Chapter 7: Miguel

1.6K 4 1
                                    

Magkabarkada si Miguel at Kuya Yuki kaya hinde nakakapagtataka na sa maagang edad ay nagka boyfriend na ko. Second year high school pa lang kami, madalas na kaming magkasama. Syempre, walang formality kasi mga bata pa kami. Malat ba namin sa mga ganun! Hinde siya nagtanong kung “pwede ba kitang maging girlfriend” at wala rin akong sinabing “oo tayo na”. basta nangyari na lang ang lahat. Nag i-I love you siya sa akin, at ganun rin ako. Hinde siya tumitingin sa ibang babae ata ako rin hinde tumitingin sa ibang lalaki. Palagi ko siyang kasama, recess, lunch at uwian. Ang nakakatawa pa nga dun, si Kuya Yuki pa mismo yung nagsabi kay Miguel na siya lang daw ang pwedeng maging ganun sa akin. Lahat na raw ng ibang lalaki, banned.

Mabait na tao si Miguel, tipong nasa sa kanya na ang lahat. Gwapo, mayaman, mabait, magaling sa sports at matalino. Siya yung tipong wala ka ng hihilingin pa. Nakakagulat nga lang kung bakit ako yung napili niya, hinde naman kasi ako kagandahang babae. Hinde rin ako mayaman, kung yun ang pag uusapan, talo na ko. Pasalamat na lang ako at propesor yung tatay ko sa college ng school namin at kung hinde, malamang hinde ako napaaral sa magandang eskwelahan.

Nagulat nga yung pamilya ko nung nalaman nilang kami ni Miguel, pero syempre natuwa sila dahil alam nilang mabait na tao yung napili ko. Pati, bantay sarado siya kay Kuya Yuki kaya hirap siya mag loko. Kahit sa buong school, alam na kami ni Miguel. Ang sabi nila swerte daw ako kay Miguel, siguro nga swerte ako sa kanya. Hanggang sa naging magkaklase kami ng fourth year high school kami. Imbis na magkasawaan kami dahil palagi kaming nagkikita ay parang mas tumibay pa yung pagsasama namin. At dahil Ferrer yung family name niya, magkatabi kami buong taon.

Pagkadating namin ng college ay nagkahiwalay na kami ng school. Hinde naman malayo pero hinde lang tulad ng dati na halos araw-araw pwede kaming magkita. Pareho sila ng school na pinapasukan ni Mariel kaya panatag ang loob ko. Nagkaroon rin ako ng mga kaibigan sa school na pinapasukan ko, pero bilang lang. Madalas lalaki yung mga nakakasundo ko pero ang nakakasama ko ay puro babae, isa na dun si Joan.

Si Joan yung Mariel version ko sa college. Blockmates kaming dalawa kaya palagi kaming magkasama. Nagkukwentuhan kami tungkol sa kung anu-ano, pero madalas puro love life. Dahil si Miguel lang yung naging boyfriend ko, kaya puro siya lang yung nakukwento ko sa kanya. Siya naman ay madalas iba-ibang lalaki yung kinukwento. May pagka “play girl” yung dating niya, pero mabait talaga siya. Siguro ganun lang talaga ugali niya. Isang araw sinundo ako ni Miguel, sakto kasama ko si Joan nun, kaya pinakilala ko sila sa isa’t isa. Gusto ko nga kasi magkasundo yung friends ko pati boyfriend ko. Wala naman kasi akong naisip na may milagrong mangyayari. Pero siguro nga, nagkulang ako. Hinde ako sweet, expressive at gaya nga ng sabi ni Mariel, may pagka manhid ako. Kasalanan ko ba kung ganun ako? Hinde naman diba?

Hinde ko talaga naisip na lolokohin ako ni Miguel. Hinde ko aakalain na mambababae siya sa likod ko. Never pa kasi niyang nasubukan gawin sakin yun kahit nung high school kami. Malaki rin kasi tiwala ko sa kanya. Kaya nung narinig ko sa paligid ko na nambababae daw si Miguel, hinde ko alam ung gagawin ko. Natakot akong sabihin kay Mariel kaya kay Joan ko sinasabi ang lahat. Kinocomfort niya ko at lahat-lahat, kesyo daw wala lang yun, wag ko daw isipin, wag ko na lang daw iconfront si Miguel dahil baka daw isipin niya na wala akong tiwala sa kanya. Kaya yun ang ginawa ko.

Sinunod ko yung sinabi niya, dahil natakot ako na baka yun pa maging cause ng pagaaway namin. Ako na ang umiwas. Pero isang araw… bigla na lang may napansin akong kakaiba. Nung nakatalikod ako, di ko sinasadyang makita na hinalikan ni Miguel si Joan. Naisip ko na baka mali ung nakita ko dahil alam kong hinde nila magagawa sakin yun. Tapos bigla ko na lang nalaman na siya pala talaga yung babae.

Hinde ako makapaniwala, hinde ko maisip na magagawa nila sakin yun. Ayoko isipin na niloloko nila ako pareho, ayokong magalit sa kanila. Kahit na ang dami ng ebidensya na may nangyayari na sa kanilang dalawa habang nakatalikod ako, hinde parin ako sumuko. Nag pretend ako na wala akong alam. Na ok lang ang lahat. Na akin parin siya, sa akin lang.

Lie About UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon