Chapter 24

14.4K 127 11
                                    

It was a fresh Instagram post. 'Di 'ko masabing noon pa yun, nung sila pa. Magkasama talaga sina Trite at Micah ngayon.

So habang nabubwisit pala ako dito kay Sach, happy si Trite with Micah na 'nakasalubong' nya sa Wisconsin. Ang fun!

Stalker mode 'tong babaeng 'to. May pera pa para iabala ang sarili nyang maka-salubong ang boyfriend ng may boyfriend sa America. They have broken up! Bakit pa sya nagpapapansin kay Trite? Bakit ba ang kukulit ng ibang mga babae?!

What's this Trite? Ano 'to? At ba't 'di ka nagsasabi?

At akala ko ba may sakit ang lola mo. Ano yan? Ba't nakuha mo pang ngumiti? Ugh! Nakakainis!

I don't need this right now. I need zen, para matapos ko ang trabaho ko. Kailangan kong kumita.

'Di ko ipinakita ang natural na reaksyon ko na alam kong reaksyon na gustong makita ni Sach from me dahil sa picture na yun nina Micah at Trite.

Tinitingnan ni Sach ang ginagawa ko. "O, nagkamali ka na. 'Di ka na focused. Affected ka 'no?" pang-aasar ni Sach sa'kin. Tinuro nya pa ang maling na-copy paste ko sa MS Excel.

"Go to hell," I grunted.

"Oh, I've got a place in there already. Reserved na," sabi nya. "No, that's not right. I'm actually in hell," he said meaningfully.

Nagda-drama 'tong si Sach, ano ba 'to? "Ako ang nasa hell ngayon Sach, hindi ikaw." Lalo na't kasama kita.

"You don't know me. You don't know what's going on with me," he muttered. "You don't know my issues."

Was that meant to get my pity vote? Baliw ba sya? Ako pang pinagbagsakan ng langit at lupa ang pagpapaawaan nya? "Boohoo! Kawawa ka naman! Dahil ano, an dami mong pera, ang yaman nyo? Dahil hindi mo mahanap yung fvck buddy mo? Ano? Ano pang mga kahirapan mo sa buhay Sach?"

He got quiet. He retreated. Uminom sya ulit.

Bakit pa kasi andito sya?! Ba't 'di na lang sya uminom sa ibang lugar. Ba't dito pa?! Ba't 'di nya na lang hayaan na mag-isa 'ko! "Hindi ko alam kung bakit ka nandito," I calmly said. "Para ba bwisitin ako Sach? Hindi ko na kaya eh. Ang dami kong problema!" Naiyak na 'ko. Napuno na 'ko sa kanya. I broke down.

Wala na 'kong pakialam kung ikalat nya man ang video namin. I just want my father to live. I just want my family back. I need to work to make that happen!

It was sad that at the back of my mind, I kind of wanted him to hug me. Ganun ako kalungkot na kahit sino, kahit sya, gusto kong dumalo sa lungkot ko. God knew how much I needed a hug. My whole world fell apart and I'm getting the pieces back together but it's taking a long damn time. Ang hirap. Ang hirap mag-isa.

"I thought I was being a friend," he said. "I'm here Gayle. May iba bang andito?"

"Gago ka ba? After dropping that bomb on me? Akina yung kopya nung video! Akina if you're a friend. And does that even exist? O ginagago mo lang ako?"

"I thought we could listen to each other's woes."

Sh1t. "Ano bang gusto mo Sach?"

"For you to listen Gayle, really listen to me!" he told me straight to my face. Umatras ang mukha nya at uminom sya ng tequila ulit. "Kahit 'wag kang mag-salita. Kahit just let me talk."

T*ngina seryoso sya. Ano bang problema nito? "Ano bang problema mo?"

"Marami," sagot nya.

Wala kasi akong panahon sa isa o sa marami nyang problema. "Hindi ko na kasi kayang dumamay sa iba sa dami ng sa'kin Sach." Bakit ba akala nya may interes akong malaman ang mga problema nya eh alam nya naman na ang dami kong problema!?

My Sexual Partner (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon