naharang ang actor ng iba pa nitong mga tagahanga at dahil doon nagkaroon ng pagkakataon si Tine makapag paPicture. Tumabi ulit siya sa actor kaso may biglang isang babae na sumingit na naman sa kanya pero sa pagkakataong iyon di umalis si Tine hanggat di siya nakukunan ng picture ni Cess.

Tawa ng tawa si Cess kay Tine dahil napakahina daw nito, dapat daw kasi di siya pumapayag na singitan ng ibang tao gayong siya naman ang nauna.

“Di naman kasi ako tulad ng iba na makapagPaPicture lang eh mananakit ng ibang tao eh…” wika ni Tine.

Natawa na lang si Cess, maya-maya pa napansin niya na maraming tao sa kabilang banda ng entrance ng building.

“Si JP oh!”wika ni Cess, napatingin si Tine sa kanya at naptanong kung nasaan si JP, ngunit di naman ito makita ni Tine, pilit tinuturo ni Cess kung nasaan si JP pero di makita ni Tine. Hanggang sa linarawan na ni Cess kay Tine.

“Siya ba yun? Kahawig lang naman ata yan ni JP eh … Alam ko kasi nasa rehearsals pa siya eh.”Wika ni Tine.

---------------------------------------------

Follow the creator of the story on twitter: http://www.twitter.com/kriz_23

Blog: http://www.yuppielionheart.tumblr.com

Like on facebook: http://www.facebook.com/YuppieLionheart

Star CollisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon