Chapter 11: Follow Me

43 0 0
                                    

Patapos na ang semester, at nalaman ni Tine na mag-aaral na ulit si JP next semester. Inalam niya agad kung saan ito mag-aaral. Paano kasi balak niya na lumipat sa school kung saan papasok si JP para maging schoolmates na sila at kung pwede maging classmates pa.

“Ouch… Dun siya mag-aaral sa sikat na engineering school …” malungkot na sabi ni Tine.

“Oh, edi dun ka mag-aral next sem…” sabi ni Alyssa.

“Hmpf… Hindi ako pwede dun nuh…” sabi ni Tine, sa malungkot na tono.

“Bakit naman hindi? Kung pera lang naman ang usapan..

May pera ka naman at kayang kaya mo bayaran ang tuition dun…

Ay mali, kayang kaya pala bayaran ng parents mo ang tuition dun…”  sabi ni Alyssa, sabay tawa.

“Wow ha… Alam mo naman yung utak ko diba?

Hindi naman kasi ako kasing talino ng kapatid ko na kaya mag-aral dun…

Baka nga entrance exam pa lang bumagsak na ako eh…

Saka ano kukunin kong course, engineering din?

Baka abutan ako ng sampung taon di pa din ako graduate nuh…” pabirong sabi ni Tine, natawa si Alyssa ng malakas.

“Edi, mag-aral ka na lang dun sa kalapit na school nun, para problem solve.” Sabi ni Alyssa.

“Eh, di hindi ko siya magiging schoolmate, yun nga ang plano eh…” sabi ni Tine.

“Eh, wala … hindi ka pwede sa school niya kaya mag school neighbors na lang kayo…” sabi ni Alyssa, sabay ngisi.

Naisip ni Tine na tama si Alyssa, kung hindi pwede na maging mag schoolmates sila, eh di maging mag school neighbors na lang sila. Baka sakali makita pa niya si JP kapag break time niya, lalabas lang siya ng campus at magpapakalat-kalat sa labasan ng school nina JP.

Malapit na ang pasukan at pumunta si Tine sa kanayang current school para ayusin ang kanyang transfer credentials. Naglalakad siya sa gilid ng sidewalk ng biglang may pumaradang sasakyan sa harap niya, pagtingin niya bumaba si Cess sa isang magarang sasakyan at nakita niya na isang lalakeng naka shades ang nagmamaneho nito, pagkasara ng pinto ng sasakyan agad ding umalis ang sasakyan.

“Cess! Sosyal ka na ngayon ah…” paasar na sabi ni Tine.

“Social agad? Hinatid lang ako nun…” sabi ni Cess, sabay ngisi.

“So who is that guy? Boyfriend mo?” tanong ni Tine.

“OO, hahahah” sabi ni Cess habang kinikilig.

Napansin ni Cess, na hindi na mukhaan ni Tine kung sino ang lalakeng naghatid sa kanya, kaya naman hinayaan na niya ito at hindi na sinabi kung sino ang boyfriend niya.

Habang nanunuod ng balita si Tine, bigla niyang nakita dun sa news headline ang tungkol sa bagong girlfriend ni Arjay, kaya naman inabangan niya ito sa Star News.

“Napapabalitang may bagong girlfriend ang isang lalake na mula

sa showbiz royalty. Namataan ito na naghatid ng isang babae sa isang university

at agad ding umalis. Ayon sa aming sources, fan lang daw ito ng binata dati bago naging girlfriend.

Sino kaya ang maswerteng babae na nakabihag ng damdamin ng gwapong binata?” sabi ng reporter.

Napaisip bigla si Tine, na hindi kaya si Cess ang babaeng tinutukoy. Kaya naman tinawagan niya agad ito at kinumpirma kung totoo nga hinala niya.

“Yes, ako nga….” Sabi ni Cess, natuwa si Tine at para bang kinilig.

“Talaga? Paano? Kelan?

Grabe, dream come true yan sa iyo…

Biruin mo dati fan ka lang tapos ngayon ikaw na ang babaeng mahal niya…” sabi ni Tine habang kinikilig.

“Oo nga eh… Di din ako makapaniwala…

Parang nanaginip lang ako..

Kung panaginip ito, ayaw ko na magising pa…” sabi ni Cess.

Kwenento ni Cess kung paano, kelan at ano ang mga nangyari bago naging sila ni Arjay. Kilig na kilig naman si Tine habang pinapakinggan ang kwento ni Cess, wishing na sana maging sila din ni JP someday.

------------------------------

Follow the creator of the story on twitter: http://www.twitter.com/kriz_23

Blog: http://www.yuppielionheart.tumblr.com

Like on facebook: http://www.facebook.com/YuppieLionheart

Follow on facebook:

http://www.facebook.com/bhiemhine23

Star CollisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon