Chapter 17: Music Video

29 0 0
                                    

Dumating na ang araw para i-shoot ang music video na gagawin nila Quen at Tine, isang araw lang ang shoot na iyon kaya naman magiging madali lang ang lahat. Pagdating nila sa site, agad silang nag-ayos at nagsagawa ng mga preparations para sa gagawin nila nung araw na iyon.

Habang isinasagawa ang music video, meron silang isang scene doon na kunwaring mahuhulog ang girl (na gaganapan ni Tine) dun sa boy (na gaganapan ni Quen) habang naakyat ito sa ladder, ang eksena kasi ay naakyat papunta sa Tree house si girl, at magbarkada ang boy at girl. Dapat kunwari lang yung pagkahulog ni Tine sa eksenang iyon pero ang nangyari naging totoo ito,  dahil nung ihahakbang na niya ang isa niyang paa biglang nasira ang patungan ng paa ng ladder na gawa sa kahoy, buti na lang napatingin agad si Quen at nasalo siya nito.

Buhat buhat ni Quen si Tine noon na parang isang baby ang pagkakabuhat, at nakatingin siya kay Tine sabay tanong ng:

“Okay ka lang?” napangiti na lamang si Tine, at nagpababa na.

Ayaw pa sana ibaba ni Quen si Tine, dahil sa di malaman na dahilan parang biglang ang cute cute niya sa paningin niya, ni Quen. Dahan dahan niyang binaba si Tine, at agad itong nilapitan ng crew para siguraduhing ayos lang ang dalaga.

Pagkatapos ng shoot, oras para maghiwa-hiwalay at umuwi sa kani-kanilang bahay. Papasakay na ng sasakyan si Tine ng biglang dumating si Quen. Dumating si Quen ng humahangos galing kasi siya sa kabilang side ng parking at tumakbo siya papunta sa kabilang side para kausapin si Tine, dahil may gusto siyang sabihin sa kanya. Tinawag niya si Tine at lumingon ito sa kanya, sabay lumapit siya sa kaniya.

“Bakit?” tanong ni Tine habang nakahawak sa bukas na pinto ng sasakyan niya.

“Hindi pa naman ito ang last nating pagkikita diba?” tanong ni Quen, habang nahingal pa.

“Ewan ko…” sabi ni Tine, sabay konting ngiti.

“Here …” sabi ni Quen sabay bigay ng cellphone niya, nagtaka si Tine kung bakit ito binigay sa kanya.

“Type mo number mo, para i-save ko…

Gusto ko kasi we’ll keep in touch pa din.” Sabi ni Quen, sabay smile. Syempre, nilagay naman agad ni Tine ang number niya sa phone.

Nag-exchange ng numbers ang dalawa bago ito tuluyang maghiwalay. Lumipas ang ilang linggo at lumabas na ang music video ng dalawa, pero hindi pa din natawag o nagTetext man lang si Quen kay Tine, maski siya hindi din niya kinontak si Quen.

(BEEP BEEP)

Tumunog ang phone ni Tine, at tiningnan niya kung sino ang nagmessage sa kanya. Laking gulat niya si Quen ang nagtext.

“Ang cute ng music video ….

Cute kasi kasama ko eh..” sabi ni Quen sa text, at napangiti si Tine.

“Bolero…” reply ni Tine sa binata.

“Let’s celebrate…” reply ni Quen.

“Celebrate?” reply ni Tine.

“Kasi lumabas na ang first music video na nilabasan mo.” Reply ni Quen, natawa si Tine.

“No need, para iyon lang eh.” Reply ni Tine, kaso mapilit itong si Quen kaya naman pumayag na siya.

Lingid sa kaalaman ni Tine, malapit lang pala sa tinitirahan niyang condo si Quen nakatira, a few buildings away lang sa kanila. Nakipagkita ito malapit sa favorite mall ni Tine, pagkadating niya sa café kung saan sila magkikita, di nagtagal dumating din si Quen doon. Pagkadating ni Quen sa café, agad itong umupo sa tabi ni Tine, sa pang-apatan na upuan kasi siya pwumesto. Napatingin si Tine kay Quen, na parang bang nagtataka bakit ito tumabi sa kanya gayong pwede naman ito umupo dun sa kabila, para magkaharap sila.

“What?” tanong ni Quen, habang parang taking-taka sa itsura ng mukha ni Tine.

“Nothing … So what do you want?” tanong ni Tine, nagtaka si Quen sa tanong niya.

“Coffee, tea or …” sabi ni Tine, habang may mga hand gestures, medyo nasamid siya kaya naman nailagay niya ang kanyang kanang kamay banda sa kanyang itaas ng dibdib.

Natawa si Quen, dahal parang “Coffee, tea or me…” ang dating, sabay biglang nagsalita ulit si Tine.

“Or latte?” sabi ni Tine, sabay tawag sa waiter.

Pagkatapos noon, umorder na sila at habang inaantay ang order nila nagkwentuhan ang dalawa. Habang nag-uusap ang dalawa unti-unti silang nagkakakilala ng husto at ng magtagal pa napag-usapan na nila ang kanilang mga rason kung bakit ba nila pinili na pumasok sa ganoong trabaho. Si Quen bilang isang artista/model at si Tine naman ay bilang isang music video model.

“Gusto ko kasi talaga mag-artista, siguro I was born to be an artist talaga.” Sabi ni Quen.

“Ako …”

Sasabihin na sana ni Tine ang tunay na dahilan kung bakit niya pinili maging model, pero naisip niya na kapag sinabi niya na gusto niyang makaTrabaho si JP, baka kung anong isipin ni Quen sa kanya kaya naman hindi niya sinabi ang tunay na dahilan.

“Ano?” tanong ni Quen, na nag-aabang sa sasabihin ni Tine.

“Gusto ko lang maExperience ang ganitong klaseng trabaho…” sabi ni Tine, sabay ngiti.

Dahil sa usapan nilang iyon, parang mas nakilala pa nila lalo ang isa’t isa. Pakiramadam ni Quen, masayang kasama si Tine, para kasing magkakasundo silang dalawa

---------------------------

Follow the creator of the story on twitter: http://www.twitter.com/kriz_23

Blog: http://www.yuppielionheart.tumblr.com

Like on facebook: http://www.facebook.com/YuppieLionheart

Follow on facebook:

http://www.facebook.com/bhiemhine23

Star CollisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon