EXO - [Khay]
Isang araw na ang nakalipas pero hindi parin sinsauli ni Yuki 'yung bowl. Sino ba kasing tao sa kanila?
Kasi nung makita 'ko sa bintana, puro lalaki e. Kaya nagaalala ako sa kanila.
Kinwento 'ko na nga 'to sa EXO pero nakinig sila sa sinabi ni Yuki sa'kin.
Sure ba talagang okay sila? Dahil kung Oo, dapat papasukin nila ako sa loob, diba? Madaya.
"Suwo! Ikaw na lang pumunta. Tanong mo naman kung ayos lang sila. Baka magsabi sila sa'yo." Sabi 'ko habang nanunuod ng korean novela.
"Ikaw na. Kitang nanunuod."
"Xiumo, ikaw na lang."
"Payag sana ako Khay. Pero alam mo naman ang problema 'ko." Napahilot na ako sa sentido nung tanggihan nila ako.
Anong klaseng kaibigan sila, ha?! Aish!
Ayaw 'ko namang pumunta duon dahil baka mapagalitan ako ni Yuki baby.
"Lei! Pasuyo naman oh. Dali na."
"Ayaw 'ko. Ikaw na lang kasi."
"Zio - "
"Puyat ako. Tsaka, ayaw 'kong gumawa."
"Aiish! Napaka-babait niyong kaibigan e. Hmp! Ikaw Chat! Siguro naman - "
"Tara."
"Yown!" Buti pa 'to mabait. Sinasamahan ako. Palapit na kaming dalawa sa pinto nang mapayakap siya sa tiyan niya.
"Uh-oh. Call of nature! Ikaw na lang Khay. Sorry!"
Naman! Kung pwede nga lang sana. Kaso baka kutusan ako ng partner 'ko! T_T
"Ano ba kasing ipinag-aalala mo, Khay? Okay naman sila. May naaamoy ka bang patay? Wala naman diba?"
"Ang sama mo naman Cheol! Hindi naman 'yun ang ipinagaalala 'ko." Kahit kailan. Patay agad ang tanong e.
"E ano pala?" Tanong ni Seth.
"Syempre! Lalaki ang pumasok sa bahay ng Girls' Generation. Paano kung nakawan sila dun? I-hostage? Rape - "
Sinamaan ako ng tingin ni KD, "Tama na sa imahinasyon, Khay." Saka niya tinanggal ang kamay niya sa bibig 'ko.
"Ang OA mo, Khay. Magpapapasok ba ang Girls' Generation kung mukhang magnanakaw 'yung mga lalaki?"
"Pero Bae! Looks can be deceiving!"
"Nagaalala ka lang kasi kay Yuki. Aminin mo na lang." Napaayos ako ng buhok 'ko sa pangaasar ni Zio at kumindat.
![](https://img.wattpad.com/cover/60224145-288-k610249.jpg)
BINABASA MO ANG
EXO and GG Love Story
FanfikceLiving under the same roof is not as easy as what you think. Being called as Kings and Queens of KPOP is difficult. All eyes are on you, so you must stay professional, no mistakes should be captured on cameras. Unfortunately, they were caught by an...