EXO (4)

528 17 0
                                    

EXO - [Cheol]








Aish kainis! Napakatnga talaga nung babaeng yun! Tapos nagawa pa akong gulatin kahapon! Argh. Nakakainis talaga siya!






Huh! Mali siya ng natapatan niya!






Sakto naman na pagkalabas ko ng CR, tinawag ko siya. Bitbit niya yung mga damit ko. "Linisin mo ang CR."






"Oh, e bakit ako? Por que ako ang nakita mo?"







"Oo ikaw nakita ko kaya ikaw ang uutusan ko!" Tsk. Kailangan ba talaga tuwing kakausapin ko siya lagi kong ipapaliwanag sa kaniya ang mga bagay bagay?!






"Maglalaba pa ako e! Anong gusto mo? Labhan ko 'tong mga damit mo sa bowl? Magisip ka nga!" At ako pa talaga ang magiisip ha?! "Oh ayan! Si Taeya! Nakita mo na sya, siya na lang utusan mo!"





"Bakit ano ba yun, Cheol?" Hindi ko siya pinansin at lumapit kay Chi.





"Aish! Ilang beses ko bang ipauulit sayo na IKAW ang Personal maid ko! Ikaw lang ang uutusan ko! Napaka slow mo talaga!"




"Hindi ako slow! Inaano ba kita at ang sama sama mo sa akin?!" Kumuha ako ng damit na bitbit niya at ibinato sa mukha niya. "Ano ba?! Alam mo bang ang baho nun?!"





"Hindi mabaho mga damit ko for your information!"




"Oh really?! Pwes hindi ako slow for your information!" Akmang magsasakitan na kami nang may babae't lalaking humara sa amin.





"Cheol, pumapatol ka talaga sa babae?" Sermon sa akin ni Bae na akala mo'y Hyung ko siya.





"Ikaw naman Chi, alam na - "





"Alam mo Taeya, bagay kayo ni Bae. Mabait kasi SIYA sayo." Pagpaparinig pa nung babaeng gun sa akin!





Susundan ko pa sana pero pinigilan na ako ni Bae. "Cheol, babae yan. Sira ka ba?"





"Ay sorry ha?! Babae ka palang tnga ka?" Asar ko sa babaeng naka-pout na ngayon na hinarap ako. "Tsk! Sura naman kasi!"





Lumayas na ako at nagpunta sa kwarto ko at naabutan si Han na naggi-gitara. "Ke aga aga gitara agad?"






"Ke aga aga rin nakabusangot ka na naman." Inis kong kinamot ang batok ko at naupo sa Kama.





"Paano, yang si Chi!" Singhal ko. "Napaka ano! Napaka.."





"Napaka what?"





"Argh! Hindi ko alam kung sadyang slow siya o talagang binabara lang niya ako!" Sabay lagay ko ng unan sa lap ko at pinagpapalo.




"So are you saying na taob ka sa kaniya?" What?! Pinagsasasabi nito?! "Hey!"





"Ikaw ang hey! Dapat lang na ibato ko 'tong unan sayo dahil bwisit ka!" Sabay bawi ko nung unan ko sa kaniya. "That girl is getting on my nerves."





Natigil ako sa pagii-imik nang bumukas ang pinto. "Why didn't you knock?"





"Kasi hindi naman naka-lock. Layas kayo, lilinisin ko kwarto mo." Sabay labas niya ng walis at dustpan.






"Get out." Napatingin kaming pareho sa sinabi ni Han. "Get out and knock."





"Ang arte mo, alis."





EXO and GG Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon