EXO - [Han]
Dapat ba akong matuwa dahil makikitira kami sa bahay ng Girls' Generation, o malungkot dahil alam kong gagawin kaming katulong don?
Tsk.
"Ayaw kong pumunta." Rinig kong sabi ni Cheol habang pahiga sa kama niya.
Ayaw pumunta pero nauna pa siya sa pag-impake ng damit sa akin? Loko.
Iniling iling ko na lang yon at nagpatuloy na sa pagiimpake. Ilang araw ba kami dun at ang daming damit ang pinapadala ni Suwo samin?
Maya maya biglang kumatok sa pintong nakabukas si Zio, "Guys! Nandito na yung van natin! Andyan na rin si Manager."
"EXO gaja!"
Kinalbit ko na sa paa si Cheol para kumilos na siya at lumabas na kami ng bahay ng may mask sa bibig at sumbrelo.
"Sino kaya yung mga yun?"
"Naka-mask, Naka-sumbrelo. Ay! Sindikato ang mga 'to!"
Walanjo na mga babae yan. Tsk. Para tuloy gusto kong ipakita yung mukha ko kaso wag na lang, malaman pa nilang dito kami nakatira e.
"Girls! Twelve na sindikato?! Baka naman.. EXO?!"
"Sus. Tingnan mo nga yung isa oh, ang itim itim. Siguro naman si Kai, kita pa naman sa dilim diba? Sindikato yan."
Napalingon naman kami kay Khay na nakaupo na sa loob ng van na naka-simangot. Sa kaniya ako tumabi dahil may space pa sa kaniya tapos si Lei ang katabi ko.
"Grabe sila sakin. Hmp!" Parang.. Aish!
"Hahaha! Mag-glutathione ka na, Khay! Hahaha!"
"Siraulo ka!" Tumayo ako ng konti at tinulak si Khay palapit kay Lei para ako ang nasa bintana. Madamay pa ako sa bangayan nung dalawa e.
"Nandito na ba lahat?" Tanong ni Suwo na katabi nung Driver. "Teka, si Cheol?"
Lahat kami napahanap sa kaniya. Nagsi-babaan pa ang iba para tingnan siya sa loob. Pero pagbalik, wala na daw sa loob.
Asan naman kaya yun?
"Pambihira yang Cheol na yan. Paghahanapin pa tayo!" Reklamo ni Suwo sabay baba ng van kaya ganun na rin ako.
"Cheol, tama na yan! Cheol, ano ba?! Cheol!" Nagsipuntahan naman kami sa likod nung bahay sa bakuran at nakita siyang nagsusu-suntok sa pader habang pini-pigilan siya ni Xiumo.
Malala na 'to.
"Cheol, tama na ano ba?!" Ang hina naman nitong si Suwo. Malapitan nga ang ugok. Hinila ko balikat niya paharap sa akin at sinuntok. "Hanlulu, why did you do that?!"
"He needs to wake up." Sabay pasok ko na sa loob ng van.
Matindi ang pinagda-daanan ni Cheol, sa totoo lang.
BINABASA MO ANG
EXO and GG Love Story
FanficLiving under the same roof is not as easy as what you think. Being called as Kings and Queens of KPOP is difficult. All eyes are on you, so you must stay professional, no mistakes should be captured on cameras. Unfortunately, they were caught by an...