Chapter 20

16.8K 238 4
                                    

Hinatid kami ni Doc sa unit ni Kealy that morning. Naka-alalay si Doc sa'kin habang dala ni Kealy ang mga bag namin.

Masakit pa rin ang ulo ko at madalas akong inuubo. Mataas pa rin ang temperature ko. Full-blown flu na nga daw. Pahinga at fluids ang kailangan ko.

Naka-upo si Trite sa labas, nakasandal sa pinto ng unit ni Kealy waiting for us. He looked confused upon seeing us. Napatayo sya agad.

Inirapan sya ni Kealy. Hinanap na nya ang susi ng unit nya sa bag.

"Who's this?" tanong agad ni Trite pertaining to Doc.

"Ali, brad," sabi ni Doc.

Trite held me. "Ako na," sabi nya kay Doc. "What happened to you?" Naramdaman nya ang init ng katawan ko upon touching me. "May lagnat ka."

"She has the flu," sabi ni Doc kay Trite habang papasok na sa unit.

"Ikaw ba yung kausap ko kanina? Why did she spend the night at your place?" tanong ni Trite.

"Trite he's a Doctor friend of mine. Ayaw magpadala ni Gayle sa ospital kaya sa kanya ko sya dinala. 'Di ba sinabi ng mom mo sa'yo?" tanong ni Kealy. "We spoke to her last night."

"Maaga silang umalis sa party kagabi eh. At 'di kami nagkita kaninang umaga," sagot ni Trite. Bumaling sya sa'kin. He had a worried look on his face. "Baby, how're you feeling?"

"Ayaw nyang magsalita kasi mauubo sya," sabi ni Kealy. "At galit sya sa'yo."

"Kealy hayaan mo sila," suway ni Doc kay Kealy.

"Bakit Baby?" nag-aalalang tanong ni Trite sa'kin. "Ba't galit ka?"

Hindi ko sya magawang kagalitan. I can't even talk to anyone cohesively. I was feeling really bad. "Bed. Bed," I said. I coughed. "Nahihilo pa rin ako."

Trite helped me get inside my room and on my bed. He felt my neck and he kissed my cheeks. "May sakit ka pala. Hindi mo sinabi. I was worried kagabi 'di ka nagtetext. Tapos earlier, your phone's off. I called Kealy, lalaki nakasagot tapos nasa ibang unit ka daw. I thought you spent the night at some guy's place and I was wracking my brain for things I did wrong. I didn't know kung may nagawa ako, if nagtatampo ka and you had to leave the unit pa to get away-"

"Baba -ubo- ero," I interrupted him.

"What?"

"Babae sa IG. -ubo- Naka-hug kiss sa'yo," I managed to say. I pouted. Napapikit ako at dinama ko ulit ang sakit ng ulo at sama ng pakiramdam ng buong katawan ko.

"Don't talk," sabi ni Trite. "Nahihirapan ka. Si Ate Tace ba? Pinsan ko sya. We're really close. 'Di mo ba napansin magka-mukha kami?"

Ah. Pinsan. Okay. Buti naman.

Natuwa ang puso ko pero mas sumakit naman ang ulo ko. "Trite ang sakit, -ubo- ng ulo -ubo- ko."

"Doc! Andyan ka pa?" sigaw ni Trite.

Trite, Kealy and Doc Ali talked sa kwarto ko. Pinanood nila akong mag-dusa habang pinag-uusapan nila kung paano ako gagaling at kung dapat akong ma-confine sa ospital.

"No!" buong lakas kong sigaw. Umubo ako ng umubo. Sumugod si Trite sa'kin at minasahe nya ang dibdib ko. "Hindi ako -ubo- magpapa-ospital!" Umubo pa 'ko ng umubo kaya napa-upo na 'ko.

Hinagod ni Trite ang likod ko. "Baby kasi baka malala na yan. And you're coughing. Hindi kasi natin alam bakit ka nagka-sakit. Maayos naman ang pagkain mo..."

Marami pang sinabi si Trite pero kasi hindi na tama ang una pa lang nyang assumption. I had been minimizing the food I eat para makatipid. Naku magagalit sya when he realizes that.

My Sexual Partner (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon