SNSD (14)

302 18 0
                                    

SNSD - [Chi]









Nakakainis na ang lalaking 'to! Kanina ko pa niyuyugyog pero ayaw parin akong pansinin! Ano bang magandang panuorin diyan sa TV na yan at tutok na tutok siya?!








Tapos, kain kain pa ng popcorn! Hindi man lang marunong mag-alok! Hay nakoooo!








Ito ba ang Park Chanyeol na kinababaliwan ng mga babae?! E ang sungit sungit nga! Hmp! Malabong may magkagustong babae dito. Menopause na bipolar na masungit na ewan!







"Bakit ba ang kulit mo ha?!" Tingnan mo 'to, saka lang ako pinansin nung kumuha ako ng popcorn. Ang damot talaga!








"E kasi napaka-snob mo! Alam kong famous ka, pero famous rin naman ako ah?! Pero hindi ako snob!"








"Magimpake ka na nga lang dun!"








Nagpout naman ako at naupo sa sahig, sa harap niya. Habang siya ay nasa sofa. "Masyado ka naman yatang excited? Hindi por que within this week ang alis namin ay bukas na yon! Eh eh naman oh!"







"Umalis ka na lang sa paningin ko."








Sus, ang dali dali kong kausap. Edi naupo ako sa tabi niya. At nung lilingon siya sakin, hinawakan ko pisngi niya at iniharap sa TV.








"Sabi mo umalis ako sa paningin mo? Tapos ngayon titingin tingin ka sakin. Ang gulo mo." Halos mapatalon ako nung itapon niya yung popcorn. Tumama pa nga yung bowl sa TV e!










"Hala ka! Bakit mo yun ginawa?! Sayang naman yung pagkain! Atsaka, ang ganda ganda ng TV niyo tapos sisirain mo lang?!"









"Edi kainin mo kung sayang!" Sabay tulak niya sa akin, dahilan para medyo mapa-subsob ako sa sahig. "Wag mo kong kausapin!"










Sakto pa namang nagsidatingan yung iba nung marinig nila ang pagbato niya ng popcorn. Kaya inalalayan nila ako.










"Haha! Okay lang ako! Grabe naman kayong magalala. Haha!" Kusa na akong tumayo at nagpaalam na lilinisin lang yung mga kalat.










Hay nako! Ang sama sama talaga nung lalaking yon! Ganun ba talaga yun sa babae?! Walang karespe-respeto e! Kawawa naman yung magiging girlfriend nun.










"Uh, Chi," Nilingon ko yung tumawag. Si Bae pala. "Pasensya ka na kay Cheol ah?"










"Okay lang yon. Alam ko naman na sa simula palang, mainit na ang dugo nun sakin. Ang hindi ko lang maintindihan, bakit sakin pa uminit ang dugo nun? Haha!"










"May pinagdadaanan yun." Yun?! May pinagdadaanan?! "Haha! No offense ah, pero sa itsura niyang yun, sus! Parang wala naman e. Ang sama sama nga ng ugali."











"Ang kalog mo talaga." Nakipag-apir na lang ako sa kaniya at tumawa. "Bakit Bae?"










"Huh?"









"Bakit Bae ang nickname mo? Bakit hindi nalang.. Baek?"









"Haha! Sounds like bake kasi. As in yung parang nagluluto. Ganon. Haha!"










EXO and GG Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon