SNSD (10)

406 19 0
                                    

SNSD - [Yen-Yen]








"Hala kang bata ka, nakakakilig naman ang dalawang 'to!" Biglang sabi ko at nakalimutan ko ng may pagkain pa pala ako sa bibig.







"I ship LuYoon." Bulong sa akin ni Jessie na ikinaasar niya nung tingnan ko siya na parang nako-kornihan ako sa kaniya. "Bakit ba? Nakakakilig kaya. Kasasabi mo nga lang kanina e."







Nilunok ko na ang pagkain ko saka nagsalita, "Oo nga. Pero kung titingnan mo, si Cheol at Chi." Tumingin naman siya. "Parang kung titingnan mo yung pag-hawak ng kamay nila habang nanunuod sa laro nating lahat, parang ang higpit diba?"








Halos mapatalon ako sa sumingit sa usapan. Walanjo! Hindi man lang nagsabi na iimik ang isang 'to!







"Do not ship us to any of them, Yen-Yen." Aba! Pinameywang-an ko siya at hinarap.






"Wag mo nga akong idamay sa pagiging manhater mo, Shine! Ayan si Shy oh! Kausapin mo!" Tsk. Kahit kailan, bitter!







"Grabe kayong dalawa! Oh, game na nga!" Nagturo na uli si Zio at tinuro si Yuki. "The Boys."







"Don't cry," Natulala naman kami sa sinabi ni Khay hanggang sa bilangan na siya ni Zio. "Haha! Don't go pala - "








"Here's the dare," Seryosong sabi ni Lei na ikinatahimik naming lahat. Bakit parang nae-excite yata ako?? "Lumapit ka dito, Khay."







Aba, aba! Hindi na lang sabihin ng malakas e! Nakakagutom kaya ang maghintay ng dare! Kahit na may kinakain naman ako.







"Sige ba!" Maya maya bigla niyang nilapitan si Yuki at inakbayan. "Badtrip kayo! Yun lang yon?!" Tumango ako sa naging reaksyon ni Han dahil kahit ako, nadadalian sa dare.








"Wait for it." Wait for it daw! Ano ba kasing - "OMO! YUKI!" Sabay sabay naming sigaw ng Girls' Generation.







Sino ba namang hindi magugulat dun diba?! Kung bigla na lang buhatin ni Khay si Yuki ng piggy back ride! At ito pa ang malupet ah!

Pagkatapos kasi non, biglang ninakawan ni Khay si Yuki ng kiss sa MAGKABILANG cheeks!







"I hate you!" She chuckled but then she immidiately went inside her room. Yung totoo? Anong ibig sabihin ng walk out na yon?







"Saranghaeyo mga 'tol!" At isa isa siyang nakipag-apir sa mga yon. "Oh game!"







"XOXO!"






"Bad Girl."







"Let out the beast! Whoo!"







"All my love is - "








"Nabanggit na Shine! Isip ka pa, dali!" Yugyog ko sa kaniya. Baka ma-dare pa siya e! Alam niyo naman ang mga lalaking yan!








"Three! Wala, dare na! Wait, isip lang kami."







Inis na napakamot sa batok si Shine nung bibigyan na siya ng dare nina Lei. Kawasa siya, hindi tinatandaan ang mga sinasagot! Tsk.








"Ah! Ibalik mo kay Xiumo yung kiss niya sayo!"







"CHAT!" Sabay na sigaw nung dalawa kaya iniba na lang ni Chat. "Joke lang naman kase! Sige ito na lang. Kumanta ka ng love song habang nakatitig sa kahit na kaninong lalaki dito sa amin."







EXO and GG Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon