Chapter 8: Best Christmas

41 0 0
                                    

Ilang buwan na lang at malapit na matapos ang semester, magbabakasyon na, at ang lahat ay nasasabik na din sa kalalabasan ng finals ng basketball May kaibigan si Tine na basketball player sa kanilang eskwelahan, naging classmate niya ito kaya naman sila nagkakilala at naging close. Nagkasalubong sina Tine at Jared, at kinumusta ni Tine ang lagay ng team nila.

“Ui, Jared! Ano kasama ka ba sa line up ngayon?” tanong ni Tine

“Hindi eh … Next season pa ako.” Sagot ni Jared

“Sige, aabangan ko yan ah. Marami kami na nag-aabang sayo

alam mo naman may fans ka na sa section namin” pagbibiro ni Tine kay Jared.

Napangiti na lamang si Jared, totoo naman na may mga tagahanga si Jared sa klase nina Tine, pero iilan lamang iyon, marami nga naiingit kay Tine dahil close sila ni Jared, madalas sabay pa sila pumasok sa kanilang klase. Nagpapatulong pa nga kay Tine ang isang babae na may crush kay Jared na mapalapit dito, pero hindi naman kasi tanga si Jared para hindi malaman na may gusto sa kanya ang mga babaeng iyon kaya gusto mapalapit sa kanya. Tanging kay Tine lang hindi naiilang si Jared makipag-usap dahil obviously di naman siya type ni Tine at talagang kaibigan lang ang tingin nito sa kanya, kaya naman kahit umaakbay siya dito okay lang. Dahil nga sa sobrang closeness ng dalawa, nagkakaroon na ng isyu na baka silang dalawa na at kunwari lang si Tine na tutulungan niya mapalapit ang classmate niya na may crush kay Jared pero hindi naman niya talaga tutulungan.

Natapos na ang isang semester, at nanalo ang basketball team ng kanilang eskwelahan.  Nagtataka si Tine dahil nitong mga nakaraang araw bago matapos ang semester, hindi na niya napagkikita si Jared, kaya naman kinamusta niya ito sa text. Ilang oras ang lumipas saka lang nagreply si Jared sa kanya. Pinaalam ni Jared ang nangyari sa kanya at nang malaman ito ni Tine agad niyang pinayuhan ang dapat nitong gawin.

Isang pre-med student si Tine, balang araw ay magiging doctor din siya, kaya naman maalam si Tine sa mga dapat gawin kapag may injury ang isang tao.

“Thanks Doc! Tatandaan ko yang sinabi mo …

See you soon!” text ni Jared kay Tine.

Ilang araw na lang malapit ng magpasko, lahat ng tao masaya sa kanilang mga bakasyon. Naisipan ni Tine na pumunta muna sa Baguio kasama ang kanyang mga kaibigan, para naman makapag relax siya, dahil sa dami ng nangyari nitong mga nakaraang buwan.

“Ayos itong holiday get-away natin ah. Baguio!

SMP talaga ang dating natin!” sabi ni Alyssa

“Maka SMP! WAGAS?! It’s time for us naman

na mag CHILL … STRESS FREE dapat tayo ngayong Christmas season…” sabi ni Tine.

“Tama! Stress free nga dapat, after ng nangyari …

Yang kaibigan mo naman kasi eh. Mesyadong POTASSIUM” sabi ni Alyssa.

“Potassium? What do you mean?” tanong ni Tine.

“POTA napaka ASSUMING!” sagot ni Alyssa, sabay tawa ng malakas.

“Loko! Pero, may point ka …” sabi ni Tine, sabay medyo napangiti

“Biruin mo, naging super bait ka lang sa kanya

akala na niya agad, type mo din siya. Hindi ba pwedeng

talagang natural na mabait ka lang talaga? Mesyado syang assuming” sabi ni Alyssa

“Well, partly my fault din ang nangyari eh.

Kaya siguro he assumed na I lke him too.” Sabi ni Tine

“Ha? Partly your fault? Bakit?” tanong ni Alyssa

“Diba sa former school natin nung high school

Natural na malalambing ang mga tao. Yung nakikipag-akapan kapag nakikita mo,

tapos humahwak sa kamay kapag naglalakad. It’s normal sa school natin, which is

ayaw na ayaw ko naman ginagawa iyon. Kasi AWKWARD …” sabi ni Tine

“Yeah, I remember. Bigla bigla ka nga dati inaakap ng mga lower batch natin,

tapos grabe ka naman makaREACT, may pa DON’T TOUCH ME ka pang nalalaman.

Tapos KEEP DISTANCE. Ano sasakyan lang?”sabi ni Alyssa, sabay tawa.

“Oo na, medyo O.A pero hindi kasi ako sanay eh.

Hanggat maari ayoko ng physical contacts. Maski nga kayo na close friends ko

ni minsan ba naaala niyo na nakaakap kayo sakin? O kaya nahawakan man lang ako?

Di ba never? Pero kasi doon sa school ko ngayon, I treat them the way our lower batch treats me.” Sabi ni Tine

“So? Nang-aakap ka na din? WOAH! May sanib ka ba?” tanong ni Alyssa.

Natawa si Tine sabay sabi ng “Sira! Hindi ako nang-aakap pero kapag inaakbayan nila ako, nakiki akbay na din ako at kapag hinawakan ako sa kamay, I hold them back.”

“Asus! Kaya siguro nag-assume yang friend mo.

Pero matanong kita, bakit ayaw mo na ligawan ka niya?” tanong ni Alyssa

“Simple lang, kasi ayoko masira ang friendship naming.

If I let him to do so, syempre he will make an effort to make ligaw to me.

Tapos in the end, di naman magiging kami. Ayoko lang kasi magbigay ng false hope.

Why would I let him to make ligaw to me? If I can’t see myself being with him naman?” sabi ni Tine.

“I see … O baka naman, natatakot ka lang masaktan?” tanong ni Alyssa, napatingin sa kanya si Tine.

“It’s not that. Alam ko lang kasi ang pakiramdam ng umaasa sa wala.

And I made a promise na hinding hindi ko gagawin yun sa iba.

Mabuti ng masaktan ka habang hindi pa mesyado malalamin ang nararamdam mo sa isang tao,

Kaysa naman hayaang mo pang lumalaim ang nararamdam mo, mas masakit iyon kapag nagkataon dahil baon yun at malamang tagos pa sa puso ang sakit na mararamdaman mo.” Sabi ni Tine.

Sumapit na ang araw ng pasko, naisip ni Tine na batiin si JP, nagtweet siya dito, pati sa mga katabi ni JP nagMessage siya sa facebook. Agad namang nagreply ang kapatid ni JP sa kanya, at maya-maya pa tiningnan ulit ni Tine ang interactions niya sa twitter, at nakita niya na nagreply sa kanya si JP. Tuwang-tuwa si Tine kasi mismong araw ng pasko, nag tweet back sa kanya si JP. Pakiramdam ni Tine iyon na ang best Christmas ever na kanyang naranasan.

Hindi naman mahalaga kung gaano karami ang regalo na matatanggap mo sa araw ng pasko, ang mahalaga alam mo kung ano ang diwa nito at masaya ka kasama ang mga taong mahal mo. Si Tine ay materialistic na tao pero sa puntong iyon, nagawa niya maging saya dahil sa isang simpleng bagay, wala man siyang maraming regalo na natanggap pero ang tweet back ni JP sa kanya ang tinuturing niyang regalo nung araw na iyon na nagbigay sa kanya ng kasiyahan na talaga namang hindi mapapantayan ng ano pa mang material na bagay.

-------------

Follow the creator of the story on twitter: http://www.twitter.com/kriz_23

Blog: http://www.yuppielionheart.tumblr.com

Like on facebook: http://www.facebook.com/YuppieLionheart

Star CollisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon