SNSD - [Yuki]
"Anong meron kay Shy?" Tanong sa'kin ni Taeya. Sinamaan 'ko siya ng tingin dahil ako pa talaga ang tinanong niya.
Pambihira. Hindi ba halatang pare-pareho kami ditong walang alam sa nanyayari sa kaniya?
Kahapon, kausap niya lang si Seth. Nung umuwi siya, nakabusangot siya. Pero nung makita 'ko siya kagabi na pumasok ng bahay, tulala na.
Hindi 'ko naman na natanong kung anong problema dahil dere-deretso lang siya sa pagpasok sa kwarto niya.
Weird.
"Hoy Seohyun!!"
"Oh?" Pati ang pagsagot niya, halatang wala sa sarili nung tawagin siya ni Yen-Yen. "Bakit?"
"Ayos ka lang ba, Shy?" Tanong 'ko. "Last night, I saw you entering the house. With those eyes. And until now, suot suot mo pa 'yan."
Napakusot siya sa mata at naupo sa tabi ni Chi. "La lang naman.."
"Sus! Anong wala? Meron eee! Manalamin ka kaya???" Pinalo niya kamay ni Chi na pilit ituro 'yung mata ni Shy. "Hayy nako.."
"Girls' Generation! Kain na tayooo~!!" Sigaw ni Yen-Yen habang nilalapag ang mga pagkain sa mesa.
"Ramen?" Tanong 'ko. Well, this one is my favorite. So. . . Medyo kinakabahan rin dahil mukhang si Yen-Yen ang nagluto. "Seryoso?"
"Bakit? Grabe ka naman. Kaya 'ko namang gumawa ng ramen noh!" Nagkibit balikat na lang ako at naupo na para makakain.
Nang may sumagip sa isip 'ko. Tutal nagdala naman siya ng bibimbap sa'min na hindi naman gaanong kasarap, ba't 'ko na naman...
Teka.
Yuki, anong ugali 'yan? Ang bait mo naman ata?
Sabagay. Tama. Wag 'ko na lang kaya siya dalhan? Mamaya lagyan pa niya 'yon ng malisya edi ako pa ang nakaramdam ng hiya.
Pero bakit naman ako mahihiya? Sino ba siya para mahiya akong magpakita sa kaniya? Si Khay lang naman siya.
Hindi naman siya gaanong ka-importante kaya.. Aish! Bakit ba 'yun ang topic sa sarili 'ko? Pambihira.
"Tulala ka, Yuki."
Buti na lang at may nagbalik sa realidad 'ko. Kung hindi baka hindi na ako nakakain. Pero nung tikman 'ko ang ramen ni Yen-Yen, narealize 'kong tama siya.
Marunong - este - magaling nga naman siyang maggawa ng ramen.
Ano ba, Yuki? Sabing wag mo ng dadalhan e!
Ang kulit. Tsk.
"Uy, Yuki! Magtira ka naman. Masyado ka namang nasarapan?" Nginitian 'ko na lang si Shine at nagpatuloy na sa pag kain.
"Yay! Ang sarap 'ko talagang gumawa ng ramen!"
"Baka nga 'yung ingredients lang ang nagdala e. Hahaha!"

BINABASA MO ANG
EXO and GG Love Story
FanfictionLiving under the same roof is not as easy as what you think. Being called as Kings and Queens of KPOP is difficult. All eyes are on you, so you must stay professional, no mistakes should be captured on cameras. Unfortunately, they were caught by an...