Chapter 45

14.1K 147 6
                                    

(A/N: Not very edited, apologies. I just really would like to finish this sooner rather than later. Ang dami ko pang gustong isulat kasi. :) )

"Oh, what did your mom say?" Carlo asked.

"Ahm wala. Yung curfew ko lang daw," sagot ko agad.

Pa'no ko ngayon sasabihin sa kanya na sa dinner andun si Trite at ang mommy nya? Ngayong napaka-insecure nya pa naman kay Trite. Hindi nya dapat malaman.

Pero pa'no ko itatago? Ihahatid nya 'ko. Pipilitin nyang ihatid ako for sure. Hindi naman ako makakatakas dun. Alangan namang hindi ko sya papasukin eh kung tutuusin bahay yun ng tita nya. He placed us there. How could I not invite him to dinner eh sya nga ang dahilan ng pagkikita naming lahat?

"And we'll have dinner later at your place diba?" confirm ni Carlo.

"Uh, I'm not sure eh. Confirm ko later kay Mommy." I need to think. Pa'no 'to?

Trite shouldn't be there kasi! Ba't kasama pa sya? Ang init pa naman ng ulo ni Carlo sa kanya ngayon.

Ano ba talaga yung sinasabi ni Trite na pakakasalan nya 'ko? He's crazy.

"Gayle? Malalim ata ang iniisip mo? What's that about? May sinabi ba Mommy mo?" tanong ng nakakaramdam nang si Carlo.

"Wala naman. I'm just worrying about Dad," idinahilan ko.

"Halika," he said and put my arms around my waist. Niyakap nya ako. Ganun kaming natumba sa kama. Ipinulupot nya ang katawan sa'kin. Hinalikan nya ang noo ko. "The issue will be over soon."

"Sana," I said.

Pinupog nya ng halik ang mukha ko. "Asan na yung pangako mong round two?"

"Lunch na Carlo, hindi mo ba naririnig Mommy mo?" pagdadahilan ko. Wala pa naman akong naririnig na tawag sa'min pero sinabi ko lang yun.

"Wala pa naman. She would've called through there," sabi nya at tinuro ang intercom.

Sh1t, may intercom. Sila na ang hindi nagsisigawan sa bahay ng 'kakain na!'

Tumunog ang intercom. "Carlo, kain na."

"See!" sabi ko looking at Carlo. Ang galing, sumakto!

"Mamaya ah," he said at turo sa'kin. We got dressed.

"Okay," I agreed. Sige ba, maging good mood ka lang 'pag nag-harap na kayo ni Trite mamaya, pagbibigyan kita.

Bumaba na kami. "Don't believe everything my brothers tell you. They're just, I don't know, they like bullying me."

"Okay."

"Wala pang kasal sa kanila. One's in the States, the eldest. Yung dalawa andito sa bahay ngayon which is a miracle."

I met Carlo's brothers who were very nice. His Dad was very nice and sweet too. Dad offered his concern for my Dad that I so appreciated.

His family's a real supportive bunch sa ginagawa ni Carlo though they really would like him to do something else. They're very happy naman na iba muna ang tinatahak nya ngayon which is his passion, singing.

Inasar sya ng inasar ng mga kuya nya na pinipigilan ng parents nya. Tawa lang naman sya ng tawa. It was obvious he missed his family.

"'Wag mong iiwan 'to Gayle ngangawa 'to ng sobra 'pag nagka-ganun tulad nung we left him sa Disneyland dati?" sabi ng Kuya nya sa isa nya pang Kuya.

Carlo pouted. "Iniwan nila 'ko dati. Sa entrance ng Disneyland," sabi nyang cute na nagpapa-awa.

"Awww," I reacted, nacutan sa kanya.

My Sexual Partner (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon