Halos magkakalahating taon na din hindi nakikita at nakakaTweet ni Tine si JP, dahil sa sobrang busy niya sa school niya nawalan na siya ng time para magOnline at magCheck ng current news about kay JP. Isang araw, naisipan ni Tine magbukas ng kanyang twitter account dahil matagal na niya itong hindi nabubuksan. Pagkabukas niya dito may nakita siyang reply sa tweet niya about dun sa isang online story na binabasa niya. Nagreply sa kanya ang isang babae, at inaalok siya nitong mag-audition para sa music video ng online story na iyon. Naisip ni Tine na magandang pagkakataon iyon, dahil kung sakaling pumasa siya doon, maari yun ang magbukas ng iba pang opportunity sa kanya na maaring maglapit sa mundo nila ni JP. Umaasa si Tine na baka makaTrabaho niya si JP kung magkataon, kaya naman hindi na siya nagdalawang isip pa at nag audition para music video.
Nang pumunta si Tine sa audition, napaka simple lang ng kasuotan niya. Madami ang nag-audition ng araw na iyon at habang inaantay niya ang kanyang pagkakataon, may nakita siya sa hallway ng talent agency. Si Quen, ang lalakeng nakita niya sa dati niyang school na lingon ng lingon sa kanya, ang nakita niya, napaisip siya kung bakit nandun si Quen sa agency. Di nagtagal tinawag na si Tine para sa kanyang audition, matapos siya mag-audition sinabihan siya na tatawagan na lamang siya. Medyo kinabahan si Tine, umaasa siya na sana matanggap siya kahit ekstra lamang sa music video.
Ilang araw ang lumipas at tumawag na sa kanya ang talent agency, at natanggap siya para sa music video. Siya ang napiling maging katambal ng bibida sa music video na lalake, na excite si Tine sa nalaman niya, gustong gusto niya na malaman kung sino ang makakatambal niya. Pagkapunta niya sa agency para sa orientation nila, nagulat siya dahil nandoon si Quen. At mas lalo siyang nagulat ng malaman niyang si Quen ang makakatambal niya. Pakiramdam niya ang swerte swerte niya dahil baguhan lang siya, at hindi inaasahang matatanggap siya sa audition, pagkatapos si Quen pa ang magiging katambal niya. Dating crush ni Tine si Quen, kaya naman para sa kanya ay napakalaking bagay nito, kaya naman walang pagsidlan ang galak na nararamdaman ni Tine sa mga nangyayari sa kanya.
Pinakilala na sa isa’t isa si Quen at Tine, nang kamayan ni Quen si Tine ang tagal niya bago iabot ang kamay niya kaya medyo natawa si Quen.
“Sorry… Di lang talaga ako makapaniwala eh.” Sabi ni Tine, ngumiti si Quen at umupo sa upuan.
“Don’t say sorry, okay lang, I can understand your feelings right now.” Sabi ni Quen, sabay ngiti.
Pagkatapos silang i-orient sa mga gagawin nila, binigyan sila ng oras ni Quen para magkakilala pa para naman hindi sila magkailangan pag ginagawa na ang music video. Nag-usap silang dalawa, nagpakilala pa lalo sa isa’t isa at nung magtagal hindi sinasadyang mabanggit ni Tine ang tungkol sa una nilang pagkikita sa kaniyang dating school, pagkasabi nun ni Tine nagulat si Quen.
“Ikaw yun?” tanong ni Quen, habang gulat na gulat ang reaksyon. Tumango si Tine, sabay ngisi.
“Alam mo ba?
Matagal ng palaisipan sakin ang babeng yun.
Kasi nakatayo siya sa gitna ng ulan habang pinapanuod ang shoot namin.
Ni hindi man lang siya lumapit samin, talagang nakatingin lang.
Kaya nagtataka ako sa kanya…
Ano bang trip mo nun?” sabi ni Quen, sabay tawa.
“Talaga iniisip mo ko?
Gusto ko sana lumapit at magpaPicture sayo
kaso sa kasamaang palad, wala akong dalang camera.” Sabi ni Tine, natawa si Quen sa sinabi niyang iniisip siya.
“Ikaw talaga, picture ba?
Tara picture tayo ngayon.” Sabi ni Quen, sabay lipat sa tabi ng upuan ni Tine at akbay sabay kuha din ng phone ni Tine at kinunan niya sila ng picture gamit ang front cam ng cellphone ni Tine.
Medyo nagulat si Tine sa ginawa ni Quen, hindi niya inaasahan iyon. Hindi niya alam kung kikiligin ba siya o ano eh. Kahit saglit pa lang sila nagkakakilala kung mag-usap silang dalawa akala mo matagal na silang magkakilala, agad namang nagkapalagayan ng loob ang dalawa.
Minsan talaga, may mga pangyayari sa buhay mo na hindi mo inaasahan. Biglaan siya pero yung biglaan na iyon, minsan yun pa yung magiging pinakamagandang alaala mo na babaunin mula sa taong iyon. Sabi nga nila “Unexpected moments are the best memories that you can treasure in your life.”
----------------
Follow the creator of the story on twitter: http://www.twitter.com/kriz_23
Blog: http://www.yuppielionheart.tumblr.com
Like on facebook: http://www.facebook.com/YuppieLionheart
Follow on facebook:
http://www.facebook.com/bhiemhine23
BINABASA MO ANG
Star Collision
FanficAng kwentong ito ay tungkol sa isang babae na walang kahilig-hilig sa mga celebrities, ngunit magbabago ang lahat sa oras na dumating sa buhay niya ang isang tao na magpapabago ng ikot ng mundo niya. Alamin kung ano ang kayang gawin ng isang tagahan...