Chapter 6: Rain Pours

49 0 0
                                    

Malakas ang buhos ng ulan ng araw na iyon, at dahil sa nangyari halos mabasa na sina Tine at JP kahit na nasa ilalim pa sila ng iisang payong. Sobrang lapit pa din ng dalawa at hindi pa din binibitawan ni Tine ang braso ni JP, habang si Cess ay kinikilig at hindi na napigilan na ilabas ito. At dahil doon, natauhan si Tine at binitawan ang braso ni JP na hinahawakan niya ng mahigpit.

“Okay ka lang ba?” tanong ni Tine kay JP.

Gulat pa din si JP at di makapaniwala na nangyari iyon at tumango kay Tine at napatingin. Medyo may katangkaran si JP at mas maliit sa kanya ng kaunti si Tine kaya naman ng tiningnan niya si Tine ay bahagya siyang napatungo. Tiningnan siya ni Tine at para bang medyo naiilang na sa kanilang posisyon, biglang ngumiti si JP at hinawakan si Tine sa balikat at saka nagpasalamat dahil sa ginawa niya.

“Thanks … Kung hindi dahil sayo malamang nahagip na ako ng sasakyan na iyon.

Maraming maraming salamat sayo. I owe you” sabi ni JP, napangiti na lamang si Tine.

Sa lugar ng pagaganapan ng event ay marami ng tao, sa event na iyon ipapakilala si JP bilang isang bagong endorser ng isang kilalang clothing brand. Noon lang nalaman ni Tine na para doon pala ang event na iyon. Magkakasama na sina Tine, Cess at Chah sa isang lamesa, ng may biglang lumapit sa kanila na isang lalake at ngumiti sa kanila saka nakiupo sa table nila. Nagtataka si Tine kung sino ang lalakeng iyon, hanggang sa lumapit si JP sa kanila at pinakilala ang lalakeng iyon na kanya palang manager.

Busy ang lahat na kumakain ng biglang nagRing ang cellphone ni Cess, pagkatingin niya nakita niya na tumatawag sa kanya si Arjay, agad naman niya itong sinagot.

“Cess, asan ka? Pasensya ka na may biglaan kasi na nangyari …..

Pwede sa ibang araw na lang kita isama doon sa shop namin?”sabi ni Arjay.

Medyo nalungkot si Cess dahil dumayo pa siya sa lugar na iyon makita lang si Arjay sa unang pagkakataon.

“Ay, ganun ba Kuya? Sige okay lang, dumayo pa naman ako dito

para lang makita ka. Dibale, next time na lang.” sabi ni Cess

At dahil sa sinabi ni Cess medyo nabagabag si Arjay, kaya nagdesisyon siya na daan na lang si Cess kung nasaan man ito. Medyo malayo na si Arjay sa lugar kung nasaan si Cess, pero bumalik ito para lang maMeet siya ni Cess.

Lumabas muna si Cess sandal para magpahangin, napansin ni Tine na lumabas siya kaya sinundan niya ito. Maya-maya pa ay may bigla na lang pumarada sa harap nila na sasakyan, sobrang lakas ng ulan ng gabing iyon kaya naman basing-basa ang sasakyan na pumarada sa harap nila. Hanggang sa may isang lalake na bumaba sa sasakyan, pagkakita ni Tine sa lalake, napaisip siya kung sino ito. Sobrang puti ng lalake, medyo may katangkaran at matangos ang ilong, may kulay ang buhok at nakasuot ng fitted black shirt at skinny jeans. Naisip ni Tine na mala-Twilight actor ang itsura ng lalake, at napatingin siya kay Cess na todo ngiti at kinikilig.

“Kuya! Nakakahiya naman sayo” sabi ni Cess, ngumiti si Arjay at lumapit kay Cess.

Iniwan na ni Tine sina Cess at Arjay, at bumalik sa loob. Pagkabalik niya sa loob, sakto namang hinahanap siya ni JP.

“UI! Kanina pa kita hinahanap eh.” Sabi ni JP kay Tine, hindi niya kasi alam kung ano ang pangalan nito kaya ganoon lamang niya ito tinawag.

Ngumiti si Tine at lumapit kay JP, pinakilala siya nito sa manager niya dahil nakwento na niya ang nangyari sa kanila. Pinuri si Tine ng manager ni JP at pinangakuan ng isang gantimpala dahil sa kanyang ginawa para sa kanyang alagang si JP.

“Hindi naman po kailangan iyon, ang mahalaga okay si JP. Masaya na ako na ligtas siya” sabi ni Tine sa manager ni JP, napangiti ang manager nito at tumingin kay JP.

Pagkatapos ng event, unti-unti na nagsiuwian ang mga dumalo. Papalabas na si JP ng gusali ng may biglang tumawag sa kanya at humingi ng pirmiso kung maari ba siyang akapin, at pumayag naman si JP.

Habang inaakap siya ng babae bigla na lamang siya nito hinalikan sa pisngi, makikita sa itsura ni JP na talaga namang nagulat ito sa ginawa ng babae. Nakita iyon ni Tine, at medyo nanlaki ang mata niya sa nakita niya. Para kasi sa kanya hindi tama ang ginawa ng babae, bigla bigla na lang nanghahalik ng walang paalam.

Medyo conservative na tao si Tine, kaya naman ang mga ganoong klaseng bagay ay hindi katanggap tanggap sa kanya. Pero sa panahon kasi ngayon, iba na talaga ang mga ugali ng tao, mapaBabae o Lalake. Sa ngayon nga, bihira na lang ang mga gentleman na lalake at sa mga babae naman, ibang iba na sa mga babae noon. Sabi nga nila LIBERATED na ang mga tao ngayon.

----------------------

Follow the creator of the story on twitter: http://www.twitter.com/kriz_23

Blog: http://www.yuppielionheart.tumblr.com

Like on facebook: http://www.facebook.com/YuppieLionheart

Star CollisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon