Isang linggo na ang lumipas mula ng magTweet si Tine sa teenage actor na si JP. Pagkabukas niya ng kanyang twitter account, agad niyang tiningnan ang kanyang interactions at nagulat siya sa bagong tweet na nakita niya ….
“Hello ^_^” ang tweet back ni JP sa kanya.
Natuwa naman si Tine dahil nagReply sa kanya ang binata, pagkakita niya ng time and date of reply sa kanya, nalaman niya na kinabukasan lang pala mula ng gabi na nagTweet siya saka ito nagReply. Naisip niya na magTweet ulit sa binata, at nagulat siya ilang segundo lang ang lumipas, may tweet back na naman sa kanya. Nagkasunod-sunod ang palitan ng kanilang tweet, lahat ng tinatanong ni Tine kay JP ay galling sa kaibigan niya na kaText niya ng gabing iyong.
“Ang swerte mo naman, sana din kasi kapag nagTweet ako dun sa MVP ng basketball team na hinahangaan ko ay magTweet back din sakin.” sabi ng kaibigan ni Tine na si Alyssa.
“Try mo kaya, diba?” sabi ni Tine sa kanyang reply sa text ni Alyssa.
Malapit na mag-madaling araw at magkaTweet pa din si Tine at JP, kundi pa nga inantok si Tine ay non-stop na ang palitan nila ng tweet. Naisip niya swerte lang talaga siguro siya kasi di pa naman ganoon kakilala si JP, kakaunti pa lang ang followers niya ni hindi pa nga umaabot ng libo ang followers nito kaya naman siguro napapansin pa ang mga tweets niya sa binata.
Lumipas ang mga araw, lingo at buwan parang naging normal na lang ang palitan ng tweets nina JP at Tine. Hindi lilipas ang isang lingo na hindi sila magpapalitan ng tweets sa isa’t isa. Hanggang isang araw nagTweet si JP tungkol sa isang group sa facebook. Agad itong tiningnan ni Tine at sumali dito, sabi kasi ni JP kung gusto siya mas maka-interact ay sumali dun sa group na yun kaya sumali siya. Di pa lumipas ang isang minuto may nag-accept na agad sa kanya sa group. Doon sa group na iyon, medyo nag-aalangan pa siya na makipag-interact sa mga miyembro ng group na iyon. Kasi total strangers talaga sila, at hindi ugali ni Tine na makipagusap o makipag-interact man lang sa mga di niya lubusang kilala. Minsan nga maski sa mga kakilala niya di siya basta-basta nakikipag-usap. Medyo mailap kasi si Tine sa mga tao, mas gusto niya yung mag-isa lang siya, kasi nasanay na din siya na mag-isa sa buhay.
Nakilala ni Tine sa grupong iyon ang kapitbahay ni JP, medyo naging close sila sa isa’t isa at di nagtagal niyaya na siya nito sa mga lakad nila ng mga kapatid ni JP. Hanggang isang araw, niyaya siya nito sa isang event na pupuntahan nila kasama si JP. Medyo nagdadalawang isip si Tine kung sasama ba siya o hindi, kasi nasa 20 katao daw sila pupunta sa event na iyon. Kung magkaktaon, iyon ang unang beses na makikita niya si JP ng personal, tinanong ni Tine kung para saan ba talaga ang event na iyon, at napagalaman niyang ang event na iyon ay para sa mga taga suporta ni JP.
“So ano iyon? Parang meet and greet?” tanong ni Tine.
“Oo, parang ganun na nga, pero don’t worry. You don’t have to pay for anything naman kasi saogt na tayo ni JP, bali sasabay lang tayo dun sa event na iyon kasi alam mo na, busy na yung mokong na iyon eh … Dun lang naman tayo sa isang separate table, tapos he’ll come to us na lang after ng event” sagot ng kapitbahay ni JP na si Chah
“ah, okay yun ah…” sabi ni Tine.
Sa totoo lang, medyo kinakabahan si Tine sa pupuntahan niyang event. Kasi di naman siya sanay sa mga ganoong klase ng mga pagtitipon. At dahil doon, naghanap siya ng mga posibleng isama sa araw na iyon, dahil ayaw naman niya na siya lang mag-isa ang pupunta doon sa event place. Kahit kasi nagkakasama na sila ni Chah dati, pakiramdam niya di pa rin talaga siya comfortable na siya lang kasama sa event na iyon.
“Ui, sama ka sa akin this coming Sunday …” sabi ni Tine
“Saan naman? At ano meron?” tanong na kaibigan niya.
“Somewhere in Makati, may event with JP. Sama ka na, I’ll bring my car naman eh. We don’t have to commute.” Sabi ni Tine.
“Is it a fans club event? You know what medyo busy kasi ako. I have a lot of things to do. Sorry, but I can’t.” sabi ng kaibigan niya.
“Okay. It’s not a fans club event okay. It’s a meet and greet thing. Pero he’ll just meet us after the event na eh. Bale wala tayo dun mismo sa event. Sure ka na busy ka? O busy-busy-han lang?” Tanong ni Tine.
Natawa na lamang ang kanyang kaibigan, sabay sabi “Okay fine, whatever you call it! What happened to you? Ba’t ba gustong gusto mo pumunta diyan at dinadamay pa ako? Dati naman wala kang kahilig hilig sa celebrities eh. Last time nga nung nasa Disney tayo, Hollywood actor pa yung nandun, ni hindi ka man lang nag-abala lumapit. Pero diyan sa JP na yan, humaling na humaling ka.”
Napangiti nang kaunti si Tine, sabay sabi “People change, JP changed me. Yes, wala akong hilig sa celebrities, ilang celebrities na ang nakakasabay ko sa restaurants pero parang wala lang sa akin. Pero kay JP, iba eh. Basta iba siya, gusto ko talaga siya makita. Bukod sa kahawig niya yung Thai superstar eh ang bait pa niya sa akin, madalas siya nagReReply sa tweets ko at medyo pero hindi talaga, parang close na kami. Kulang na lang eh yung mag meet kami in person.”
Tinawanan lang si Tine ng kaibigan niya, sabay sabi “Now I know, kaya pala humaling na humaling ka diyan ah, sabi na eh. May dahilan talaga kung bakit ka nagkakaganyan sa JP na yan eh. Di lang talaga ako makapaniwala sayo na nagkakaganyan ka. The chic and sophisticated Tine ay nagpapakabaliw sa isang JP. Pero yung totoo? Yun lang ba talaga? O yan ang way mo para makaMove on ka dun sa ex mo?”
Natahimik si Tine, at naisip niya na siguro nga isa yun sa mga paraan niya para makalimutan niya ang dati niyang minahal. Ang ibaling ang attensyon siya iba para naman maibsan ang sakit na nararamdaman niya sa mga nangyari.
----------------------
Follow the creator of the story on
twitter: http://www.twitter.com/kriz_23
Blog:
http://www.yuppielionheart.tumblr.com
Like on facebook:
http://www.facebook.com/YuppieLionheart
BINABASA MO ANG
Star Collision
FanfictionAng kwentong ito ay tungkol sa isang babae na walang kahilig-hilig sa mga celebrities, ngunit magbabago ang lahat sa oras na dumating sa buhay niya ang isang tao na magpapabago ng ikot ng mundo niya. Alamin kung ano ang kayang gawin ng isang tagahan...