Chapter 14: Hi!

81 0 0
  • Dedicated kay Mica Ysabel San Felipe
                                    

Umpisa na ng bagong semester para sa mga college students tulad ni Tine. At dahil sa bagong lipat lang siya sa kanyang bagong school, kung saan katapat lang ng school nila JP, siya ay medyo naninibago pa doon. Unang araw ng klase ni Tine noong araw na iyon, at pagkarating niya sa school agad siyang pumunta sa kanyang classroom. Medyo madami ng tao sa room noon, at hindi nagtagal nagsimula na ang klase nila.

Bago matapos ang klase merong sinabi ang kanilang professor na hindi narinig ni Tine, mahina kasi ang boses nito, nahihiya siya magtanong sa prof nila kaya naman tinanong niya ang babaeng nakaupo lang sa unahan niya.

“Ate, ano daw?” sabi ni Tine.

Lumingon ang babae sa kanya, at tiningnan siya pagkatapos inirapan siya nito at tumingin na ulit sa harapan. Buti na lang approachable ang katabing babae ng nang-irap sa kanya, at ito ang sumagot sa katanungan niya. Naisip ni Tine na ayaw siya kausapin nito, kaya naman siya nito inirapan. Pakiramdam niya suplada ang babaeng yun kaya ganoon na lamang maka-irap nung magtanong siya.

Pagkatapos ng klaseng yun, agad siyang dumiretso sa susunod niyang klase. Umupo siya sa isang sulok at doon naglaro sa kanyang cellphone, makalipas ang ilang segundo nagdatingan na ang iba pa niyang classmates sa klaseng iyon. Ang gugulo ng mga kaklase niya doon, maiingay at napansin niya na may isang babae na tahimik lang din na nasa likod at napatingin sa kanya, maya-maya pa ay lumipat ito at tumabi sa kanya.

“Others ako dun…” sabi ng babae, tumingin lamang si Tine at medyo ngumisi.

Buong pag-aakala ni Tine ay mga kaBlockmates yun ng babae pero nalaman niyang hindi pala nito kaBlockmates ang mga iyon, isa ding irregular student ang babaeng tumabi sa kanya, si Telay.

Lumipas ang ilang araw, at madalas nag-iisa si Tine sa bago niyang school dahil wala pa siyang mesyadong kakilala. Hanggang isang araw, ay nagkaroon ng groupings sa isa nilang subject at naging kagrupo niya ang babaeng nang-irap sa kanya. Nung lunch break na, sinama ng babaeng iyon si Tine kung saan sila nakain ng mga kaibigan nito. At syempre sumama naman si Tine, kahit hindi pa niya alam ang pangalan ng babaeng iyon. Nalaman lang niya ang pangalan ng babae ng banggitin ng kaibigan nito ang pangalan ng babae, si Mikay pala ang babaeng nang-irap kay Tine sa kanyang unang araw sa eskwelahan. Pagdating ng kanilang susunod na klase, magkaiba na ang room nina Tine at Mikay kaya naman nagpunta na sila sa kani-kanilang mga klase. Nakaupo na naman si Tine sa isang sulok ng room, at ng dumating si Telay agad itong tumabi sa kanya, nagulat si Tine dahil magkaklase din pala sila doon sa subject na iyon at makalipas ang dalawang oras dumating si Mikay. Nagulat si Tine dahil magkakilala pala si Telay at Mikay, at matagal ng magkaklase ang dalawa kaya naman close na close na ang dalawa.

Makalipas ang ilang buwan, unti-unti na naging close ang tatlo. Madalas ng magkakasama sina Telay, Mikay at Tine. At sa madalas nilang pagsasama, madalas silang naTambay sa canteen nila. Nagtataka si Tine, kung bakit ba ang hilig tumambay ng dalawa doon, kaya naman kwenento na ng dalawa ang tunay na dahilan kung bakit nila hilig tumambay doon.

Madalas sa canteen nakain ang mga basketball players ng school nila, at dahil sa may crush na players sila Telay at Mikay natambay sila sa canteen para makaSilay sa mga ito. Nung una, wala talagang gusto sina Mikay at Telay sa mga players na iyon ngunit mula ng mangyari ang isang pangyayari sa IT area ng school nila ay nagsimula na magkagusto ang dalawa sa dalawang players na iyon, sina Paulo at David.

“Ano ba ang nangyari?” tanong ni Tine, ngumiti si Telay at parang kinilig.

(flashback)

Nagpunta sina Telay at Mikay sa IT area ng school nila para ipa-validate ang school I.D’s nila. Pagkatapos nilang ipa-validate ang kanilang I.D bababa na sana sila para kumain ng mapansin ni Mikay na parang may nakatingin sa kanila, kaya naman tumingin siya banda kung saan niya naramdaman na may nakatingin sa kanila. Pagkatingin ni Mikay nakita niyang nakatingin sina Paulo at David, siniko niya si Telay at napatingin ito sa direksyon kung nasaan sina Paulo at David. Nagkatinginan si Paulo at Telay, gayun din si David at Mikay, pagkatapos noon agad silang umalis. Medyo nagtaka sila, kung bakit ba nakatingin ang dalawa sa kanila, wala naman silang dumi sa mukha, sa damit at kung saan pang parte na pwede maging dahilan ng pagtingin ng dalawa sa kanila.

“Mula nung araw na iyon, parati na namin nakikita ni Mikay sina Paulo at David sa canteen,

hanggang sa nung nagtagal, kami na mismo ang natambay dito para makita sila…” sabi ni Telay.

Ilang buwan na ang lumilipas pero hindi pa din nakikita ni Tine si JP sa school kung saan nag-aaral ito. Madalas na nga siyang nalabas ng campus nila sa pagbabakasakaling makita niya si JP sa labasan ng school nila, dahil katapat lang naman nito ang school nila JP pero talagang hindi siya nagkakaroon ng pagkakataon na makita siya.

Isang araw, nag-online si Tine para magCheck kung ano ang latest kay JP. Nalaman niya na nag-aaral na pala ito, at dun nga ito nag-aaral sa sikat na engineering school. Magkakaroon ng maliit na event para sa thanks giving party ng teleserye kung saan kasali si JP, dahil sa patuloy nitong pagiging successful. Inisip ni Tine kung sasama ba siya, dahil niyaya siya ni Chah na sumama dito, kaya pinag-isipan niyang mabuti kung sasama siya o hindi. Habang busy si Tine sa pagSurf sa net, biglang nagChat sa kanya sa facebook si Jared, ang kaklase ni Tine sa dati niyang school na varsity at rumored boyfriend niya.

“Tine! J” sabi ni Jared sa chat, at nagReply si Tine.

Kinukumusta siya ni Jared at gusto nito na manuod siya sa unang game niya, dahil this season ay kasama na siya sa line up ng school nila. At dahil nangako si Tine sa kanya dati na panonoorin niya ang game nito, pumayag siya. Sa araw ng game, isinama niya sina Telay at Mikay manood ng game nina Jared.

Bago mag-start ang game pinuntahan muna ni Jared si Tine, at nakita sila ng mga dati nilang classmates at tinukso sila nito, nagtaka sina Telay at Mikay kaya hindi nito napigilang magtanong kung ‘SILA BA’ ni Jared.

“Hindi kami, chismis lang yun. Close lang talaga kami.

Yun lang yun, wala ng iba…” sabi ni Tine, sabay ngiti.

After ng game, pinuntahan nina Tine si Jared sa locker area para i-congratulate dahil nanalo sila sa game. Pagkadating nila doon sa locker area, nakita nina Telay at Mikay sina Paulo at David na kausap si Jared, na kaibigan ni Tine.

“Magkakilala sila?” tanong ni Telay, napatingin si Mikay at dilat na dilat ito.

Maski si Tine, hindi din alam ang sagot sa katanungan na iyon. Kaya naman lumapit na sila kay Jared, pagkakita sa kanila ni Jared agad itong ngumiti at binati sila. Pagkatapos noon, ay ipinakilala sila ni Jared kina Paulo at David. Magkakatabi sina Tine, Telay at Mikay at kaharap nila si Jared, Paulo at David noong ipanakilala sila sa isa’t isa.

“Guys, si Paulo at David nga pala …” sabi ni Jared, ngumiti ang tatlong dilag sa dalawa.

“Paulo, David, this is Tine my friend and….” di matuloy ni Jared ang pagpapakilala dahil di niya alam ang pangalan nina Telay at Mikay.

“Telay and Mikay” sabi ni Tine, nginitian sila nina Paulo at David.

“Hi!” sabi bigla ni David habang nakatingin kay Mikay.

Nagulat si Mikay sa pangyayari, at para bang hindi ito makapaniwala na nag Hi sa kanya si David. Pakiramdam niya ay si David at siya lang ang nandoon sa lugar na iyon, dahan dahan niyang tinakpan ang kanyang bibig at ngumiti na parang kinikilig na di mo malaman.

Natatawa na lamang sina Tine at Telay sa reaction ni Mikay. Kinikilig din si Telay pero nagawa naman niyang pigilan ang sarili niya, at hindi pinahalata na kinikilig siya hindi tulad ni Mikay na tipong pang Teleserye ang reaction sa nangyari.

“Mikay, right?” sabi ni David, at nakatakip pa din sa bibig ni Mikay ang kanyang kamay, at tumango lamang ito.

Hindi pa din makapag salita si Mikay, at ni hindi nga makakilos, hindi niya kasi inaasahan ang nagyari. Sino ba namang mag-aakala na sa araw na iyon, ang taong matagal na niyang inaasam asam lang makilala ay makikilala na niya sa wakas.

----

Follow the creator of the story on twitter: http://www.twitter.com/kriz_23

Blog: http://www.yuppielionheart.tumblr.com

Like on facebook: http://www.facebook.com/YuppieLionheart

Follow on facebook:

http://www.facebook.com/bhiemhine23

Star CollisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon