SNSD (69)

191 10 0
                                    

SNSD - [Taeya]








"Jung Min." I called nung mapansin 'kong busy ang iba sa kani-kanilang mga gawa.








Si Yna at Chi ay nasa kusina nagluluto. Si Tiff naman at Yuki ay busy sa kani-kanilang photoshoots. Habang si Shy ay ayun, kaalitan na naman si Yen-Yen sa taas. Habang si Shine naman ay nasa taas at mukhang nagaayos pa.








"Hmm?"








Tiningnan 'ko pa uli sila sa kusina at sa taas saka ibinalik ang tingin 'ko sa kaniya, "Are you serious about this?"








"Serious about what?" I looked at him with my bored face. Hindi pa ba obvious ang tinutukoy ng tanong 'ko? Pssh!








"Pinaasa -- I mean, pina-fall mo ang sister 'ko. Sinabi mo sa kaniyang mahal mo siya at umasa siya. Kaso bigla mong sinabi na mahal mo siya as your lil' sister and a friend? Kaya nagtataka ako sa ginagawa mo ngayon."








"Why would you be so confused about it? Look, Taeya," hinarap niya ako ng ayos mula sa pagkakaupo niyo sa sofa. "Past is past. Wag ng ungkatin pa. I regret everything and now, bumabawi ako. Bumabawi ako at ginagawa ang lahat para mapatunayan sa kaniya na mahal 'ko rin pala siya."








Maya maya ay may nagdoorbell mula sa labas kaya napasilip ako sa bintana. Sino naman kaya iyon? Baka naman dumating na sina Tiff.








"CHI! Pakibukas ng gate. Nalock ata!" Sigaw 'ko mula sa kusina.








"CHI!" Walang sumasagot?








"Tulog ang inuutsan mo, Taeya! Mahina talaga 'to sa cooking. Tsk!" Sagot ni Yna at siya na ang nagkusang lumabas pero bago iyon ay pinahabilin niya sa'kin ang niluluto niya.








Binalik 'ko tingin 'ko kay Jung Min. "Ibig sabihin ba nun.. Hindi mo na siya paaasahin? Well, okay ka naman sa'kin para kay Shine. Just make sure that you won't hurt her just like what you did years ago. -- "








"Taeyaa!! It's them!!" Duon palang ay napabagsak na ang balikat 'ko. Lagi na lang sila ang pumupunta dito.








Abuso naman sila por que magkapit bahay lang kami?








Nagexcuse ako kay Jung Min kasabay ng pagbaba ni Shine sa hagdan kaya tinuro 'ko na siya kay Jung Min saka nagpagpatuloy sa paglabas nang tawagin ako ni Shy na nagmamadaling bumaba ng hagdan.








"Shy, dahan dahan sa pagbaba. Baka mahulog ka!" Nang makababa ay panic na panic siya. "Shy. Calm down. Huwag magpanic. Ano ba 'yon?"








"K-kasi.. kasi.. Mga.. Mga 15 minutes papunta na dito ang mga exclusive reporters para matyagan tayo at ang kapit bahay natin!"







Napaturo ako sa sahig na tulala ang expression. "Here?" Tumango siya. "As in.. here?" Tumango pa uli siya. "WHY HERE?!"








Jusko naman! Sinong nagpapayag sa kanila na magpunta dito?! Hindi ba iyon parang trespassing?! Hindi pwede 'to!








Napatingin ako sa labas kung saan nanduon pa ang boys at hinihintay na papasukin sila ni Yna pero ayaw lang niya pa. Taray talaga.








"Papasukin mo sila Yna!" Sigaw 'ko at nilingon ang dalawa na si Jung Min at Shine na nakaupo sa sofa, nagku-kwentuhan.








EXO and GG Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon