Bagong taon na, at malapit na ulit magpasukan sa school. Nagtweet si JP kay Tine, at iniimbitahan sila ni Cess na pumunta sa mini-party niya this coming weekend. Nataon naman na sa araw na iyon ay may lakad si Tine kasama ang kaniyang mga kaibigan na matagal na niyang hindi nakikita at matagal na iyon naka schedule sa araw na iyon. Kaya pinaalam na niya agad na baka hindi siya makapunta sa araw na iyon, madami ang nagsabi kay Tine na dapat pumunta siya kasi mismong si JP na ang nag-invite sa kanya kaya dapat nandoon siya. Kaso di naman magawa ni Tine na ipagpalit ang mga kaibigan niya para sa imbitasyon na iyon. Meron kasi silang kasunduan na kapag pipili ka kung tropa o jowa, TROPA muna.
Hindi naman magkarelasyon si JP at Tine pero dahil sa kasunduan na iyon, ibig sabihin lang na kung may dapat unahin, dapat tropa muna bago ang iba pero syempre ibang usapan kapag pamilya na ang kakompetensya ng tropa.
Hindi pumunta si Tine sa mini-party ni JP. Nung araw na iyon balak niya sana tumawag kay Cess, na pumunta sa party para sana makausap si JP. Pero nung tumawag siya, sakto naman tapos na yung party, sa tagal kasi mag-isip ni Tine kung tatawag o hindi, natapos na tuloy yung party.
Nagtweet si Tine kay JP, saying sorry dahil hindi siya nakapunta. Hindi nagreply si JP, at mula noon di na nagreReply si JP kay Tine kapag nagTwi-tweet siya. Napansin iyon ni Tine na nagsimula noong hindi siya pumunta sa imbitasyon ni JP. Naikwento yun ni Tine sa mga kaibigan niya.
“Asus! Di ka nagsabi na he invited you pala.
Ang ganda mo ha! Si JP na mismo nag invite sayo tapos di ka pumunta?” sabi ng kaibigan niya.
“Aba! Kung ako yun, talagang di na kita papansinin.
Biruin mo ang daming nagkakandarap sakin tapos i-snob mo lang invitation ko?” sabi ng isa pa niyang kaibigan.
Naisip ni Tine ang mga sinabi sa kanya, siguro nga nagtampo o kaya baka nainis pa si JP sa ginawa niya. Kaya nagdesisyon na siya na kung hindi na siya talaga reReplyan ni JP, hindi na siya kahit kalian pa magTwi-Tweet dito, at titigilan na niya ang pagiging addict kay JP bilang new years resolution niya.
---------------
Follow the creator of the story on twitter: http://www.twitter.com/kriz_23
Blog: http://www.yuppielionheart.tumblr.com
Like on facebook: http://www.facebook.com/YuppieLionheart
BINABASA MO ANG
Star Collision
Fiksi PenggemarAng kwentong ito ay tungkol sa isang babae na walang kahilig-hilig sa mga celebrities, ngunit magbabago ang lahat sa oras na dumating sa buhay niya ang isang tao na magpapabago ng ikot ng mundo niya. Alamin kung ano ang kayang gawin ng isang tagahan...