Halos matagal-tagal rin akong naniwala sa paikot-ikot na tsismis dito sa campus. Bawat taong makakasalubong mo, pare-pareho ang sinasabi, pare-pareho yung tinutukoy.
Pero meron akong bagong natutunan.
Hinde porket gwapo at mukhang mabait yung tao, ay ibig sabihin mabait na talaga siya. Magagaling sila manlinlang, una akala mo ang amu-amo ng mukha. Pero ang totoo may sungay na talaga sila, hinde mo nga lang napansin kasi naniniwala ka sa sinasabi ng mga tao sa paligid mo.
Dapat talaga wag maniniwala sa tsismis. Tss. Unti-unti lang nyan sasakupin ung isip mo. Bibigyan ka kunwari ng gamot pero ang totoo lason un. Maamo nga yung itsura, pero ang totoo mascara lang yun.
Nasabihan lang ng magagandang bagay, maniniwala ka na kaagad. Siyempre, ikaw itong utu-uto, mag-papauto.
Yun kasi ang hirap sakin, mabilis maniwala sa sinasabi ng iba. In other words, utu-uto. Hay~
Masyado akong nadala sa mga pinagsasasabi ng mga tao sa paligid ko. Kesyo mabait daw, gentleman daw, gwapo daw, magaling daw magbasketball at mayaman daw. PURO DAW. Sabihin na nating gwapo siya, pero ung ibang nabanggit? Ewan ko lang.
Dahil ang dami na nilang nagsasabi nun, naniwala ako. Hinde ko man lang napatunayan!
Hinde ko napigilan yung sarili ko na hinde magkagusto sa kanya. Bakit? Kasi gwapo siya. Nako pinahaba ko pa di ko na lang sabihing nauto ako!
Pero mabuti na lang at nalaman ko yung tunay niyang kulay!! Simula ngayon, tapos na yung pagpapantasya ko sa kanya.
“Aray!” sabay bagsak ng mga dala kong libro.
“Bakit ba kasi hinde ka tumitingin sa dinadaanan mo? Bulag ka ba?! Ha?!” sabay alis.
Pinulot ko yung mga libro ko habang tinitingnan siya palayo.
“Akala mo kung sinong gwapo..”
Bigla siyang napatinggin sa akin at tinitigan ako. Tininitigan ko lang rin siya at pagkatapos siguro ng mga limang segundo naming titigan ay tumalikod na siya at umalis.
Ayoko ng isipin pa yung nangyari kanina pero ngayon alam niyo na kung bakit ganun na lang kabilis yung pag baligtad ko.
Peter Lo, yun ang pangalan niya.
Simula nung second sem nung 2nd year college kami dun ko na madalas naririnig yung pangalan niya. Actually wala pa akong clue nun kung anong itsura nya pero parang kilalang kilala ko na siya kahit na hinde ko pa siya nakikita. Kahit na naririnig ko lang sa mga tao sa paligid ko yung pangalan niya, feeling ko magkilala kami. Oh diba? Ibang klase ako. Feeling close na ko kahit hinde ko pa siya nakikita!
Naging magkaklase kami nitong summer sa isang subject. Tingnan niyo, pangit ung kapalaran naming dalawa! Ilang buwan yung lumipas bago ko siya makita! Hinde kasi nag kukrus literal yung landas naming dalawa. Pero nung unang kita ko pa lang sa kanya.. bumigay na ko. Dun na ko nagsimulang maniwala sa mga sabi–sabi nila! Gwapo naman kasi talaga at mukhang mabait! Nasa itsura niya rin na parang ang talino niya at alam niyo yun, boyfriend material. Dun ko siya nagging ‘crush’.
Gentleman, gwapo, magaling magbasketball, mabait at mayaman daw siya. Eto na naman. Tuwing sinasabi ko yung linyang yun feeling ko nagsisinungaling ako e. Hay nako. Sino nga namang bang babae ang hinde magkakagusto sa ganung tao diba? Pero kahit na isang beses hinde kami nagkaroon ng pagkakataong magkausap. Kaya ayan nalinlang ako.
Pwera nga lang ngayon araw na to. Hinde ko na hahayaang maloko pa ko!
Mabait?! Anong pinagsasabi nilang mabait?! GENTLEMAN? OK LANG SILA?! Tiningnan niya nga lang yung libro kong nahulog eh! Ganun ba umasta ang isang gentleman?! Tanggap ko sana kung walang kwentang tao yung nakabangga ko eh. Pero ang tsismis dito sa campus puro magaganda yung sinasabi tungkol sa kanya, kesyo daw mabait siya at gentleman!! Diyos ko no! Alam ba nila yung pinagsasabi nila??? Alam ba nila meaning nun??!