Chapter 12: Love Team

210 1 0
                                    

Unti-unti ng nasikat si JP, at dahil yun syempre sa tamabalan nila ni Jea. Si Jea ang kaLove team ni JP sa teleserye kung saan isa siya sa mga main characters. Kilig na kilig ang mga nanunuod kapag sila na ang magkaEksena, at halos lahat ng fans ay ninanais na sana maging sila na lang sa tunay na buhay.

“JP, Jea… You’re doing great on your acting…

Keep it up…” sabi ng Director.

Nasa taping noon sina JP at Jea at break time nila. Lumapit si Jea kay JP at tinulak ito sabay tumawa ng mahinhin.

“Jea, ano na naman ba ang trip mo?” tanong ni JP, habang hindi maipinta ang mukha.

“Ito naman, naglalambing lang ang kaLove team mo sayo…” sabi ni Jea, sabay ngisi.

“Wala ako sa mood Jea… Pagod ako… Dun ka nga…” sabi ni JP, sabay punta sa tent niya.

Medyo nalungkot si Jea, kasi kung anong closeness nila On-screen, siya namang layo ng loob ni JP sa kanya off-screen. Nakita ni Marlow, bestfriend ni Jea at isa din sa co-actors nila, na medyo malungkot si Jea kaya naman linapitan niya ito. Nakatalikod si Jea noon, kaya naman pagkalapit niya dito bigla niyang tinakpan ang mga mata nito sabay hinalikan sa pisngi.

“Marlow!” sabi ni Jea, alam na agad niya na si Marlow yun, kasi mula pagkabata nila, hindi pa sila artista ay gawain na niya yun tuwing nakikita siya nitong nakatalikod.

“Bakit ang lungkot ng itsura mo? Di ka na naman pinansin niyang kaLove team mo?” tanong ni Marlow, at tumango si Jea.

“Asus, hayaan mo na kasi yun…

Nandito naman ako eh, ako na lang ang pansinin mo…

Asahan mo hinding hindi ka mapapahiya sakin

kasi lagi akong nandito para makipagkulitan sayo…” sabi ni Marlow, sabay ngisi at akbay kay Jea.

“Kasi naman eh, ilang buwan na kami magkasama

pero bakit hanggang ngayon parang ang layo ng loob niya sakin…

Gusto ko lang naman mapalapit sa kanya…” sabi ni Jea, sabay hilig ng ulo sa balikat ni Marlow.

Unang beses pa lang kasi makita ni Jea si JP, noong pinakilala ang cast ng teleserye, naging crush na niya ang binata. Gwapo, matangkad, medyo chinito ang dating kaya naman tinamaan si Jea sa binata, ganoon kasi madalas ang tipo niya maging crush.

Isang araw, dumalaw si Jea sa condo unit ni JP para magbigay ng kanyang nilutong ulam. Talaga namang todo effort ito si Jea na mapalapit sa binata, pero parang kahit ano atang gawin ni Jea, hindi niya magawang kuhanin ang loob nito.

Nag-door bell si Jea, at maya-maya lang ay nagbukas na ang pinto at may lumabas na babae. Pagkakita nito kay Jea agad itong nanakbo papunta ng elevator. Narinig ni Jea na nagwawala sa loob ng unit si JP, kaya dali dali siyang pumasok. Nakita niya na gulo-gulo ang mga gamit ni JP at mangiyak ngiyak ang binata habang nasa sulok ng dingding sa tabi ng lampshade.

“JP? What happened? Are you okay?” nag-aalalang tanong ni Jea, sabay himas sa ulo ni JP.

“Do I look okay? Go away!” sabi ni JP, habang nakatingin ng masama kay Jea.

Nagulat si Jea sa sinabi niya, at medyo napaatras ng kaunti. Pero naisip niya na hindi niya dapat iwan si JP sa ganoong kalagayan. Kaya naman sinubukan niya itong pakalmahin, ngunit lalo lamang nagwala si JP.

“Pwede ba? Tigilan mo na ako…

I don’t like you… Love team lang tayo,

pero hindi talaga tayo! Kaya stop acting like my girlfriend…” sabi ni JP ng pasinghal.

Medyo nasaktan si Jea sa sinabi ni JP, kasi nag-aalala lang naman siya sa kanya. May gusto nga siya kay JP kaya niya ginagawa yun pero at the same time, concern din siya sa kanya.

“JP, alam ko naman kung ano ang posisyon ko sa buhay mo eh…

On-screen tayo, off-screen hindi tayo magka-ano ano…

Pero sana naman wag mo masamain ang pagiging concern ko sayo…

Yung babae kanina, siya ba ang girlfriend mo?

Ano ba ang nangyari? Hindi sa pagiging chismosa ah…

Pero makakatulong kung may mapaglalabasan ka ng sama ng loob mo…

Handa akong makinig sayo…” sabi ni Jea. Tiningnan siya ni JP ng masama, sabay tumayo at umupo sa may sofa.

“Sorry, sa mga sinabi ko…

Oo siya ang girlfriend ko. Ang taong mahal ko,

minahal ko, pero linoko ako.” Sabi ni JP, sabay hawak sa picture frame kung saan nakalagay ang picture nilang dalawa ng girlfriend niya.

“Minahal??” patanong na sabi ni Jea, sabay upo sa tabi ni JP.

“Oo, past tense na eh…

Niloko niya ako… All this time, akala ko ako lang ang mahal niya.

Yun pala madami kaming mahal niya.

Ako yung kasama niya pero iba yung nasa isip niya.

Kasama niya ako pero may kaText siyang iba.

At higit sa lahat, ako ang boyfriend niya,

Pero iba ang mahal niya…

Ang pinakamasakit doon, pinagpalit niya ako

sa bestfriend ko…” sabi ni JP, sabay punas ng patulo na niyang luha.

“I’m so sorry to hear that, now I understand kung bakit

tinutulak mo ako palayo. Di ko naman alam na may girlfriend ka na…

Nahihiya ako, baka kasi ako pa ang naging dahilan kung bakit kayo nagkaganyan

dahil nagseselos siya sa love team natin.” Sabi ni Jea.

“Nung una, yun ang ginagawa niyang dahilan.

Nagseselos siya kasi daw baka daw magkaigi tayo at iwan ko siya.

Pero sa huli, nalaman ko na ang totoo. Ginagago niya ako.

Sorry ha, ikaw napagbubuntunan ko ng galit ko sa kanya tuwing nalapit ka sakin.” Sabi ni JP.

Inakap siya ni Jea, sabay sinabi “Wala yun, alam mo naman na basta ikaw. Maiintindihan ko eh..”

Mula noon naging malapit na sina JP at Jea sa isa’t isa. Mas naging close sila, pati off-cam nandoon na ang sweetness nila.

------------

Follow the creator of the story on twitter: http://www.twitter.com/kriz_23

Blog: http://www.yuppielionheart.tumblr.com

Like on facebook: http://www.facebook.com/YuppieLionheart

Follow on facebook:

http://www.facebook.com/bhiemhine23

Star CollisionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon