Chapter 23

14.8K 143 3
                                    

"Hindi ako tanga Sach. You don't have any evidence sa claim mo at kahit tutukan mo pa 'ko ng baril, hinding-hindi ako makikipag-kahit ano sa'yo!" I was quite firm. Ipinakita kong hindi ako natatakot sa kanya at wala akong panahon sa mga sinasabi nya.

Mataman nya 'kong tiningnan. "I'll give you hanggang bukas to decide. You know my number," he said at umalis na.

Biglang bumuhos ang sama ng loob ko sa lahat ng nangyayari pagka-alis nya.

I hate Sach! I hate his guts!!! Napaka-walang hiya nya!

Ang gago gago nya! Why does he have something like that? Bakit yun pa? At ngayon pa? This is so messed up!

My family doesn't need the stress coming from a circulating video of Trite and I having sex. Dad doesn't know about Trite as far as I'm concerned at suicidal na si Ate. Hindi 'to pwedeng maka-dagdag sa kahihiyan sa pamilya namin. Kaya pa ba ni Mommy ang lahat ng mangyayari kung sakali? Mas naluha ako nang naisip ko si Mommy na sumasalo ng lahat ng sakit, na nag-titiis para sa'ming lahat. Sana tatagan nya pa. Sana talaga makaya nya lang lahat.

Malala rin ang lola ni Trite sa States. At kasama nila don ang Tito nya na gustong ipakulong si Dad. If the video gets around, if may video nga talaga si Sach, maiipit sila ng mommy nya sa gulo. Magkakasama pa naman silang lahat na magkakapamilya. Hinahanap kami pero kamag-anak lang pala nila ang nakaka-alam kung asan ako at ang pamilya ko. Boyfriend pala ng anak ng hinahanap nila ang nagsisikreto sa kanila ng whereabouts namin.

Fvck talaga. Ang gago nitong si Sach. Ba't 'di na lang sya mamatay? Sobrang sama nya. Sukdulan ang kasamaan nya!

Ano ba yung sinasabi nyang gusto nyang mag-higanti kay Trite? Sinumbong ni Trite si Sach kay General Triceo. Anong sinumbong ni Trite? At anong ginawa ni General Triceo sa anak?

But I can't tell Sach where Kealy is. I just can't. He will eventually find out, pero I don't want to be the one who told Sach where they are. Kinakalimutan na ni Kealy si Sach at si Doc Ali na ang aako ng responsibilidad nya. They're going to tell Kealy's parents soon. Hindi na pwede ang singit o gulo na hatid ni Sach kung pwedeng isang Doctor naman ang magiging ama ng dinadala ni Kealy. Kealy helped me. Dahil sa pagpapatira nya sa'kin sa unit nya at sa paintings nya, nakaipon ako. She doesn't need Sach, and I shouldn't lead him to her.

"Yes sir, no problem," sagot ko sa Skype call ng American client ko sa mga pinapagawa nya.

Even with everything that was happening, I still had to work. Walang pahinga sa buhay na 'to, pvt*ngina. I could see why Ate would just rather die. It's really a tempting option. Why live when there's nothing to live for?

No, there's Trite. I have Trite.

I called Trite. Hindi ko na kinakaya ang mga nangyayari and I needed to share recent events with him.

"Baby. Kumusta?" bati nya.

Shall I say okay lang ako? "Uh-"

"Naospital si Lola. Nandito nga kami. It's not looking good. My mom's real stressed. Buti talaga andito kami with her."

May problema din sya. "Ganun ba?"

"Listen, hindi pala pwede mag-phone call. I'll just call you okay? I love you."

"I love you," I breathed. Nawala na ang call.

Ang masama pa nito, kinain ko rin ang mga dala ni Sach dahil sa gutom ko. Ayoko kasing magutom at magka-sakit ulit kaya kinain ko yung pride ko at yung fried chicken at maki.

Tuloy ang trabaho ko hanggang next shift which was six in the morning to three in the afternoon. I was exhausted. Lahat pagod sa'kin: utak, puso, katawan at kaluluwa.

My Sexual Partner (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon