EXO (40)

193 11 0
                                    

EXO - [Krus]









Nagsisisi talaga ako at kay Zio 'ko pa sinabi ang totoo e. Naalala 'ko nga palang bukod sa puyatin siya, mahilig pang mangasar!









Alam 'ko dapat 'yun e, nakalimutan 'ko lang. -.-









Rest day namin ngayon. Pero isang araw lang dahil balik shoot na naman para sa compilation ang EXO.









Nanunuod lang kami ng TV. Habang itong Zio na 'to, panay ang tingin sa'kin. Tapos pag ako naman ang titingin, bigla akong kakawayan.









Diba parang sira?









Dala na ata 'yan ng eyebags cancer. Stage 3 na siya at epekto 'yon ng sakit niya. Sino bang makakakapagturo dito na wag laging magpuyat?









"Jinja?!" (Is it true?!) Natigilan ako sa tanong ni Lei na katabi lang ni Zio. "Guys! May nalaman ako kay Krus!"









"Ano naman 'yun?"









"May sense ba 'yan?"









Sumama ang tingin 'ko kay Zio na ngayon ay nagpaalam na kukuha raw ng maiinom namin. At talagang iniwan pa 'ko sa mga chismoso na 'to?









"Oy, Krus! May nagugustuhan ka na raw na babae. Magkwento ka naman!" Asar pa ni Bae kaya napahilot ako sa sentido 'ko.









Sinamaan 'ko uli ng tingin si Zio pagkabalik niya sa upo. Ang daldal talaga!









Nakakabwisit e.









"Hindi niyan iku-kwento sainyo mga brothers. 'Yan pa ba?"









"Aba, EXO-M leader Krus. Hindi pwede 'yun. Sabihin mo sa'min, sinong nagugustuhan mo at kikilalanin 'ko."









"Baka nga mas matangkad pa 'yun sa'yo e! Hahaha!" Binatuhan siya ni Suwo ng pagkain dahil sa sinabi ni Cheol.









Kahit nga ako natawa e. Minion. Pfft. Hahaha!









"Di bale ng maliit wag lang maitim!"









"Hoy ako'y tigilan niyo diyan! Ikaw Suwo, inggit ka lang sa cutiepatotie na height 'ko!"









"Hep! Iniiba niyo naman na ang usapan," Pambihirang Xiumo -_-  "Sino na nga ang nagugustuhan mo, Krus?"









"Teka muna. Totoo bang may nagugustuhan ka na nga? Si Zio kasi nagsabi. Malay mo mali."









Sa tanong 'yun ni Bae, napakamot na lang ako sa batok. "Jinjjayo." (It's true)










"Kung ganun.. Sino?" They all said in unison.









"Wag kayong mabibigla ah?" Tumango sila kaya napabuntong hininga na lang ako. "It's - "









"Si Jessie."










"Ako diba ang tinanong?!" Sigaw 'ko kay Zio pero tinawanan lang naman ako. "Haist. Oo. Siya nga."










"Oh! Thi Jessie naman pala e. Thabihin mo tha kaniya!"

EXO and GG Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon