Chapter 12: Two Cents' Worth

1.6K 4 0
                                    

“Bakit ganun?” Tumingin sakin si Mariel. “Dalawang linggo ko na siyang tinuturuan, pero wala paring pagbabago! Ganun parting trato niya sakin!!”

“Si Lucas Elizalde?” Tanong niya sa akin.

“Oo! Siya nga!! Yung demonyong yun!!” Natawa si Mariel sa sinabi ko.

Wala namang nakakatawa sa sinabi ko eh! Totoong demonyo siya! Dalawang linggo na kaming magkakilala. Dalawang linggo na kaming nagkikita. Dalawang oras sa isang araw. Tatlong araw sa isang linggo. 12 hours na yung nagamit namin. Pero sa 12 hours na yun, madalas kaming nag tatalo!

Ang nakakainis pa dun, tuwing nagtatalo kami, palaging seryoso yung mukha niya. Mahilig rin siyang ngumisi kaya mas lalo akong naiinis! Hinde ako pikon na tao, pero pag dating sa kanya, napipikon ako! Hinde ko maintindihan kung bakit inis na inis ako sa kanya! Simula nung nalaman kong playboy siya, gusto ko na lang siya biglang pabagsakin!

“Dapat talaga sa mga playboy nililibing ng buhay eh!” dagdag ko.

“Edi turuan mo ng leksyon~” napatingin ako kay Mariel dahil sa sinabi niya. “Turuan mo siyang magmahal. Make him fall in love with you.”

Seryoso yung pagkasabi sakin ni Mariel nun, kahit na medyo naka smile siya. Usually, pag nagjojoke siya iba yung smile niya. Pero ngayon, eto yung time na seryoso siya sinabi niya.

“Pwede ba yun?” tumawa ako ng mahina, “eh may boyfriend ako.”

“I said, make him fall in love with you, not fall in love with him.” nilapit ni Mariel yung mukha niya sa mukha ko. “Parang test na rin yan sa sarili mo at para sa love mo kay Peter.”

“Huh? Anong ibig mong sabihin?”

“He hasn’t been contacting you recently, right?” Tumango ako. “We both don’t know what he’s doing there right now. It looks like he’s doing pretty fine without you there. I mean, hinde na nga kayo nagkikita tapos nakayanan niyang kahit boses mo hinde niya marinig. I guess kaya niyang wala ka. Sorry, I just had to put in my two cents.”

Tuwing nagsisimula si Mariel tungkol sa hinde pagcontact sakin ni Peter, gusto ko na lang biglang i-mute yung bibig niya. Kung meron lang sigurong universal remote, matagal ko na yun nagamit kay Mariel.

“Anong point mo? Gusto ko ng marinig yung point mo. Wag mong guluhin yung utak ko, pwede?” sabi ko sa kanya.

“The no phone calls and not seeing each other thing, how long can you last that kind of set up?” napaisip ako bigla, “Love itself is not enough, you know that. We’ve been there. Pati hinde ka rin sure kung six months lang talaga siya dun. Pwedeng maging seven months, eight months, one year, or baka ten years.”

“So anong dapat kong gawin? Makipagbreak sa kanya?” tanong ko kay Mariel.

“No, just try seeing other people. Yung tipong walang attachment. Go with the flow. Friends with benefits, yung mga ganung laro..” iniintay ko yung kanunod niyang sasabihin, “pag na in love ka, dun mo na malalaman yung mga sagot.”

“Mga sagot? Wala naman akong mga tanong eh.”

Ngumiti si Mariel, “maiintindihan mo rin yung ibig kong sabihin pag na in love ka sa ibang tao.”

“Ang hirap naman ng sinasabi mo eh.” napakamot ako ng ulo, “saan ako kukuha ng subject ko?! Ang hirap kayang maghanap ng matinong tao ngayon! Pati hinde ba parang ang sama ng labas ko nun? May boyfriend ako, tapos ganun..”

“Meron na diba? Sabi ko sayo make Lucas Elizalde fall in love with you.” Tapos ngumiti siya, evil smile. “Masama ba yun? Hinde ka niya konkontak, hinde mo alam yung nangyayari sa kanya dun. Hinde naman siya poor para bisitahin ka dito kahit ilang days lang siya mag stay diba?”

Lie About UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon