EXO (71)

233 10 0
                                    

EXO - [Bae]








Halos basagin na ni KD ang tablet na hawak hawak niya sa nabasa niyang article tungkol kay Yen-Yen.








Paano ba naman. Bigla ba namang may kumalat na may secret affair daw si Yen-Yen sa back up dancer nitong si Won Shin Sok. May kasama pang litrato na magkayakap at parang prinsipe kung halikan nito ang kamay at may kasama pang tawanan.








Mga reporters talaga. Minsan hindi na nila alam kung hanggang saan lang sila. AT basta lang yata may maisulat sa articles nila.








"Hoy, KD. Akin 'yang hinahawak mo ah?" Paalala 'ko lang sa kaniya at saka hinablot ito bago pa magdilim ang paningin nito sa tab 'ko.








"Sa lahat ng lalaki 'yung back up dancer pa talaga papatulan niya?" Hindi makapaniwalang sambit nito.








Naupo sa tabi 'ko si Xiumo at naki-usyoso. "Hoy, KD. Pati ba naman ikaw ay nagpapadala sa litratong 'yan?"









"At bakit hindi? May litrato na oh! Ayan na ang ebidensya!" Giit niya duon sa tablet 'ko. "Totoo ang nasa litrato na 'to na masaya siya dun sa lalaki at saktong sakto talaga ang anggulo na kuha ng reporter!"








"KD, maghinay ka nga."








Nagdatingan na ang iba na galing sa labas at sa taas para makichismis kung saan nanggagaling ang sigaw na iyon.








Ipinaliwanag 'ko naman ang nanyari at pati sila nabigla duon sa balita tungkol kay Yen-Yen. Pero mukhang si KD lang naman ata ang naniniwala sa balitang 'to e.








"Si Park Soo na naman ba ang nagplano nito?"








"Hindi." They all looked at me. "Nakausap 'ko sa telepono si Taeya at sinabi niya na reporter talaga mismo ang nagpublish nan para ipakita 'to."








"Bakit parang mas madalas pa na sa telepono kayo magkausap kaysa sa personal?" Takhang tanong ni Khay na pati ako ay napaisip.









Bakit nga ba?








Binalik sa'kin ni Suwo 'yung tablet kasabay nung may magmessage sa kaniya. Hanggang sa dali dali niyang hinanap 'yung remote at binuksan.








Girls' Generation HyoYeon LIVE on her press conference!








Lahat kami ay mga napaupo sa sofa ang iba ay sa sahig. Sinulyapan 'ko ng tingin si KD na nakatungo lamang at nakayukom ang kamao.








"We are now live on TV. We have HyoYeon for her voluntary press con. Some personal -- very personal questions will be answered by me. While the rest, will be answered for her. You may now start asking and work on your articles."








Inangat 'ko ang binti 'ko para yakapin siya ng mga braso 'ko at pauga ugang nagaabang sa mga susunod pang mangyayari.








"First question will be led to Reporter Nam. Reporter nam?"








"Yes, thank you. So, Miss HyoYeon.. Base on the pictures, you look pretty happy there. Is it true that you're having an affair with the back up dancer Won Shin Sok?"








EXO and GG Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon