EXO - [Cheol]
"Kayo, alalayan niyo 'yang si Sunghyun. At ikaw Cheol, magusap nga tayo."
"Ayaw 'ko," Piglas 'ko nung subukan akong hawakan ni Suwo. "Alam 'kong tatapunan mo lang ako ng mga salitang ayaw 'ko naman marinig."
"Cheol, kailangan mong - "
"Ayaw 'kong maturuan ng leksyon! Ano? May magagawa ka pa ba?" Sigaw 'ko sa kaniya na ikinahinto ng lahat. "Kaya 'ko sarili 'ko. Kung may dapat manermon sa'kin, ako at ako lang 'yon. Walang mange-ngealam."
"Sarili mo nga hindi mo ma-disiplina, tapos sasabihin mong wag kaming mangealam?!" Sabat ni Bae kaya pati siya, tinapunan 'ko ng masamang tingin.
Ah, so pagtutulungan nila ako dito? Fine, sige! Ganiyanan pala ah? Okay. MAGSAMA SILA!
Pakealam 'ko ba sa mga buhay nila?
"Mas mabuti pa, umalis na lang ako. Ayaw 'kong maabutan ang pagaaway niyong E-X-O." Singit ng isang 'to na ikinayukom ng kamao 'ko.
"Pina-paringgan mo ba 'ko? Sabihin mo lang at ibibingi kita!" I warned.
"I never liked seeing famous korean artists and groups arguing." He said. "Kaya nga kapag nagaaway ang Girls' Generation, nagtatampo ako e."
"So nagtatampo ka sa'min ngayon? E hindi naman tayo close." Pamimilosopo ni Khay na halos ikatawa ng iba.
"Hindi. Naiinis ako. Kasi hindi kayo marunong kumalma. At dahil sa ginagawa niyong 'yan, nahahawa na ang Girls' Generation 'ko."
"Hindi sila sa'yo." - Xiumo, Seth, Khay, Ako, KD.
"Okay," At saka siya lumapit sa pinto. "Pasabi na lang kay Chi na.. Umalis na ako. May kailangan akong tapusin, kunwari."
Saktong pagkaalis niya, lahat sila masasama ang tingin sa'kin. Mga naka-cross arms at ang iba pa nga'y nakataas ang kilay sa'kin.
"Kasalanan 'ko pa?"
"May balak ka bang sirain ang career natin, ha Cheol?" Halos sipain 'ko na ang sofa na pinagpa-patungan 'ko ng kamay habang nakatayo sa sobrang inis.
Ano bang akala niya, ha?! Na kaya ako nagpapaka-masama dahil gusto 'kong makita ng Sunghyun na 'yon ang ugali 'ko at para ipagkalat sa media?!
Ang kikitid naman ng mga utak nila!
"Alam niyo naman problema 'ko, diba?! Kaya wag kayong magalit! Palibhasa, ang kakapal ng mukha niyong mang-reject at lumapit sa mga taong mahal niyo!" Sabay turo 'ko sa sarili 'ko. "Ako? Nakikita niyo ba ang mukhang 'to?! Itong mukha na 'to ang patunay na hindi naman kasi ako tulad niyo!"
"Cheol, please stop shouting!"
"Bakit, Bae? Ano bang pakealam mo? Nabibingi ka ba, ha?! Sorry ah? Kahit na sino naman ata ay ganito magalit! Bakit? Kapag ba nagagalit ka, pabulong?!"
"Gumagawa ka lang ng ikaaaway nating lahat, Cheol e."
"Jusko naman, Seth! Ganiyan ba talaga tingin mo - niyo, sa'kin?! Pambihira. Bakit ba ako naging parte ng grupong 'to?!" Maya maya ay maging pati ako ay natigilan sa sinabi 'ko.

BINABASA MO ANG
EXO and GG Love Story
FanfictionLiving under the same roof is not as easy as what you think. Being called as Kings and Queens of KPOP is difficult. All eyes are on you, so you must stay professional, no mistakes should be captured on cameras. Unfortunately, they were caught by an...